Matapos kaming kumain ni Thrivon ng lunch sa kwarto, bumaba na kami at nagpaalam siya sakin na babalik siya sa clinic at sinama niya si Raider. Nakasalubong ko si Rosa habang papunta ako sa kusina at nagulat ako ng bigla niya kong niyakap.
“Oh, may problema ba?” tanong ko sa kanya. Pinalo naman niya ko sa braso ng binitawan niya ko at napaaray ako. “Bakit ka nananakit?”
“Masaya lang ako at bumalik ka dito sa farm. Alam mo bang alalang alala lahat ng tao rito dahil sa nangyari sayo?”
“I know, at sorry kung pinag-alala ko kayo. Sinabi na lahat ni Thrivon, pero hindi ko naman akalalin na haharangin kami ng mga armadong lalake. Dinalaw ko lang ang Sir Ace niyo tapos pagbalik namin ganon na. At ang masama pa, tumawag ako sa pulis at hindi man lang ako pinaniwalaan.”
“Galit na galit nga si Sir Yhuno ng pumunta ang pulis dito. Sinabi nila na may nangyaring aksidente sa intersection at hinahanap ka kasi nakita daw ang sasakyan mo doon. Akala nga namin ikaw ang naaksidente, natakot kaya ako!”
“Sobrang natakot din ako Rosa, nong makita kong bumaba ang mga lalake sa van na may mga dalang baril, akala ko katapusan ko na.” huminga ako ng malalim at hinawakan naman niya ang kamay ko. “Pero okay na ko, buti na lang at dumating si Aldhos.”
“Narinig ko nga rin yon… Kumusta naman ang dalawang araw na kasama mo siya?” at pilya siyang ngumiti. Kinurot ko siya sa tagiliran at napatawa siya.
“Ayan tayo eh! Lumalandi ka kaagad! Kanina lang dumadrama ka tapos narinig mo lang ang pangalan niya, ganyan ka na.”
"Nagtatanong lang naman ako. Bakit nga pala hindi mo siya kasama na bumalik?”
“Pinuntahan niya ang kanyang dad para makapag-usap sila. Masaya naman ako don. Nga pala, nakita mo ba si Yhuno? Kakausapin ko din sana eh.”
“Dumiretso siya sa office matapos kumain, mukhang bad mood si pogi. May nangyari ba sa inyong dalawa?”
“Wala, meron lang kaming misunderstanding… Pupuntahan ko lang siya at sana huwag kang mang istorbo.” tukso ko sa kanya at maarte siyang umangal na kinatawa ko. Ako naman ang tumulak sa kanya papunta sa kusina at lumakad na ko papunta sa office. Kumatok muna ako sa pinto tsaka ako pumasok pero natigilan ako kasi may kasama pala siya. Hindi ko siya kilala actually but she looks from the city, ayos pa lang niya, mula sa bag, sapatos and makeup. She's young, maganda, long legs, skinny at mukhang close sila. "Sorry, may bisita ka pala. I'll just go…" at akma kong isasara ang pinto pero pinigilan ako ni Yhuno.
"Pasok ka Carmella, ipapatawag sana kita." sabi niya. Tumingin ako sa suot ko na isang denim, short jumper, sleeveless top at ankle boots, compare sa kanya na very classy. Tuluyan na akong pumasok at ngumiti ang babae sa akin. “Carmella, I would like you to meet Irene, she's the interior decorator that I hired for the coffee shop na itatayo natin."
“And he forgot to mention that I am also his girlfriend…” sabat nito at natigilan naman ako sa kanyang sinabi. Girlfriend? Nagugulohan man, hindi ako nagpahalata at ngumiti rin sa kanya.
“Irene, huwag ka ngang magbiro ng ganyan… Kaibigan ko lang siya Mella, and we went to the same university.” tumingin ako sa kanya na walang reaksyon ang mukha ko. Kahit kaibigan lang siya, malay ko ba kung anong past nila, kung anong relasyon nila nong college sila?
“Ikaw naman Yhu, napaka seryoso… We were not together but we are really close friends. So glad to meet you Mrs. Leventis, hindi ko akalain na napakabata pala ng stepmother ng kaibigan ko. No offense but how old are you?”
“I’m 30…” ito naman ang natigilan pagkatapos ay tinignan niya ang kabuuan ko. “I do get that a lot, ganyan din ang reaksyon ni Yhuno ng makilala niya ako. Sandali, taga city ka rin ba?”
BINABASA MO ANG
Carmella, Our Father's Wife (Old Version)
RomanceSi Carmella ay butihing asawa ni Ace Leventis na nagmamay-ari ng isang malaking hacienda. May triplets na anak ang kanyang asawa mula sa unang asawa nito at umalis ang mga ito sa farm para mag-college. Ngayong naaksidente ang kanilang ama, bumalik...