"Mommy, andito na tayo, papasok na tayo sa gate." malambing na sabi ni Yhuno na nagpagising sa aking diwa. Kinurap ko ang aking mga mata at nang tuluyan kong binukas yon, papasok na ang sasakyan sa naka-open na malaking gate ng hacienda. Pero medyo malayo pa ang tatahakin namin bago kami makarating sa mansion. Malawak din naman kasi ang farm, marami kaming taniman, may bigas, mga gulay, mga prutas at nagtatanim na rin kami ng kape kung saan nagdedeliver kami ng supplies sa aming grocery sa kalapit na bayan at pati na rin sa iba. Nagsu-supply kami ng coffee beans sa mga coffee shop at marami-rami ang orders simula nang magsimula kami. Nage-export din kami ng mga prutas sa iba't-ibang bansa lalong-lalo na yung mga dried products. Bukod sa taniman, nag-aalaga din kami ng mga hayop, baka, kalabaw, manok, piggery, may mga kambing din at ang hilig ni Ace, mga kabayo. Hindi namin sila pinapakarera, pero may mga shows kaming pinupuntahan para sa mga kabayo. Nagsimula na din kaming magturo ng mga riding lessons para sa mga bata at sa mga interesadong mangabayo. Perfect ang place para sa kanilang lahat at hindi namin sila pinapabayaan. May mga pusa din na nagkalat, mga strays na pinapakain namin. Karamihan dito may mga alagang aso kaya nagkalat din sila. Ang mga tao rito, bukod sa masisipag, mababait din sila. Agad nila akong tinanggap ng magtrabaho ako dito at ng makasal kami ni Ace, okay lang din sa kanila. Ganon siguro kung nagpapakita ka rin ng kabutihan sa kanila. Kaya nga mas gusto ko dito sa farm, masaya at peaceful. Binati kami ng mga guwardiya na nasa gate at kinumusta ko sila. Nagkatinginan ang mga ito at nag-aalangan na sumagot.
"May nangyari po ba manong?" tanong ko sa isa at napakamot ito ng ulo.
"Kasi maam andito po si Miss Katherine." natigilan ako nang marinig ang pangalan na yon. Napansin ko rin ang paghigpit ng kapit ni Yhuno sa manibela.
"Ha? Anong ginagawa niya rito? Di ba sinabi na ni Ace na huwag niyo na siyang papapasukin dito?"
"Wala na po kaming nagawa maam, pinagalitan din kasi kami ni Manang Imelda. Utos daw ni Sir Ace na dumito muna siya habang wala kayo." bigla naman akong nainis.
"Sige manong, ako na ang bahala. Nga pala, siya si Sir Yhuno niyo, ang panganay na anak ng Sir Ace niyo. Tratuhin niyo siya ng mabuti ha."
"Makakaasa ka Maam." at sumaludo ang mga ito. "Pasensya na po."
"Sa susunod ako o si Yhuno na lang ang susundin niyo ah kahit pagalitan pa kayo ni Manang Imelda. Huwag niyo ring sasabihin na andito na kami."
"Opo Maam Carmella, hindi na po mauulit." tumango lang ako at tuluyan na kaming pumasok.
"What is that woman doing here?!" galit na sabi ni Yhuno ng makalayo na kami.
"Hindi ko rin alam. Malamang gusto niya na namang magreyna-reynahan rito. I'm sorry but your mother is a despicable woman."
"No, I agree with you. Tsaka bakit nagtatrabaho pa din ang matandang yon dito?"
"Matagal na siyang pinaalis ng Dad mo pero kamakailan lang, nakiusap siya na magtrabaho ulit siya dahil wala na siyang pera at mapuntahan. Naawa naman ang ama mo kaya nagtatrabaho ulit siya sa mansion. Pero hindi ko akalaing sasamantalahin nila na wala kami dito."
"Ang kapal naman ng mukha niya. Ang pagkakaalam ko divorce na sila ni Dad, marami siyang binigay na pera rito para tigilan na niya kami pero hindi pa pala sapat yon at bumalik pa."
"I'm sorry Yhuno, gusto ko na maging masaya ang pagpunta mo dito pero first day pa lang may problema na."
"Ako pa nga dapat ang mag-sorry sayo Carmella dahil sa panggugulo ng babaeng yon. Nakilala mo na ba siya?"
"Sumugod siya sa kasal namin ng Dad mo. Don't worry, hindi ako magpapatalo sa kanya. Ilalagay ko siya sa tamang lugar." hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/268278703-288-k511690.jpg)
BINABASA MO ANG
Carmella, Our Father's Wife (Old Version)
RomanceSi Carmella ay butihing asawa ni Ace Leventis na nagmamay-ari ng isang malaking hacienda. May triplets na anak ang kanyang asawa mula sa unang asawa nito at umalis ang mga ito sa farm para mag-college. Ngayong naaksidente ang kanilang ama, bumalik...