Masaya akong sinalubong ni Manang Nemi ng makarating ako sa mansion namin dito sa lungsod. Mahigpit niya kong niyakap at maging ako din. Nang bitawan niya ko, lumapit ako sa aking asawa at niyakap rin siya. Nag-decide ako na bisitahin siya nong araw na yon at para matignan rin kung nag-iimprove na ba ang kalagayan niya. Sa matamis niyang ngiting iginawad sakin at higpit ng kanyang yakap, mukhang okay naman siya. Hindi ko kasama ang mga anak niya dahil walang maiiwan sa farm, baka kasi may makapasok na namang maligno at mag reyna-reynahan doon. Ang kasama ko lang ay ang aking bodyguard na kilala na din ni Ace. Dala ko ang aking pasalubong na binigay ko kila Manang na laking kinatuwa nito. Kinumusta ko din si Nurse Isabella na namumula ang mukha dahil sa mga compliments ni Ace. Isang araw lang ako rito at hindi mag overnight, ayaw kasi nong dalawa. Nong binanggit ko nga na gusto kong makasama kahit konti lang ang kanilang ama, napasimangot sila kaya sabi ko babalik din ako kaagad at baka gabi na rin kami makauwi. Pumayag naman sila basta may kasama akong bodyguard. Wala na kong sinayang na oras, agad kaming pumunta ng asawa ko sa kanyang office at kinuwento ko lahat sa kanya ang nangyari sa probinsya. Pinakita ko din sa kanya ang mga future plans ng kanyang mga anak tungkol sa farm na inaprubahan naman niya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang saya at proud habang sinasabi sa kanya ang lahat maliban nga lang sa tunay na relasyon ko sa kanyang mga anak. Nagi-guilty ako pero ano pa bang magagawa ko? Siguro in time, sasabihin ko din, alam kong walang kapatawaran ang ginagawa ko, siguradong maghihiwalay kami at baka palayasin ako sa farm. It’s the consequence that I will gladly accept.
“Mukhang maganda ang performance na ipinapakita ng mga anak ko sa farm.” sambit ni Ace habang nagla-lunch na kami ng mga oras na yon.
“Oo nga eh, hindi ko akalaing masasanay sila sa trabaho sa farm na ganito kabilis. Parang kailan lang ng bumalik si Yhuno tapos sumunod si Thrivon. Masayang-masaya ka siguro.”
“Syempre naman! Akala ko hindi na sila babalik pa at gagawin na lang ang kanilang gusto na hindi na ako iniisip. Nagpapasalamat nga ako sayo at nakumbinsi mo sila na mag-stay sa farm.”
“Naku, wala yon. Alam naman din nila kung gaano kahalaga sayo ang lugar. Hindi ka ba dadalaw honey? Matutuwa ang mga tao doon pag nakita ka nila. Magpagaling ka raw ng mabuti, yong mga pasalubong ko nga na dala ko, halos sila lahat ang nagbigay.” natawa naman siya.
“Dadalaw din ako Mel pero kailangan ko pang magpalakas, ayoko silang harapin na ganito ang sitwasyon ko.” hinawakan ko ang kamay niya. “Tsaka iniisip ko na rin na ipasa ang pamamahala ng farm sa mga anak ko. I’m sure na kaya nila yon.”
“Of course, binabawi ko na ang sinabi ko nung una, mana talaga sila sayo. Ang dedicated nila sa trabaho at talagang iniisip nila ang kapakanan ng mga tauhan natin. Teka, ang isa mo pang anak, si Aldhos, hindi ka pa ba niya kinokontak?” bumuntong-hininga siya.
“Bakit naman niya gagawin yon? Galit siya sakin, ako ang sinisisi niya kung bakit iniwan kami ng dati kong asawa." malungkot niyang sabi.
"Ace, bata pa siya non. Baka hindi nga niya alam ang aksidenteng nangyari sayo."
"Paano niya malalaman kung hindi ko naman siya mahagilap? Alam mo, ayoko na siyang pag-usapan pa, ang mahalaga magkasundo pa rin silang magkakapatid. Kung may nangyari man sa kanya, siguradong ipapaalam satin ni Yhuno at Thrivon." tumango lang naman ako, baka kasi tuluyan ng sumama ang mood niya pag pinilit ko pa. After ng lunch, nag-usap pa kami sandali hanggang sa napag desisyunan ko ng bumalik sa farm.
"Dadalawin ulit kita honey." sabi ko sa kanya ng ihatid nila ako sa pinto. Dinampian ko siya ng halik sa labi at matamis siyang ngumiti.
"Huwag kang magpapagod. Tandaan mo, nandoon na ang mga anak ko para tulungan ka." hinalikan ko ulit siya at nagpaalam na rin sa iba tapos ay pumasok na ko sa backseat ng SUV.
BINABASA MO ANG
Carmella, Our Father's Wife (Old Version)
RomanceSi Carmella ay butihing asawa ni Ace Leventis na nagmamay-ari ng isang malaking hacienda. May triplets na anak ang kanyang asawa mula sa unang asawa nito at umalis ang mga ito sa farm para mag-college. Ngayong naaksidente ang kanilang ama, bumalik...