“Carmella!” nagising ako sa malakas na pagtawag na yon at pagmulat ng aking mga mata, kulay orange na ang langit, hapon na pala at mag gagabi na. Tumingin ako sa paligid ko at bahagya akong nakahiga sa reclining chair na nilabas ko mula sa kubo na sinet up ko malapit sa ilog. Dito ako napunta nang umalis ako ng mansyon matapos ang nasaksihan ko between my husband and his private nurse. Dito rin ako nakapag-isip, masakit dahil hindi sinabi ni Ace pero ganun din naman ang ginagawa ko sa kanya. Nakikipagrelasyon din ako sa tatlo niyang anak at kailangan na talaga naming mag-usap kung anong kahihinatnan ng pagiging mag-asawa namin. “Carmella!” bumangon ako at tinignan kung sino ang tumatawag sakin. Nagulat na lang ako ng sumulpot si Yhuno sa harap ko na alalang-alala ang mukha na may halong galit.
“Baby… Bakit?” nagtataka kung sabi sa kanya. Mabigat siyang bumuntong hininga para kalmahin ang sarili niya. Kinuha niya ang kanyang phone mula sa bulsa ng kanyang pants at may tinawagan. Nagugulohan man, hindi ako nagtanong pa.
“Yeah, nahanap ko na siya. She’s with me now.” tumingin siya sakin. Babalik na kami. Okay, bye…” sabi niya sa kausap niya sa phone at in-end na ang call. Seryoso siyang tumingin sa akin, nilapitan pa ako at umupo sa tabi ko. “Kanina ka pa naman hinahanap. Sabi ni Nolan maaga mo siyang pinauwi. Anong ginagawa mo dito?” huminga ako ng malalim.
“Para mag-isip…” malungkot kong sabi. “Alam mo ba kung bakit kami nagpakasal ng Dad mo?” tanong ko sa kanya at natigilan siya. “Siya ang hero ko Yhuno… Niligtas niya ako mula sa mag-amang Santillan. Yong mga magulang ko pareho silang magsasaka, may sarili kaming taniman, may sarili kaming lupa at bahay. Nagsisimula pa lang akong magtrabaho noon sa farm niyo, magkakilala na rin kami ni Ace kasi kinuha niya ako kaagad para maging vet doctor. Nakatira sila sa kabilang bayan at wala akong kaalam-alam na umutang sila ng malaki para gawing puhunan. Pero sinira ng bagyo ang mga pananim namin at syempre nalugi at wala na kaming pambayad. Kinuha nila ang bahay at lupa namin, naatake ang ama ko, sinundan siya ng aking ina at wala ako sa kanilang tabi habang naghihirap sila. Sa burol, siningil ako ng pinagkakautangan nila at wala akong maibigay…” pinahiran ko ang aking luha na kusa na lang tumulo. “Nalaman yon ni Christian, at siya mismo ang nag-offer na magbabayad ng utang ng pamilya ko kapalit non ay ang pakasalan siya, ang maging asawa niya. Kinausap din ako ng kanyang ama at pinagantaan pa ako. I was so scared... Hindi ko kaya Yhuno… Ayokong makasama ang halimaw na yon kaya humingi ako ng tulong sa iyong ama. Sinabi ko ang lahat sa kanya… Oo, pumayag ako na magpakasal sa kanya para sa pera dahil desperado na ko. At siya naman, ayaw niyang mag-isa, gusto niyang may makasama siya, makatulong dito kaya nagpakasal kami. Mahal ko si Ace pero hindi yon katulad ng pagmamahal ko sa inyong tatlo.”
“Oh Carmella…” sambit niya at niyakap niya ako ng mahigpit. “Wala akong pakialam kahit ano pang dahilan mo ang importante lang sa aking ay masaya ka sa amin at mahal mo kami. We love you so much mommy and I’m so sorry you have to go through all that… I swear mapapatay ko ang Christian na yon!”
“Hayaan mo na siya, duwag din naman yon eh… Gusto ko lang ay maging safe kayong tatlo…”
kumalas siya sa akin at tinitigan ako.
“Fine then… Ayoko din namang magsayang ng oras sa kanya. Now, tell me kung bakit nandito ka talaga?” hinawakan niya ang kamay ko at pinisil yon.
“Nakita ko Ang Dad mo at si Isabel having sex in the office.” sabi ko sa kanya. “I was confused and hurt at first but I’m okay now… I guess, kailangan na talaga nating mag usap-usap.”
“Yeah, dahil marami kaming ipapaliwanag sayo… Sobra kaming nag-alala sayo mommy, wala kasing nakakaalam kung saan ka nagpunta. Akala namin may nangyari sayo…”
“Sorry… Tara na nga at baka malagot pa ko sa mga kapatid mo.” tumawa lang siya at tumayo. Inabot niya ang kanyang kamay na tinanggap ko at umalis na kami. Pagkarating namin sa mansion, dumiretso kami agad sa office at nadatnan namin don sina Ace at Isabel kasama sina Aldhos at Thrivon. Tumayo ang dalawa at agad nila akong niyakap. “Sorry…” sabi ko sa kanila.
“Next time, tell us where you are.” matigas na sabi ni Dhos at tumango lang ako.
“Ang mabuti pa, maupo na tayong lahat.” sabi ni Ace. Humarap naman ako sa kanya at ngumiti tapos ay umupo na kami kaharap sila.
“So… Kailan pa?” tanong ko kaagad para matapos na ang lahat ng toh. “Kayo ni Isabel, bakit hindi mo sinabi sa akin? Tatanggapin ko naman Ace… Kasi katulad mo, nagkasala din naman ako. Hindi ko lang mahal ang isa mong anak, tatlo silang mahal ko.”
“I know Mel and I’m sorry na hindi ko sinabi sayo… First love ko si Isabel, may balak na kaming magpakasal noon bago ko pa makilala si Katherine pero nagkahiwalay kami ng mas pinili niyang magtrabaho sa abroad bilang nurse… “ napakamot siya sa kanyang noo at hinawakan naman ni Isabel ang kamay niya. “The night of my accident, papunta ako sa kanya.” ako naman ang natigilan at tumingin sa kanilang dalawa.
“They have been seeing each other for a year now.” sabat ni Dhos at sinaway siya ni Yhuno.
“A year?!” tumingin ako kay Yhuno. “Matagal mo na bang alam?” tanong ko sa kanya.
“Nalaman ko nong pinakilala mo sa akin si Isabel na private nurse niya. Dad told me everything when I confronted him.”
“Alam ko na ang intensyon sayo ni Yhuno nung una kaming mag-usap Mel… At ganon din sina Thri at Dhos ng pinuntahan nila ako. You deserve better than me at ang kasal natin is just for convenience, for companionship. Actually…” tumingin siya sa kanyang mga anak. “We are not really married…” namilog talaga ang aking mga mata sa aking narinig.
“Kung ganon anong ginagawa ko dito na nagpapanggap na asawa mo?!” galit kong sabi. “Ace naman… Ginusto ko rin namang magpakasal sayo.”
“Ako din naman Mel, ayoko rin namang mapahamak ka but I can’t do that with you. I know you feel indebted with me kaya binigay mo sa akin lahat at masaya ako dahil hindi na ko nag-iisa. Pero paano pag nakita mo na talaga ang lalakeng totoong mahal mo tapos kasal ka sa akin? I don’t want to ruin that… I’m very sorry…” napapikit ako at huminga ng malalim.
“I-I understand… Thank you for doing that… At sorry din at mukhang ako pa ang naging hadlang sa inyo ni Isabel. Sana sinabi mo na lang nung una pa, tignan mo ang nangyari sayo, naaksidente ka pa.” tumayo ako, lumapit sa kanya at lumuhod sa harapan nito. Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos ang kanyang pisngi. “Masaya ka ba Ace?”
“Masayang-masaya Carmella…” tumango ako at dinampian ko siya ng halik sa pisngi.
“Ako rin!” tuwa kong sabi at binalingan si Isabel. “Thank you…” sabi ko sa kanya.
“Ako dapat ang nagpapasalamat sayo…” sabi niya na naiiyak na. Niyakap ko naman siya at tuluyan na kaming nag-iyakan na dalawa. Nang kumalma na kami at naghiwalay, bumalik ako sa mga triplets na may malalaking ngiti sa kanilang mukha.
“My babies…” mahina kong sabi sa kanila at niyakap sila. Nagpaalam naman si Ace at Isabel na lalabas muna para magpahangin. Ngumiti ako sa triplets at isa-isa ko silang hinalikan sa labi. “Mabuti naman at nalinawan na tayong lahat. Kayo ah! Alam niyo naman pala…” naniningkit ang mga mata ko na tumingin kay Yhuno. “Did you really want me that night o naawa ka lang sakin?” hinapit niya ako sa baywang at hinalik halikan ang mukha ko.
“Mommy naman, desperado na ko noon kaya blinackmail kita. Ang tigas mo kasi eh at si Dad ang laging iniisip mo. Sobra kaya akong nanlumo ng malaman na asawa ka niya. I didn’t pity you, I want you so bad at hindi mo man paniwalaan, I fell in love with you…” naging gushy naman ang puso ko sa sinabi niya.
“Ganon din ako mommy, I fell in love with you because of your good heart… Naalala mo nong pinuntahan mo ko while I’m having my episode?” sabi ni Thri at ngumiti ako. “Naisip ko ikaw na talaga ang para sa akin…” masuyo kong hinawakan ang mukha niya.
“At minahal kita dahil sa tapang at pagmamalasakit mo Carmella…” sabi naman ni Dhos. “You can never be replaced by anyone… Dito ka lang, with us, okay?”
“Of course! I love you mga babies ko!” at nag group hug kami. Nagulat ako ng biglang kumalam ang tiyan ko ng malakas at natawa naman sila.
“We need to feed you first… para may energy ka sa gagawin namin sayo mamaya.” tukso ni Yhuno at malakas ko siyang tinulak.
“Kumain na nga tayo at manyakin niyo na naman ako.” bago pa nila akong mahawakan, umiwas ako at mabilis na lumabas sa office… Masaya kaming nag-dinner na magkakasama, na parang walang nangyaring drama kanina. Nagtataka man ang mga tauhan namin dahil sa pagka close ni Ace at Isabel, hindi na lang namin yon pinansin.
BINABASA MO ANG
Carmella, Our Father's Wife (Old Version)
RomanceSi Carmella ay butihing asawa ni Ace Leventis na nagmamay-ari ng isang malaking hacienda. May triplets na anak ang kanyang asawa mula sa unang asawa nito at umalis ang mga ito sa farm para mag-college. Ngayong naaksidente ang kanilang ama, bumalik...