Carmella 4

33K 180 6
                                    

Maaga kaming umalis ni Yhuno kinabukasan sakay ang malaking SUV na pag-aari niya. Masaya ako at okay na ang mag-ama, magkasama at magkausap sila buong maghapon. Wala ng nangyari pang iba sa amin ni Yhuno, kasama kong natulog si Ace kagabi at yon lang ang ginawa namin, nag-usap ng konti at natulog na. Dumaan kami sa isang coffee shop at umorder ng takeout coffee, kakailanganin namin yon sa biyahe dahil malayo-malayo din ang probinsya na pupuntahan namin. Bumili din kami ng snacks at para hindi ma-bored, kinu- kwentuhan ko siya tungkol sa farm. Maya- maya, nagtaka ako nang mapansin na ibang daan ang tinatahak namin. 

"Yhuno, hindi ito ang papunta sa farm." alala kong sabi. "Sigurado ka ba na alam mo ang pupuntahan natin?" 

"Alam ko mommy, doon na kaya ako lumaki. Tsaka hindi tayo pupunta sa farm."

"Anong hindi pupunta sa farm? Inaasahan na tayo doon!"

"Relax lang, isang araw lang naman tayo madedelay. Sinabi ko rin kay Dad na may dadaanan muna ako." 

"Eh saan nga tayo pupunta? Kukunin ba natin ang ibang gamit mo? Dadaan ba tayo sa club na itinatayo mo?" kinuha niya ang kamay ko at hinalikan yon. 

"Asawa mo na ko ngayon kaya magha-honeymoon tayo." nakangiti niyang sabi at napakurap naman ako. 

"Nababaliw ka na talaga Yhuno. Magtataka ang lahat pag hindi tayo dumating ngayon. Ano ang sasabihin ko sa Dad mo? Na nag-honeymoon kami ng anak mo?”

“Carmella, your overreacting. Ako na ang bahala don okay, gusto ko lang naman na masolo kita kahit ngayong araw lang. Pagbigyan mo naman ako oh.” malungkot niyang sabi at sinamahan pa ng puppy dog eyes. Aish! Ang batang toh! 

“Okay, okay pero isang araw lang ah. Hindi na tayo pwedeng ma delay pa, maraming tao at mga hayop ang umaasa sakin, sa atin.” 

“Kaya ka naman pala nagustuhan ni Dad dahil may malasakit ka sa iba. Isang araw lang ang hinihingi at siguradong mag-eenjoy ka sa piling ko.” pinisil ko lang ang kamay niya at tumingin sa labas para itago ang namumula kong mukha. 

Nagpunta kami sa kabilang city at tumigil ang sasakyan sa harap ng isang magarang hotel kung saan malapit sa isang beach. Bumaba siya at binigay sa isang valet ang kanyang susi tapos ay binuksan niya ang katapat kong pinto. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya. Alangan akong bumaba at tumingin sa paligid. Kinuha naman niya ang iba naming gamit sa likod ng SUV. Umikot ang tingin ko sa paligid, nakayuko ng konti ang aking ulo at baka may makakilala sa amin rito. Nagulat ako nang hinawakan niya ko sa baywang at iginaya papasok sa hotel. "Relax mommy, walang makakakilala sa atin rito." tumango lang naman ako. 

Lumakad kami sa lobby hanggang sa nasa harap na kami ng reception. Binati agad kami ng babae na nasa front desk na kumislap ang mga mata nang makita si Yhuno. Nakaramdam naman ako ng inis nang matamis itong ngumiti at chest out pa para i-emphasize ang malaki nitong dibdib. Kaurat ah! 

"We have a reservation, Mr. and Mrs. Leventis." sabi niya na kinatigil ko. Mr and Mrs. Leventis daw?! Nawala ang ngiti ng babae at padabog na itong nag-type sa computer. Kinuha nito ang keycard at binigay sa kanya. 

"Honeymoon suite for the happily married couple, room 1002 Mr. Leventis. Enjoy your stay." pilit nitong sabi. 

"Thank you." magkahawak kamay kaming lumakad papunta sa elevator. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Aaminin ko na kinakabahan ako, nakaranas din naman ako ng honeymoon noon pero ngayon, si Yhuno ang kasama ko. Hindi lang naman kami pumunta rito para mag-stay lang sa suite at magkwentuhan diba? Wala kaming imik hanggang sa makarating na kami sa suite. Napalunok ako at uminit ang buong katawan ko nang makita ang malaking kama sa gitna, may malaking terrace din kung saan naroon ang jacuzzi na may view ng asul na dagat. May champagne at strawberry with chocolates sa isang table. Napaangat ang ulo ko ng halikan niya ako sa leeg, at hinaplos ang aking mga braso. 

Carmella, Our Father's Wife (Old Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon