Chapter 8: TroubleI don't care if he leave me. Mas masaya pa nga kung sana hindi nalang siya nagpakita ngayong umaga sa unang araw pa talaga ng klase. At siyaka ano ngayon kung hindi kami magkasabay? Hindi ba ako makakapasok ng school kapag hindi siya ang kasama?
I smirked arrogantly. Naglakad ako papunta sa mansion nila Dion. May motor naman siya kaya sa kaniya nalang ako sasabay since parehas kaming grade ten, hindi nga lang magkaklase.
"Naku, Sir. Kanina pa umalis," sagot ng kasambahay.
"Ho?" hindi ko makapaniwalang sambit.
Himala 'yun. Si Dion maaga nang pumapasok? Hindi naman siya ganoon dati ah. Mukhang pinapakita niya kila Tita na nagbabago na talaga siya. Dion the best actor. That fool! Siya lang naman ang pag-asa ko ngayon. Si Froilan ay grade eleven na kahit madadaanan niya ang CHS eh ang kaso umalis na rin kasama ang kaibigan.
"Hey... " iritado kong nilingon si Teodus na ngayon pa lang papasok, hawak hawak ang susi ng motor. Ngumisi ako rito.
"Papasok ka na? Ihatid mo muna ako," utos ko rito. Iba kasi ang daan niya papunta sa school niya kaysa sa daan papunta sa CHS.
"Sorry, bro. I'm late. See you later!" iling niya sabay paalam.
"Teodus!" tawag ko pero nagmamadali na siya.
"Strict ang first teacher namin! Sorry!" aniya at nag-peace sign pa. Kumaway na siya kasabay ng pagharurot niya ng motor.
Napapadyak ako sa iritasyon. Tanginang sitwasyon 'to. Wala na naman akong pakialam kung ma-late pero first day ngayon, hindi ko balak magpahuli, siyaka na sa mga susunod na linggo o buwan pa.
Wala ako sa sariling naglakad patungo sa malaking gate. Napaangat nga lang ako ng tingin sa kay Brandean na nakasandal sa gate, hawak ang bisikleta.
"Umangkas ka na," he ordered immediately.
Nagawa ko pang mang-inis. "Di kaya ng konsensya mo no? Hinintay mo talaga ako. Nilunok mo lang lahat ng sinabi mo---"
"Sasakay ka o iiwanan na kita nang tuluyan." he snapped so I panicked as hell!
Fuck him! Tangina niya talaga kahit kailan at gago rin ako kasi ba't ako natataranta sa tuwing nagiging malamig at strikto ang boses niya.
Patuloy ang pagdama ko ng malamig na hangin at pagsinghot sa sariwang amoy nito. Malamig sa pandama, amoy tuyong dahon na galing sa siga sa pang amoy. Isang mahaba at makitid na daan ang aming binabaybay. Ang mga estudyante na nakasakay sa mga tricycle na nakakasabay namin ay napapatingin sa amin. Maging ang ilang nagbibisikleta rin.
"Brandean!" may tumawag pa kay Brandean na babae tapos kumaway ito. Tinignan sila ni Brandean at nakita kong namula ang mga pisngi nila so maaaring nginitian sila nitong driver ko.
"Castro! Sino yang kasama mo ang guwapo!" isang grupo ng mga babae sa isang tricycle na nasa unahan namin.
"Oo nga! Pakilala mo kami!" ang ilang mga bakla naman sa gilid namin.
"Nako! Nangangagat 'to!" halakhak ni Brandean. Kahit bigyan ko siya ng galit na tingin ay hindi niya makikita dahil nasa likod niya lang ako.
"Ow! Wild ang sharap!"
"Choke me po!"
"Kagatin mo rin ako!"
Nagulat ako sa mga sinabi ng bakla na putok na putok ang make up.
"Halika! Sasakalin kita!" giit ko sa isa sa kanila.
"Parrish!" saway ni Brandean. Natahimik naman ang mga grupo ng bakla.
BINABASA MO ANG
A Way To Your Heart (Street Series #5)
Romance📍Sylverio Street The stubborn and hard headed son, Parrish Montenegro sent to the Venturero's sanctuary, Casa Poblacion. His parents thought this is the only way for him to build a dreams and to have a direction in life after making multiple troubl...