Chapter 23

579 29 1
                                    

Chapter 23: Help





"Ano?! Magpapakamatay ka?!" he fumed as we stood.

Natulala ako sa mabilis na nangyari. Napakurap kurap pa ako sa harap niya samantalang siya ay galit na galit. Umabot pa nga sa punto na namumula na ang mukha niya.

"Ayos lang kayo?" tanong ng isang lalaki sa loob ng sasakyan na muntik na sanang makasagasa sa akin.

"Ayos lang po! Pasensya na po!" si Brandean ang sumagot.

Tumango ang lalaki at umalis na rin ito. Doon palang ako natauhan lalo na nang makita ang ilang tao na napatingin sa amin.

"Parrish!" Brandean snapped.

"A-Ah..." tanging nasabi ko.

Kinuha niya ang kamay ko at siya na ang nagpagpag noon dahil may mga dumi. Inayos niya rin ang aking nagusot na uniporme.

"Ano bang iniisip mo at lutang na lutang ka?! May problema ba?" iritado niyang tanong habang inaayos pa rin ako imbes na sarili niya ang ayusin dahil siya ang napahiga sa sahig, pumatong lang ako.

"U-Uhm... W-Wala naman." napalunok ako. Nawala na sa isipan ko ang iniisip kanina. Tanging takot nalang ngayon lalo na nang unti unting mag sink in sa akin ang nangyari!

Muntik na akong masagasaan! At sa pagkakatanda ko, isang raptor pa iyon! Horror devoured my body. Pinagpawisan ako ng malamig, namutla, at nanigas sa kinatatayuan.

"Sir? Ayos lang kayo? Brandean?" ang driver nang makatawid na ito.

"Ayos lang po." si Brandean ulit ang sumagot. Nakatitig pa rin siya sa akin, binabasa ata ang nasa utak ko kahit na malabo iyon.

"Yung bag mo baka may nasira o nabasag? Tignan mo, Dean!" dagdag pa  ng driver.

"Ang dumi pa ng uniporme mo oh!"

Nakita ko nga na madumi ang dalawang manggas ng sobrang puti pa rin niyang uniporme kahit tapos na ang klase. Paano niya napanatili ang kalinisan no'n?

"Naku po! Basag ang laptop!" sambit ng driver na tinutulungan si Brandean.

Napatingin ako roon. Maayos naman ang ilang gamit niya dahil mga papel lang naman pero nakita kong hawak niya ang basag na cellphone. Hawak naman ng driver ang laptop na basag din. Nadaganan kasi iyon, dumagdag pa ako kaya hindi malabong mabasag nga ang puwedeng mabasag.

Pero imbes na sa mga gadgets n'ya tumingin, sa akin pa rin nakatuon ang atensyon niya. Ngunit hindi katulad kanina na galit, ngayon ay konti nalang at may halo na ng pag-aalala.

"U-Uhm. Sasabihin ko nalang kay Daddy na palitan," napahawak ako sa batok at nag-iwas ng tingin.

Muntik na talaga ako! My biggest fear is death! I mean, tanggap ko naman na lahat ng tao ay kamatayan ang kahahantungan pagdating ng oras pero hindi ngayong bata pa ako at hindi ko pa nagagawa ang lahat ng gusto ko! Not today! Kaya mabuti nalang talaga, dumating siya at hinila ako mula sa kamatayan.

"U-Umuwi na tayo---"

"Hindi na muna. Kakain muna kami, Kuya. Sumama ka na rin," desisyon ni Brandean na hindi ko na nagawang umalma.

Nilakad namin hanggang bayan. Hinubad niya na ang polo niyang marumi kaya naka puting tshirt nalang siya ngayon na naka tucked in sa slacks niya. Pasulyap sulyap din siya sa akin para siguro bantayan ang galawan ko.

Sa isang fast food restaurant kami kumain kasama ang driver na nasa ibang lamesa dahil pang dalawahan lang ang inupuan namin.

Inaayos ni Brandean ang pagkain sa harap ko. Ramdam ko pa rin ang mariin niyang tingin na may tumama man na bulalakaw sa gilid namin, hindi niya iyon papansinin bagkus, sa akin pa rin ang titig n'ya.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon