Chapter 32: Pain
Dahil malapit ang bahay nila Brandean at nasa bungad lang ito, sobrang lakas ng tunog ng pagsabog at umulan pa nga ng lupa. Nataranta ang lahat ng tao at nagsilabasan ang lahat.
Umukit ang takot at pangamba sa kanilang mga mukha. May mga batang umiyak at mayroon ding nagpanic.
"Sa palayan nangyari ang pagsabog!" pagbatid ng lalaki sa lahat.
"Jusko ang mga saka!"
"Wala bang naiwan na mga magsasaka roon, Pio?!"
"Baka may kasunod pa kaya mabuting pumasok muna tayong lahat at pakalmahin ang sarili!"
"Makakalma pa ba kami matapos ang nangyari?"
"Oo nga! At sino ang nagpasabog? Wag nilang sabihing bagong taon! Hindi biro ang bomba!"
"Dapat ikulong kung sino man ang nagloko!"
Kabi kabila na ang kumosyon at pagkataranta ng mga tao. Hindi sila makalma at mapanatag. Halos lahat naman dahil sino ang magiging kalmado matapos ang malakas na pagsabog na 'yon?
Nagkatinginan kami ni Brandean. Hinahagod niya ang balikat ko at ang kamay ay nasa tainga ko pa rin. Natauhan siya kaya tinanggal niya na ang kamay at tumayo na kaming pareho.
Maraming kinausap si Brandean na mga kapitbahay nila. Tinatanong nila si Brandean at malay ba niya? But I heard he's just persuading them to calm down.
"Dean? Ano nangyari, apo?" bumukas ang gate at si Lola Amelia iyon na halatang bagong gising.
Agad kong dinaluhan ito kaya ngumiti ito sa akin. Dumalo na rin si Brandean at inalalayan ang Lola papasok sa bahay habang pinapaliwanag ni Brandean ang nangyari.
Pinulot ko naman ang mga paper bags. Gamit ang natitirang kapal ng mukha ay sumunod ako sa kanila.
Pinaupo ni Brandean ang matanda sa sofa bago siya nagtungo sa kusina. Iritado siya nang makita ako kanina kaya ilalapag ko nalang ulit ang regalo at aalis na pero...
"Parrish, ikaw na ba 'yan?" si Lola Amelia kaya muli akong umikot paharap.
Tumango ako. Lumapit ako rito para magmano at hindi niya agad binitawan ang kamay ko. He caressed it while smiling at me.
"Ang laki at ang guwapo mo na palang bata ka! Parang kailan lang noong inaalagaan ko kayo ni Brandean!" giit nito.
My eyes widened a bit. Inalagaan? Isa siya sa mga nag-alaga sa'kin noong bata?
"Maliliit palang kayo no'n at puro laro lamang. Ngayon ay malapit na kayong magtapos sa pag-aaral ng apo ko! Ginagabayan ka naman ba nang mabuti nitong artistahin kong apo, ha?" daldal pa nito.
Hindi niya pa binibitawan ang kamay ko kaya umupo ako sa tabi niya. Dumating na rin si Brandean at naglapag siya ng dalawang basong tubig sa coffee table. Napatitig ako roon. For sure akin ang isa pero baka sa kaniya? Gusto niya na siguro akong umalis kaso kausap pa ako ng Lola niya kaya wala siyang magagawa.
"O-Opo!" sagot ko sabay tingin sa kaniya. Nakaupo na siya sa arm ng sofa habang nakahalukipkip at pinapanood kami.
He's still has a serious face and cold glance. Ilang buwan na ang lumipas pero ganito pa rin siya. Ito na ata ang pinakamatagal na magiging malamig siya sa'kin.
"Mabuti naman kung ganoon. Nagmana lang naman ito sa akin at sa mga magulang niya! Mabait at matulungin! Talagang gagabayan ka talaga kapag nahihirapan!" ani Lola.
Tumango tango ako habang nakangiti. Napako ang tingin ko sa kaniya. Kulang nalang ay manigas ako rito dahil sa sobrang lamig ng titig niya.
Ang totoo ay magaling nga siyang gumabay. Na hindi ko napansin na ginagabayan niya na ako para mahulog sa kaniya. He also made a way to knock at the door of my heart.
BINABASA MO ANG
A Way To Your Heart (Street Series #5)
Romance📍Sylverio Street The stubborn and hard headed son, Parrish Montenegro sent to the Venturero's sanctuary, Casa Poblacion. His parents thought this is the only way for him to build a dreams and to have a direction in life after making multiple troubl...