Chapter 28

554 26 0
                                    

Chapter 28: Truth


He really love to say that kind of flirty words! Pero bakit pa nga ba ako magtataka, he's not straight and that's probably one of his traits!

I sighed violently and leaned. Sinuot ko na ang sunglasses ko pero may kumatok sa bintana kaya lumingon muli ako.

It's him again! He's still pouting and when he saw me, he winked and run!

Ang gago niya, di'ba? Masyado atang naparami ang pag-inom niya ng kape para maging hyper at inisin ako nang ganito.

"And why are you smirking?" mom suddenly opened the door.

Napanganga tuloy ako. Nakangisi ba ako kanina? Hindi ah! Imposible!

"What are you thinking? At kuya yung aircon bukas ba? Namumula itong si Parrish eh," patuloy ni mom at kinapa niya pa kung may nilalabas na lamig ang aircon.

Napalunok ako roon. I'm not blushing because of something! It's because I'm pissed and irritated! Iyon lang 'yon.

Para mawala ang nasa isip ay natulog nalang ako habang nakikinig ng music.

Nakarating kami sa airport at nandoon na ang pamilya ni Tito Brandy. They bring so many bodyguards! Sa may Boracay kasi ipagdiriwang ang sixth birthday ni Viny 'cause she loves water and the sand.

Isa isa kaming tinignan ni Tita Dina at parang may hinahanap pa siya na kasama namin.

"And you're expecting, Dina?" mommy laughed.

Buhat buhat ko na si Viny at sasakay na kami sa shuttle bus papunta sa mismong eroplano.

"Mabilis ang oras. Konting tiis nalang," Tito Brandy said to his wife.

"One year isn't that far away. Magugulat ka na nga lang bukas pasko na!" dagdag ni dad.

Kunot lang ang noo ko rito sa tabi nila. Bakas sa mukha ni Tita Dina ang kalungkutan na hindi ko malaman sino o ano ang dahilan kung bakit umukit iyon sa mukha niya.

The following days were all good and relaxing because of course we're still in a beach. I enjoy water so much and some of the other activities. Para talaga kaming iisang pamilya lang.

Nang nakatulog na si Viny ay bumaba ako para uminom. Kakasapit palang ng gabi at pinatulog ko muna si Viny bago bumaba para daluhan ang mga magulang at sila Tito.

They're still on their 50's. Hindi pa naman masyadong matanda para tumigil sa pag-inom ng alak. Napangisi ako nang makita sila. Akala mo talaga mga magto-tropa lang na kasama ang syota. Katabi at akbay ni Daddy si Mommy while Tita Brandy's hand is on Tita Dina's lap.

Naisipan kong huwag nang makisali sa kanila dahil hindi rin naman ako makakarelate sa pinag-uusapan nila. Nasanay na rin siguro ako na kapag may outing ay ako lang ang umiinom na mag-isa. Dahil siyempre bata pa si Viny! Hindi naman sila nag-iimbita ng iba para sa kaligtasan at protekesyon namin dahil nga siyempre pulitika.

Kumaway nalang ako sa kanila para ipaalam na nandito naman ako sa malapit nila. Humiga ako sa sun lounger, kaharap ang dagat na medyo bayolente ata ngayon. Dinama ko ang malamig na hangin at nakipagtitigan sa buwan.

Napahinga ako nang malalim. So relaxing while drinking some beer. Tinignan ko ang ilang bodyguards sa paligid namin na nag-iinuman na rin. Kung kaedad ko lang sila ay baka sa kanila ako makipag inuman kaso hindi naman. Kaya no choice ako kundi ang uminom mag-isa.

"Cheers, moon and sea!" I jeered. Nababaliw na talaga ako na kahit buwan at dagat ay tinuring kong kainuman.

Dahil tahimik na sa buong paligid ay naririnig ko ang usapan nila. Hindi rin naman ako malayo sa kanila kaya naririnig ko.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon