Chapter 29

530 30 1
                                    

Chapter 29: Impossible



"G-Gusto nga kita..." sagot ko.

Napahawak lang siya sa doorknob pero hindi niya ito pinihit dahil agad siyang napahinto.

Kung kanina ay pabiro biro pa siya, ngayon ay seryoso na at halata na ang pagkagulat sa itsura nang humarap sa akin.

"H-Ha?" aniya, hindi makapaniwala.

I nodded and crossed my arms. He licked his lips and his eyes are in awe and with parted lips.

"G-Gusto mo ako?" ulit niya.

Tumango ako. "Oo,"

He bit his lip. "Are you serious? How? When? Why?" ngayon ay nakangiti na siya.

Naglalakad na papunta ulit sa akin.

"Gusto kitang makilala kaya ko tinanong ang tungkol sa pamilya mo. Na-realized ko kasi na hinahayaan lang kitang umaligid sa tabi ko nang hindi ka kinikilala nang husto. Baka mamaya... Serial killer ka pala?" nahanapan ko pa ng palusot!

Mukha lang akong kalmado sa harap niya pero kabado na talaga ako. Ang hirap kasing pigilan na ilabas ang katotohanan. Hindi pa naman ako ganoong tao na kayang magtago ng lihim nang matagal. Kapag binagabag na ako ng lihim na 'yon, ilalabas o isusuwalat ko agad. Pero nagtitiis ako ngayon. Hindi ko naman kasi alam ang totoong plano ni Tito Brandy at Tita Dina. Ayaw ko silang pangunahan at isa pa, hindi naman nila alam na may alam na ako. I truly respect them so I chose not to disclose anything to their... son.

Bumagsak ang balikat niya. He's halfway but stopped as he heard me. Agad na naging malamig ang tingin niya sa akin at iritado na.

"Serial killer? Really? At siyaka, totoo ako sa'yo, Parrish. Hindi ako pekeng tao kaya kung ano ang nakikita mo sa akin, totoo ang lahat ng 'yon at walang halong pagpapanggap!" he fumed.

Natahimik tuloy ako at tumango na lamang.

"K-Kung ganoon, ayaw mong makilala kita? Sige." I decided.

Napakurap kurap naman agad siya. Napahiya siguro siya sa sinabi niya 'cause he always jumping into his conclusions! Hay nako.

"H-Hindi naman. S-Sige kilalanin mo ako. Ask me anything about me, my life, my background and etc. I'll answer you," pambawi niya sabay lunok.

"Okay. Pero sure ka?"

"Oo naman. Ikaw pa..." he smirked but still hesitant. "S-Sige! Labas na ako..." then he left me.

I sighed violently as he closed the door. Ang mahalaga ay may nalaman ako sa kaniya. Napansin ko rin kasi na masyado akong walang alam sa buhay niya kahit dalawang taon na ako rito sa Casa Poblacion. Even if we treat each other like a seasons, he still choosing to be with me and to guide me. Pero hindi ko bibigyan ng ibang meaning 'yon, pangako niya lang sa magulang ko at may paninindigan siya.

Nagsimula na ang klase. Hindi na rin ako mapakali sa araw araw lalo na kapag naiisip ko ang magiging buhay ko sa kolehiyo.

"New agreement tayo, Parrish. Kapag wala kang bagsak na marka, bibigyan ka namin ng condo at sasakyan. Kapag hindi ka naman nag-aral nang mabuti at pasang awa lang, condo lang," dad stated in the middle of our breakfast.

It's the third month of the school year so far so good and happy with my friends of course. Friends who influenced me with other good habits unlike my old friends in Manila.

"Is that okay with you, anak?" si mommy.

Ngumiwi ako. Gusto kong makipagtawaran pa pero naisip ko na mas madali ang gusto nilang gawin ko. Noon kasi ay kailangan may awards pa ako na very impossible. Ngayon ay basta walang bagsak na marka, puwede na. Magagawan naman ng paraan 'yan.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon