Chapter 21

531 32 0
                                    

Chapter 21: Room

"Will you please stop?" saway ko sa pasaway at makulit na leon na ito.

"Init naman ng ulo mo, boss. Kauuwi lang eh..." ito na naman siya sa native language accent n'ya sa pagbanggit niya ng 'eh'.

Sumunod siya sa akin sa loob ng mansion hila hila niya ang mga luggage namin. Pareho ng abala ang mga magulang ko sa katawagan nila.

"Masakit lang ang ulo ko. Jetlag," I reasoned. Isa sa dahilan bakit hindi ako nakatulog nang mahimbing sa eroplano ay dahil sa isang bata na walang ginawa kundi ang umiyak.

"Kumusta sa Spain? Balita ko maganda raw doon. Nakikita ko rin sa internet kaso ayaw ko sa mga espanyol kasi sinakop nila tayo ng tatlong daang taon," daldal niya. Ang dami niyang alam! Ang dami niyang sinasabi!

Pero hindi ko alam kung ano ang gusto ko sa dalawa: Ang madaldal na Brandean katulad ngayon, o ang tahimik, seryoso, malamig na Brandean tulad noon. I can't choose.

"You hate espanyol so why asking about their motherland?" I muttered after a heavy sigh.

"Wala lang. Gusto ko makapunta sa lugar na 'yon at hindi mga espanyol ang pinunta ko. Pangarap ko rin kasing maging engineer at maraming mga gusali roon..." patuloy niya sa pagdaldal na parang batang kakauwi lang sa eskwelahan at kinukuwento ang naging araw niya.

Hindi ko namalayan na nasa loob na kami ng kuwarto ko. Nilingon ko na tuloy siya. Kukunin ko na sana ang maleta ko pero hinawi niya.

"Ako na mag-aayos. Sabihin mo nalang sa akin saan ilalagay," presinta niya.

Napakurap ako at tumango rin. Tama bang desisyon na hayaan ko siyang ayusin ang sariling gamit ko? But I'm super tired and lazy so I let him.

"I have some pictures. I'll send it all to you..." sabi ko nalang.

Pumasok kaming dalawa sa walk in closet ko. Ako para magpalit ng damit, siya para ayusin ang mga gamit ko.

"Oh. Thank you, then. Don't worry. Next time ako na mismo ang kukuha ng litrato. Pupuntahan ko yang Spain tutal nasa bucket list ko naman 'yan,"

"Then good luck," I just responded.

"Gusto mo sama pa kita eh," dagdag niya pa.

Sinusuot ko na ang pajama ko nang magkatinginan kami. Siya ay patuloy pa rin sa pagtanggal ng mga gamit mula sa maleta ko. Nakaluhod pa siya and when I wear my white tshirt, that's when I smirked under the shirt para hindi niya makita. Winala ko na rin naman ang ngiti nang naibaba na ang tshirt.

Pero bakit ba ako napangiti bigla? Natuwa lang siguro ako sa ginagawa at sa ayos niya ngayon.

"How? We're not sure about our future? Baka may kaniya kaniya na tayong tinatahak na daan kaya malabong magkita at magkasama pa tayo..." sambit ko na nagpatigil sa kaniya.

Sinulyapan niya ako sa isang seryosong tingin na. Napaisip tuloy ako kung may mali ba sa sinabi ko? Wala naman kaya bakit ganito ang reaksyon niya na para bang may nasabi na naman akong mali.

"Then I'll find a way... for us." he said sincerely.

Pareho kaming natigilan at naging estatwa. Nabigla rin siguro siya sa sinabi niya, katulad ko.

But in the end, I shrugged. "For us. Posible nga na maging magkaibigan tayo in the future but not that close to travel, I think. Siguro ang makakasama mo ay yung lover mo sa time na 'yun, ganoon din ako."

He has now a fierce look as he sighed heavily.

"Ikaw na ang nagsabi na we're not sure about our future. Kaya may possibility na magkasama pa rin tayo. I'll go to Spain with you... I promise you that." he said firmly.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon