Chapter 12: Hopeless
Gulat kong nilingon kung sino ang nasa likod at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Brandean. Nakahubad siya, black shorts lang ang suot at sabog ang buhok niya.
Kinusot niya ang mga mata at humikab. Natutulog siya dito?! He's topless and I saw the bottle spray and a towel beside him so he was the one who cleaned this car at ang kapal naman ng mukha niyang matulog dito!
"Parrish?" aniya nang matauhan.
Agad niyang tinignan ang paligid at kung nasaan na kami. Hindi ko pa rin mapaandar ang sasakyan sa hindi malamang bagay na pumipigil sa akin. At noong tignan niya muli ako, may galit na sa mga mata niya.
Kinuha niya ang puting T-shirt sa tabi niya at sinuot ito. Pagkatapos ay itinali niya ang buhok.
"Anong ginagawa mo? Tatakas ka?!" he fumed just like that.
Hinampas ko ang manibela at bayolenteng bumuntong hininga. Bigla nalang nawala ang pag-asa na makakatakas ako sa lugar na ito gayong ang leon ng Casa Poblacion ay nandito na.
"Hindi. Pero lalayas ako. Kaya bumaba ka na at huwag mo na akong pakialaman! Baba!" I ordered rudely.
Pareho naming tinitignan nang masama ang isa't isa, mas matimbang nga lang ang kaniya. Nagkatitigan kami sa salamin. Para niyang sinusuri ang mga mata ko.
He sighed and leaned. Aba! Kumportable pang sumandal imbes na lumabas nalang! Pakialamero talaga!
"If that's the case, bakit ka lumayas?" kalmado niya nang tanong.
I ignored his question and started the engine but he immediately stopped me! Hinugot niya ang susi at nilayo ito sa akin!
"Tangina?!" hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.
Humarap ako sa kaniya para agawin ang susi pero iniwas iwas niya ito.
"Give it to me! I'm not joking, you poor rat!" I bellowed but he smirked.
"Ang guwapo ko namang daga. Sagutin mo muna ang tanong ko, bakit ka lumayas?" he asked again.
Nanginig ang mga limbs ko. Kaya imbes na agawin pa sa kaniya iyon ay lumabas nalang ako ng sasakyan at kinuha na rin ang luggage.
"Panira ka talaga kahit kailan! Gago ka! Peste ka sa buhay ko!" I shouted at him while getting my luggage at noong nakuha na ay padabog kong sinarado ang pintuan ng sasakyan at nagsimula nang maglakad.
Nilingon ko ang sasakyan, nakita kong umandar ito na medyo nagpabigla sa akin. Edi umalis siya at dalhin niya ang sasakyan na 'yun! Hindi ko kailangan! Alam ko naman na masama rin siyang tao at tuwang tuwa siguro siya na hopeless akong naglalakad dito!
Muli kong nilingon ang sasakyan nang marinig ang pagsara ng pinto. Lumabas siya at naglalakad na palapit sa akin. Nakagilid na ang sasakyan hindi katulad kanina na nakaharang sa daanan.
Mas binilisan ko ang paglalakad pero tumakbo na siya at hinigit ang palapulsuhan ko.
"Parrish---" hinawi ko ang kamay niya.
"What?! Just leave me alone! Bakit mo pa ako pinapakialaman eh malaking pabor na nga itong ginagawa ko sayo!" bulyaw ko sa kaniya at pinagpatuloy ang paglalakad sa gilid ng daan.
Walang masyadong dumadaan na sasakyan dahil hindi naman ito ang main highway. Makulimlim pa dahil napapaligiran ng mga naglalakihang puno ng acacia at iba pa with a vast and fructiferous rice field with some farmers working under the blazing sun.
"Anong pabor?! Hindi kita maintindihan. Bakit ka ba kasi lumayas ha?!" pagpupumilit niya, nakasunod pa rin sa akin.
"Maybe you're just making an excuse to escape. Kunwari napagalitan at nasaktan pero hindi naman 'yun magagawa ni Tito Rico---"
BINABASA MO ANG
A Way To Your Heart (Street Series #5)
Romance📍Sylverio Street The stubborn and hard headed son, Parrish Montenegro sent to the Venturero's sanctuary, Casa Poblacion. His parents thought this is the only way for him to build a dreams and to have a direction in life after making multiple troubl...