Chapter 47

517 23 0
                                    

Chapter 47: Jealousy

His kisses went to my lips and when he opened his drowsy eyes, he was stunned. Tinigil niya ang paghalik pero hawak pa rin ang panga ko. Ang hinlalaki niya ang nag-alis ng luha na lumalandas sa magkabilang pisngi ko.

"I-I'm sorry..." then he grabbed my hands and caressed it.

Binawi ko ang kamay ko at iniwan na siya doon. Sumunod naman siya sa akin at habang nagsasalin ng tubig sa baso ay niyakap niya ako sa likod. Sunod sunod niyang hinalikan ang pisngi ko pababa sa leeg ko.

I turned around and he's still hugging me. Inabot ko ang baso pero umiling siya at tinititigan lang ako habang nakapulupot pa rin sa baywang ko ang braso niya.

He was about to kiss me again but I avoid it. Pinatong niya nalang ang noo sa balikat ko.

"I'm really sorry..." he kept on saying.

Bakit hindi niya masabi kung anong dahilan bakit siya nagso-sorry? He's sorry for what?

Kumalas ako sa yakap niya, "Bukas nalang tayo mag-usap. Inaantok na ako," I said coldly and walked towards my room.

Sumunod din naman agad siya at hindi na ako nagreklamo pa. Inaayos ko ang comforter at mga unan habang siya ay naghuhubad sa gilid. Sinadya kong lagyan ng malaking unan ang gitna ng kama kaya narinig ko ang singhap niya.

"Parrish---"

"Let's just sleep. Marami pa akong trabaho bukas," I said again with snobbish tone.

Humiga na ako. Nang naramdaman kong lumubog ang kama noong humiga siya ay tinabunan ko ang buong katawan ng comforter.

At sa ilalim ng kumot, hindi agad ako nakatulog at natulala muli ako. Naramdaman kong hinagis niya ang unan sa gitna namin at pagkatapos, yumakap na siya sa akin at pilit niyang inaalis ang comforter na nakatakip sa akin pero hindi ko siya hinahayaan.

"Fuck..." he cursed and sighed deeply.

Sa pagod ay nakatulog na rin ako at kahit late nang natulog, maaga pa rin akong nagising. Nasanay na siguro ang katawan ko sa ganoon.

Bumangon ako. Nakadapa pa si Brandean na natutulog with just his boxer shorts, like his usual pantulog. His muscular and massive body is conquering the half of my bed. Tinabunan ko ng comforter ang kalahati ng katawan niya bago lumabas para maghanda.

I cooked a simple breakfast. Sumagot din ako ng ilang emails at tawag then after that, I decided to took a shower. Handa na akong pumasok sa bathroom nang lumabas si Brandean sa kuwarto. Iniipit niya na ang buhok at nagkatinginan agad kami.

"Let's eat---"

"Tapos na ako. Ikaw nalang ang hinihintay ng pagkain at maliligo na ako," putol ko agad.

He gave ma a penetrating look. Hindi ko na pinansin pa iyon at pumasok na sa bathroom. Isasarado ko na sana ang pintuan pero mabibigat ang hakbang niya palapit sa akin na sa isang iglap lang ay nasa harap ko na siya. Hinawakan niya ang pinto kaya hindi ko ito masara.

Pareho na tuloy matalim ang tingin namin sa isa't isa. Nabigla nalang ako nang hinubad niya na ang boxer shorts and his underwear!

"Brandean!" I snapped pero hindi na ako nakalaban nang nakapasok na siya at hinawakan na ang dalawang balikat ko.

"What's your problem?" he asked firmly.

I smirked with nothing but annoyance. "Ako ba ang may problema? Itanong mo 'yan sa sarili mo, ayan ang salamin oh!" giit ko at lumabas na sa bathroom.

Nagtapis siya ng tuwalya at sumunod sa akin.

Hinawakan niya ang braso ko, "Sorry na nga eh. Hindi kita na-text kasi napagkasunduan ng mga katrabaho ko na walang gagamit ng cellphone habang nag-iinuman. You know that we were all busy so last night was the right time to de-stress," he reasoned.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon