Chapter 7: Stubborn
My phone immediately rang so I answered it 'cause I thought it was one of my friends but no.
"Parrish! Saan ka pupunta---" binaba ko agad ang tawag nang marinig ang parang kulog niyang boses.
"I have no time for you, my bodyguard..." I grinned ridiculously.
I sighed for a relief then lean. I can't wait to be with my friends and hang out with them. Hindi biro ang ilang buwan na wala akong ginawa kundi ang matulog at magpalaki ng katawan na tingin ko hindi naman effective dahil slim pa rin ako. Bata pa siguro ako para maghangad ng magandang katawan kaya ito ako ngayon, ginagawa ang dapat gawin ng isang Parrish Montenegro.
Muling tumawag si Brandean na hindi ko nga alam saan niya nakuha ang numero ko! But then again, my parents gave it one hundred percent for sure. Ngumisi ako ngayong tinatadtad niya ako ng tawag pero wala akong panahon para makinig sa'yo.
Kaya ko nga rin gustong mag-party ay para lumamig ang ulo ko na pinainit niya sa nagdaang mga araw! Tapos ngayon tatawag ka pa?
Biglang huminto ang taxi kaya sumilip ako sa harap. Bumuntong hininga ako at napapikit nang makita ang pagkahaba habang traffic! Tumingin ako sa wrist watch ko. I turned off my phone so I couldn't chat my friends and for sure when I open it, Brandean's multiple missed calls will bombard me!
Marahan ko nang pinapadyak ang paa sa pagkainip. Segu segundo rin ang pagtingin ko sa relo. I gritted my teeth and I rolled my eyes. Mukhang kahit ang araw na ito, hindi ako papayagan ah! Pumanig pa ata kay Brandean ang pagkakataon pero hindi dapat ako mangamba gayong hinding hindi ako noon susundan.
Grabe nalang ang pagkagulat ko nang may kumatok sa bintana ng taxi and when I glance at the window, I saw his fiery eyes with his jaw clenching. He's still young but his stare was like a thirty to forty years old man. I want to deny it but I just can't. So yes! His stare scares me.
Lumingon ang driver sa akin. Bubuksan niya na sana ang bintana pero nagsalita na agad ako.
"Manong, 'wag na! Pulubi lang yan," awat ko rito.
Kumunot ang noo nito at muling tumingin kay Brandean na patuloy naman sa pagkatok.
"Guwapong bata at ang ganda ng suot na damit, pulubi?" he opposed.
"Huwag n'yo nalang pansinin baka fans ko lang 'yan," I reasoned but still he didn't buy it.
"Bakit? Sino ka ba? Ah! Nakilala na kita! Ikaw yung anak ng sikat na artista? Yung laging laman ng balita?" he smirked when he recognized me.
I smiled sarcastically. "Yes, that's me. Guwapo ko di'ba? Kaya 'wag mo nang intindihin ang kumakatok---"
"No!!!" sigaw ko nang bumukas na ang pintuan!
"Pasensiya na po, Kuya!" si Brandean sabay abot ng pera dito.
Ngumiti sa kaniya ang driver pati sa akin. Masama naman ang tingin ko sa kaniya.
"Halika na kung ayaw mong mapagalitan na naman," he ordered so cold in the middle of the highway with a high temperature!
Hinila ako ni Brandean palabas ng sasakyan. Nasa gitna kami ng trapiko. Hindi ko namalayan na sinusundan na pala nila ako. Nasa likod ng taxi'ng sinasakyan ko ang aming SUV.
Binawi ko ang braso ko. "Bitawan mo ako!"
"Hindi! Baka tumakas ka pa! Bilisan mo!" he said strictly.
Kusa nalang nagpatangay ang katawan ko sa paghila niya. Balak ko pa sanang tumakbo kaso parang nasindak ako ng boses niya. At iyon ang kinaiinisan ko sa lahat. Kaya galit na galit ako sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219659221-288-k297083.jpg)
BINABASA MO ANG
A Way To Your Heart (Street Series #5)
Romance📍Sylverio Street The stubborn and hard headed son, Parrish Montenegro sent to the Venturero's sanctuary, Casa Poblacion. His parents thought this is the only way for him to build a dreams and to have a direction in life after making multiple troubl...