Chapter 48

535 20 1
                                    

Chapter 48: Break

"Then your reason was invalid!" sigaw ko.

Hinilamos niya ang mukha habang ako ay hindi na maalis ang tingin sa kaniya. Malapit na rin akong maiyak, nararamdaman ko.

"You were so matured and you had the highest level of perception before, Brandean! Kaya inaasahan ko na sa simpleng dinner lang kasama ang kaibigan ay maiintindihan mo! Kung hindi ako nakarating nang maaga at nasayang ang effort mo sa pagluluto, edi sorry! Pero yung idadahilan ang selos mo para patayin ang offer na magpapalago sa career mo? I don't think that was valid and a matured and wise man like you would never think that way!" I said, panting.

My chest is becoming heavier as my throat tighter na akala mo'y may kung anong bagay na bumabara. My tears emerge so I looked away.

Humakbang lang siya at pilit na kinukuha ang kamay ko, "I'm sorry. Nabigla lang naman ako---"

"Sa tingin mo madadaan mo lahat sa sorry? Sa pasuyo suyo mo na 'yan at sa paghawak pati paghalik mo sa akin? Kapag ginawa mo 'yon sa tingin mo magiging okay na ako at tatanggapin ko na ang desisyon mo na huwag tumuloy sa New York? Even if you undress me and fuck me here! I'll still push you to that offer, " garalgal na ang naging boses ko na kaunti nalang, maiiyak na talaga ako.

Hinayaan ko siya na pag-isipan ang magiging desisyon pero matapos marinig ang mga sinabi ni Tito Brandy ay nagsimula na akong manghinayang kung sakali mang pakawalan ni Brandean ang oportunidad na iyon na babago at magpapayabong sa career niya.

Ever since, I also noticing that he was just settling down with a small projects when he could become more than that. He can do better and his career might grow as well.

Kuntento na siya roon kahit na ang batang Brandean noon na sobrang tayog ng pangarap ay magtataka at malulungkot sa Brandean ngayon.

"Gano'n ba kadali sa'yo na umalis ako?" his eyes were rheumy and a brittle voice like I'm having.

Nakikita ko rin ang mata ko sa kaniya dahil katulad ng akin, mapula at namamasa na rin ang kaniya.

"H-Hindi. Sobrang hirap para sa akin at para sa pamilya mo pero madali lang isipin na para din naman sa'yo ang gagawin mo. Hindi ko maiiwasan ang maiyak, mangulila at malungkot kapag umalis ka na pero kung kapalit naman no'n ay ikagaganda ng career mo, lilibangin at papagurin ko nalang ang sarili ko sa trabaho para hindi na makaramdam ng pangungulila...maghihintay din ako." I stated and after that, my tears fell so he looked away.

I know that he doesn't want to see me crying so he looked away instead.

"Isa din 'yan sa dahilan kaya bakit ayaw kong umalis. I don't want you to be sad and to long for me, Parrish. Iniisip ko palang na ikaw lang mag-isa ang kakain sa almusal, papasok sa trabaho nang hindi ako kasabay, uuwi at matutulog nang mag-isa sa kama mo. Nasa isip ko palang 'yon parang hindi ko na k-kaya," he whimpered.

Binawi ko ang kamay para punasan ang luha, tinulungan niya rin ako gamit ang hinlalaki niya.

"Lagi nalang bang ako ang iisipin mo? Hindi mo ba napapansin na you're too dependent on me! It's not good, it's not love, Brandean. Walang dahilan para hindi ka tumuloy kasi wala naman iiwanan na problema. May ibang overseas worker na kailangang umalis kahit na yung mahal sa buhay ay nag-aagaw buhay. Pero ikaw? Ang rason mo ay ang selos mo? Yung mararamdaman ko? Itong pag-ibig na 'to ang rason mo para hindi umalis? B-Bakit?" nanginig ang boses ko at rumagasa ang luha ko.

"P-Problema pa rin ba ako hanggang ngayon kaya hindi mo ako maiwan?" I continue with my shaking voice.

He bit his lip and a tears from his left eye fell. "N-No. You were never been a burden and a problem to me noon pa man. I-It's just...'

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon