Chapter 41

561 21 7
                                    

Chapter 41: Heart

"Brandean!!!" sigaw ko at napaahon nalang bigla.

"Fuck, Parrish! Fuck!" nagulat si Froilan sa biglang sigaw ko.

Gulat ko rin siyang tinignan maging ang sarili at ang paligid. Malawak na bukirin pa lang ang dinadaanan namin at mukhang malayo layo pa kami sa Baler.

I looked at myself again then at Froilan. Salubong na ang kilay niya at galit pa rin sa biglang sigaw ko na nagpagulat sa kaniya. Seryoso pa rin kasi siyang nagmamaneho at malalim pa rin ang iniisip. Magugulat nga naman siya.

"Hindi pa tayo nakakapasok ng Baler? Nasaan yung dalawang kotse? Si Brandean?!" taranta kong tanong at nilingon ang likod namin.

"Obviously, nasa likod natin sila at nakasunod. At wala pa tayo sa Baler, Parrish. Si Brandean ay nandoon sa isang sasakyan kasama si Dion. Ano bang nangyari sa'yo? You startled me!" he fumed.

Kinusot ko ang mga mata at sinampal sampal ang pisngi. Panaginip lang pala ang lahat pero takot pa rin ang nararamdaman ko. Dahil hindi ako mapakali ay tinawagan ko si Brandean.

"Yes, lovey? Miss me so much?" bungad niya at mukhang kakagaling lang sa malakas na tawanan.

Narinig ko rin ang halakhak ni Dion at ang sound trip nila. Mukhang nagkakantahan pa ang dalawa. Napanatag na tuloy ako nang tuluyan gayong narinig ko na ang mga pakulo niya. May nalalaman pa ngayong lovey. Minsan hindi ko maiintindihan kung ano ba talaga ang endearment niya sa akin.

"Lovey ka diyan. Baduy mo. Wala lang, I'm just checking you," I sighed 'cause of relief.

He chortled. "Don't worry. My heart still beats for you,"

Gumaan na tuloy ang pakiramdam ko at inubos nalang ang oras sa pakikipag usap sa kaniya kahit mamaya ay magkikita naman kami.

Masyado nang madilim nang makarating kami sa Baler. Napagdesisyonan namin na magtayo na lamang ng mga tents sa bundok tutal fully booked ang ilang malapit na hotel.

We bought some foods in a nearby restaurant and some groceries and liquor. And we decided to drink on top of the mountain while looking at the most beautiful view--- the nature. Even at night,  you can still feel the beauty and the blessings that it's possess.

Marami rin kaming tinawagang tao para sa malawak na operasyon bukas. Para maging ligtas. Kahit ang ilang koneksyon ni Tito Wingly ay napasama na rin sa amin kaya malaki ang chance na mahuli na talaga ang demonyong tiyuhin namin.

I think of him as a psychopath. But coming back to the days when mom told me that he has literally a different mindset it's because he has bipolar disorder and schizophrenia. Pinili niya lang talaga na hindi agapan kaya mas lumaki at dumating sa punto na nakapinsala na siya ngayon.

"Lolo Graciano tried to stopped him. We all know na nagbago na si Lolo at totoong nilason niya ang mga utak ng anak niya pero sinubukan niyang baguhin iyon. Si Tita Imelda lang ang nakaunawa ng sitwasyon. Si Tito Salvador, I know he know the truth but still acting blind and deaf dahil na rin sa impluwensya ni Tito Wingly," Dion explained.

Patuloy ang inuman at usapan namin. Tanging iling at singhap nalang ang nagagawa ko sa tuwing maririnig ang mga nagawa ni Tito Wingly dahil sa malaking akala at maling paniniwala niya. Ang hindi ko siguro matatanggap na ginawa niya ay iyong pinatay niya ang sariling ama. Umukit sa kasaysayan ng Venturero ang nangyaring iyon.

Tinignan ko ang katabi kong si Brandean na sumasagot sa mga sinasabi ni Dion at Teodus. Nga lang, nakatingin siya kay Froilan at Rylie kaya tinignan ko rin sila.

Froilan's crying while Rylie is caressing his back and whispering some comfort words. Tinigil na tuloy nila Dion ang pag-uusap at pare pareho nalang naming dinamayan si Froilan hanggang sa tumigil na rin siya at napagod na rin kaming lahat matapos ang mahabang araw kaya nagpahinga na kami.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon