Chapter 45: Believe
"So? What happened?"
After our second round on the living room of my condo with him beside me, his arm as my pillow, my hand on his chest, then him squeezing my body by his embrace. He couldn't stop himself from kissing my hair with his eyes close.
We're still naked but a comforter is on the half of our body. Saktong pagdating namin ay umulan nang malakas kaya hindi na kami nakakain at agad niya akong inatake ng halik.
It was a heavy rain but now it's just a drizzling. Sobrang tahimik noong natapos kami, hingal na hingal kaming pareho then we chose to cuddle. The ambience of my condo is crepuscular so it's one of our reason to be lazy.
"Gulat din sila noong una lalo na si Mommy. Napapansin na rin nila noong una ang pagiging malapit natin at hindi mapaghiwalay at masaya sila kapag nakikita tayong gano'n. Hindi nila inasahan na iba na pala ang kahulugan noon. But they're aware in a relationship like this. Normal lang na magulat sila at pag-isipan ang nasabi ko basta ang mahalaga... tanggap nila tayo..." he finally shared.
Nararamdaman ko ang marahan niyang hagod sa likod ko gamit ang mainit niyang kamay. He's still into my hair. Nakapikit siya at parang payapa siya kapag ginagawa iyon kaya hinayaan ko nalang. Niyakap ko nalang siya at mas lalo pang siniksik ang sarili sa kaniya.
"You think... They understand us?" tanong ko ulit matapos marinig ang sagot niya.
"Yes. Wala raw masama kung lumaki akong ganito ang mahalaga ay may substance at hindi nakakalimutan ang prinsipyo. And they were also happy it was you who stole my heart," he muttered.
I smiled after he said those. "We are lucky, aren't we? Sobrang suwerte natin kasi may mga magulang tayong malawak ang pang unawa at bukas ang isipan pagdating sa ganitong usapin. I mean, sa panahon ngayon? Iilang magulang nalang siguro ang makakaunawa lalo na't yung iba ay relihiyoso at may sinusunod na tradisyon,"
Tumango siya at naramdaman ko 'yon kasi ang baba niya ay nasa ulo ko.
"Yup. So many true love ended just like that because of the biblical beliefs and traditions. I wonder how they went through with it? Kasi ako, hindi ko kayang pakawalan ka..." he said avowedly.
Tumingala ako sa kaniya at agad niya namang hinalikan ang labi ko.
"Yes. Ano man ang maging hadlang, hinding hindi ko hahayaan na makawala ka..." he beamed.
And a smile from him is enough to make me blush. And for the butterfly to be hyper.
"I'll do the same. I'll fight for you whatever happens..." I claimed truthfully.
We're now staring at each other eyes. And his eyes are the best view. And I want that view forever. Sa mga mata niya lang ako titingin nang ganito.
"Gagawin mo 'yan?" he said amazingly.
Tumango ako. "Yes. Matapang ako, hindi ba? At gagamitin ko ang lahat ng tapang ko para sa'yo at sa pag-ibig na 'to. Lagi mo sanang tatandaan 'yan..." I simpered.
He squeezed my body as he kissed my forehead. Hindi na umalis ang ngisi sa labi niya at mas lumaki pa iyon matapos kong bitawan ang mga salita.
"Akala ko, sa mga titig at ngiti mo lang ako kikiligin. Mas malala pala ang kilig kapag nagbibitaw ka ng mga pangakong ganyan..." nagagalak niyang saad.
Nagsimula na siyang pangigilan ang pisngi ko gamit ang mga halik niya. At hanggang sa matapos ang araw na ito, hindi na talaga umalis ang ngisi sa labi ko at hindi na rin tumigil sa paglipad ang mga paru-paro sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
A Way To Your Heart (Street Series #5)
Storie d'amore📍Sylverio Street The stubborn and hard headed son, Parrish Montenegro sent to the Venturero's sanctuary, Casa Poblacion. His parents thought this is the only way for him to build a dreams and to have a direction in life after making multiple troubl...