Chapter 49

514 18 1
                                    

Chapter 49: Want

"Hello? Nasaan ka na?" tanong ko nang sinagot ko ang tawag niya.

Nakangiti ko pa rin na pinagmamasdan ang silver necklace with of course... My initial name as pendant. Hinawakan ko ang binigay niya noon at bakit ko nga ba naisip na gayahin din ang ginawa niya o ang iba pang mga ginagawa niya sa akin na nagiging dahilan kung bakit tumitibok nang lagpas pa sa normal ang puso ko at nagbibigay sigla sa mga paru parong nasa tiyan ko.

Nakakatawa talagang isipin na dati, parang wala lang sa akin ang lahat ng posible mong maramdaman kapag nahulog ka sa patibong ng pag-ibig. Tingin ko sa lahat ng 'yon ay kalokohan lamang at katawa tawa. Pero akalain mo nga naman na mula noong pinadama sa akin ni Brandean...hindi na muling nawala ang lahat ng nararamdaman na ito.

"I'm still in the office. Malapit na akong matapos. Hintayin mo nalang ako diyan---"

"Hindi na. I need to prepare for...something," I reasoned.

I heard his heavy sigh so I bit my lip.

"Okay. Take care," habilin niya nalang at binaba ko na ang tawag.

"Thank you, Sir. For sure matutuwa ang girlfriend n'yo!" ang kahera nang ibalik na sa akin ang card at inabot na rin ang nabili kong kuwintas.

Ngumiti ako sa kaniya. She looks like a mid forties lady so she has no idea who I was and I have no problem with it. Mas maganda nga sana kung kaswal at normal nalang ang trato at tingin sa amin katulad nalang ng kaherang ito. Kung mas bata siya siguro ay baka nakilala niya na ako.

"Matutuwa ang boyfriend ko," pagtatama ko na nagpalaglag ng panga niya.

"H-Ha?" she looks so surprised.

Ngumiti na lamang ako at nagpaalam na bitbit ang biniling regalo. Anuman ang isipin n'ya, ayos lang sa akin. Nagpapakatotoo lang naman ako at bakit ko itatanggi ang lalaking nagmahal sa akin sa kabila ng mga batong pinukol ko sa kaniya noon.

Nakarating ako sa condo niya at dumaan lang ako doon para mag-iwan ng handwritten letters na ang context: Go to my place :)

Payak lang naman ang sinulat ko but I find it romantic so I wrote instead of type.

Idinikit ko iyon sa pintuan ng refrigerator niya dahil ang una niyang ginagawa kapag uwi niya ay umiinom ng malamig na tubig. He's assuming that I would be late so he'll wait me here but when he read the letter...that's it.

Palabas na sana ako pero aksidenteng nadapo ang tingin ko sa coffee table sa may living room dahil may iilang mga papel doon. Nagdalawang isip pa ako kung titignan ko ba 'yon pero bago pa ako magdesisyon ay tinignan ko na agad ito!

Ang sulat ay galing sa pinakamalaking kumpanya sa bansa at pamilyar ito sa akin dahil nabanggit niya na ito ang nagbigay ng offer sa kaniya. Nakasaad sa papel ang detalye ng mangyayaring meeting next month kasama ang magiging katrabaho niya sa New York.

Kaya ang ibig sabihin nito... He accepted the offer?! At dapat, magalak ako. A part of me was happy, yes. But I couldn't deny the fact that... I'm also sad.

Imbes na ito ang isipin ay dumiretso na ako sa pag-alis pauwi sa condo ko. Maganda ang ginawa niyang desisyon at gaya ng inaasahan ko, nalungkot ako at ba't parang ngayon palang ay nangungulila na ako? I wiped my tears. No. I shouldn't be like this. Ito ang gusto ko para sa kaniya at sa career niya kaya kailangan kong panindigan ang sinabi. Kung sasabihin ko sa kaniya na huwag nang umalis, ang selfish ko naman no'n.

Career ko lang ang malago sa kaniya, hindi? No. Hindi dapat gano'n kaya huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili.

Sa rooftop ng condominium building ay doon ako nag-set up ng lamesa para sa aming romantic dinner. Tamang tama dahil malamig ang hangin, maraming butuin, maliwanag ang buwan. Nagpaalam talaga ako sa management para gawin ito at pumayag naman sila, of course. They offered some help but I decided to do it alone.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon