Chapter 50

637 24 0
                                    

Chapter 50: Come home

Nakakalito ang mundo. Hindi mo alam kung anong mali sa ginawa mo. Ang sabi nila ay gawin mo ang tama at nararapat, ginawa ko naman. Pero bakit parang ako pa ang naipit... ako pa ang naparusahan at kung sino pa ang totoong gumawa ng mali at karahasan, siya pa itong pinupuri at pinagtatanggol.

"Parrish, saan ka pupunta?!" si Santi na nakasalubong ko kaso hindi ko na siya inintindi.

Pinatunog ko agad ang sasakyan at siyaka sumakay dito. Pinaharurot ko na ang sasakyan papunta sa condo ni Mollie. She texted me asking for help. May interview kaming dalawa dahil two weeks na noong nilabas ang movie namin. Kanina pa naghihintay ang lahat sa kaniya at nag text na rin ako. Hindi lang ako makapaniwala sa ni-reply niya.

Mollie is a good friend of mine. She's prim and proper. She doesn't deserve the treatment of her fucking abuser boyfriend! Noong una ay akala ko maayos na sila dahil wala na akong nakikitang pasa pero lilipas ang ilang buwan ay may bago na naman.

Naging abala ako kaya hindi ko na 'yon naisip pa pero ngayon, hindi ko alam kung mapapalagpas ko pa ba. I couldn't live knowing that there's a woman who's a victim of manipulation and toxic relationship. Lalo na't kaibigan ko rin si Mollie and I cared for her because she respect me as who I am and in a world like this, it's rare.

I immediately kicked the door and I saw Karl Cervantes, he's topless and Mollie on the floor! Hawak ni Karl ang buhok ni Mollie para makaladkad niya ito. I gritted my teeth and rage come through within me.

"P-Parrish..." Mollie is begging. Ngayon ay kitang kita ko na ang marami niyang pasa sa katawan.

"Demonyo ka!" I abruptly punched his face and kicked him on the stomach.

Hindi ko na siya hinayaan na makatayo kaya nagpaulan pa ako ng maraming suntok at ang matinding galit ang nagtutulak sa akin na huwag siyang tigilan.

"You are evil! Tanginamo ka! Kung malalaman lang ng mga tao ang ugali mo sa likod ng camera, isusuka ka nila gago!" sigaw ko rito.

Ngumisi pa ito na mas lalo akong nabuwisit pero pinigilan ko na ang sarili ko.

Tumayo na ako. Nakahandusay pa rin siya sa sahig at matapos ang ginawa ko, nagawa niya pa rin talagang ngumisi.

"Pakialamero ka ah? Tignan natin kung bukas artista ka pa!" halakhak nito.

"Shut up! At tignan din natin bukas kung malaya ka pa! I'll put you behind bars, remember that." sambit ko rin.

"Then, try me!" sigaw niya pabalik.

Hindi ko na siya inintindi pa. Dinaluhan ko na si Mollie. Tinabunan ko siya ng leather jacket na suot ko palabas sa condo niya.

"Let's report him---"

"N-No. Gusto ko munang umuwi sa bahay namin, Parrish. P-Pakihatid nalang ako do'n..." agap niya. Obviously traumatized.

Suminghap ako at tinignan muna siya pero pumayag na rin ako sa gusto niya.

"Sasabihin ko sa kanila na hindi ka makakapunta. I'll do the interview alone just take your time, Mollie," I reminded her when we arrived at their house.

Tumango tango siya habang umiiyak. Bumaba ako ng sasakyan para mayakap at ma-alo siya. Kaya lang habang ginagawa 'yon, may napansin ako sa isang damuhan na parang tao na may dalang camera.

Nataranta si Mollie at pinagtulakan na ako na umalis so I did and let her to be alone.

"Saan ka ba galing, Parrish?" si Santi ulit na nakasalubong ko sa hallway.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon