CHAPTER 10 - Tsismis, Trip, at Takot
Arabella knew that she would see demeaning and insulting words once she opened her dummy account (of a guy) on a known social media site. Ang sabi sa news feed:
'She uses her quiet, shy, innocent looks to mask her slutty, bitchy nature.'
'Posted 6 hours ago.'
Medyo nanginginig ang mga daliri niya nang nag-scroll down pa para basahin ang mga comment. Ngunit tumigil siya dahil wala naman siyang mapapala kundi sakit ng loob.
Post iyon ni Bernadine. Kanina, alam niyang may kakaiba base sa mga bulung-bulungan at tingin sa kanya roon sa campus. Oo't three days na siyang pinagtsi-tsismisan dahil sa insidente ng video nila ni Bernadine; isama pa ang pakikipag-usap sa kanya ng popular na si Alexis (kahit hindi siya komportable rito), na mukhang hindi yata normal sa mga estudyante roon na nagiging kaswal ito sa isang komon na estudyanteng gaya niya. Subalit mas lumalala na ang tsismis ngayon.
Sino pa ba'ng iisipin ng mga tao na tinutukoy n'ya sa post n'ya? Napapikit siya. Bakit napunta sa salitang 'slut' ang lahat? Dahil ba kay Alexis?
Noong una pa man ay naaamoy na niyang may nakaraan ang dalawa.
Sometimes she could not figure out why people acted immaturely kahit pa halos nasa kanila na ang lahat. Magkasing-edad lang sila ni Bernadine kung tutuusin. Yet, the woman was behaving like an unfriendly high schooler in Mean Girls movie.
Gusto rin sana niyang puntahan sina Shernahar at Raina, subalit nagdalawang-isip siya. Paano na lang kung negatibo rin ang palagay ng magpinsan sa bagong isyu tungkol sa kanya?
"Ikaw si Arabella, 'di ba?"
Napalingon siya sa lalaking nagtanong. Umunat ito sa kinasasandalang barandilya sa pathway at lumapit sa kanya. Naiwan ang dalawa nitong mga kasamang lalaki.
"Gusto mo bang sumama sa 'min mamaya? We heard that you like parties." Mas lumuwang ang ngiti nito.
Napanganga si Arabella. Hindi sila magkakilala nito pero bakit ganoon agad ang tono nito? Humigpit ang hawak niya sa shoulder straps ng kanyang backpack. "Sorry... m-may iba akong lakad," aniya at tangkang lalayo.
"Hintay—" Nahawakan nito ang kaliwang braso niya. "Ayaw mo bang mag-good time?"
What?!! sigaw ng isipan niya kasabay ng pagsinghap. Resulta 'to ng post ni Bernadine!
Mabilis niyang tinampal ang kamay ng lalaki kaya nabitiwan siya nito. Umatras siya at dumistansiya.
"Whoa!" natatawang sabi ng lalaki. "Kunwari hindi ka interesado, gano'n? 'Di ba lumang tugtugin na 'yan?"
"J-just stay away," mariing sagot niya kahit sobrang kinakabahan.
Instinctively, naiangat niya ang dalawang palad sa harapan upang pangharang. Sa tuwing lalapit ang lalaki, listo siyang umaatras ngunit sa paikot na mosyon. Sa ganoong paraan, may pagkakataon siyang masuri ang kanyang gilid at likuran. Baka may mga kasama pa kasi ito na hindi niya napansin kanina at bigla siyang pagtulungan.
Muli niyang hinampas ang kamay ng lalaki na muntik nang mahawakan ang kanyang damit. Naghiyawan at nangantiyaw ang mga kasama nito sa likod kaya mas lalo itong na-tsa-challenge. Sa muling pagtangka, nahawakan na nito ang mga braso niya.
"Come here." Pilit siyang hinihila.
"Let go." Madiin at mababa ang boses niya habang sumasalungat sa paghila ng lalaki, all the while trying to stop herself from panicking as her anxiety might start to surface.
BINABASA MO ANG
Kampilan: Lihim at Misteryo
Fantasy| Fantasy | Mystery | Romance | Action | Copyright © Jay-c de Lente Transferee si Arabella sa kilalang unibersidad na kanyang pinapasukan sa Manila. Ngunit hindi lamang ang pagpapatuloy ng kanyang kurso ang ka...