14: Atake at Interogasyon

785 33 19
                                    

CHAPTER 14 - Atake at Interogasyon



Tiningala ni Arabella ang buwan na natatakpan ng maninipis na ulap. Nasa first quarter pa lamang ito kaya mas lalong madilim sa kinaroroonan niya. Paying more attention to her surroundings, she could make out the faint noise of a distant traffic somewhere. Ilang oras na siyang matiyagang nakadapa sa matataas na damuhan doon and she's trying to resist her sleepiness. Pero, sanay na siya sa sitwasyong tulad nito. She trained hard for this. Besides, the loud chirping of a cricket nearby helped. It kept her awake. Binabasag nito ang mapayapang kadiliman.

She had been earnestly watching the abandoned building kung saan two nights ago lang ay nagkita roon sina Eleanor at Elmer Dumaran. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon din siya roon ng close encounter sa mga Kampilan.

Umihip pang muli ang hangin at tumama iyon sa exposed niyang mukha. It's almost the middle of November kaya medyo ramdam na talaga ang lamig ng panahon. Itinaas niya tuloy hanggang ilong ang pang-motorcycle dust and windproof mask niya.

"Come on... Sana may development na," umaasam na bulong niya sa sarili habang nakamasid sa gusali gamit ang bagong biling digital night vision monocular.

Two days nang walang taong nagagawi roon. Wala ring kakaibang nagaganap kina Cassandra o Eleanor. Kahit kay Elmer Dumaran. Ang sabi ni Jiao kahapon ay normal daw na pumapasok ito sa trabaho sa Shield One.

Two days na rin siyang nag-iingat dahil baka nasa paligid lang ang mga vigilante at nakasunod sa kanya. Dinagdagan niya ang pagiging alerto niya lalo na nang matanggap ang mensahe sa Baybayin. Kahit pa sabihing hindi niya pinakinggan ang babala ng mga ito dahil naroroon siya ngayon at nagmamanman ulit, ayaw niyang i-underestimate ang mga ito. Kaya noong mabasa niya ang babala sa parking area, hindi siya nagsayang ng sandali. It's possible that they already knew where she was living, kaya lumipat siya agad ng ibang mumurahing transient lodging. She has been doing this ever since she transferred school here in Manila. Hindi siya tumatagal sa tinitirhan. Kahit sina Mang Chito at Aling Pilar ay hindi alam ang current address niya at kung ilang araw na siya sa nirerentahang kuwarto. For her safety, irregular siyang lumilipat. Kaya unpredictable ang ginagawa niya.

Almost ten, basa ng kanyang isipan nang sulyapan ang relo sa bisig. Please... please, don't let this be an uneventful night again.

Tila mabilis na ipinagkaloob ang hiling niya nang may lumitaw na dalawang liwanag mula sa dulo ng lubak na kalsada. May paparating na isang kotse.

Please, let it be Cassandra or Elea—

Natigilan siya! Her body became rigid as she moved her head scanning the area. Bukod sa ingay ng makina ng paparating na sasakyan, alam niyang may narinig siyang iba pa. Then, there it was again. The rustling sound came from her right side. Gamit ang monocular, mabilis niyang itinutok iyon sa makapal at nagtataasang damuhan sa kanan.

Wala.

Damn those vigilantes!

Napahugot tuloy siya ng hininga. They're making her anxious. Baka insekto lamang o maliit na hayop ang may kagagawan ng naturang kaluskos.

But out of nowhere, isang mabigat na nilalang ang dumagan sa kanya sa likod! Maliksing tinakpan ang bibig niyang naka-motorcycle mask!

"Hindi ka rin marunong makinig, 'no?" mahina ngunit madiin na sabi ng dumagan sa kanya. Malalim at medyo robotic pa rin ang timbre ng boses.

Kampilan?! She gasped in alarm!

Pero mabilis at ubod-lakas niyang inalsa ang balakang niya kahit sobrang bigat ng nakadagan. The vigilante failed to keep its balance at naitukod nito ang kanang kamay sa lupa. Siya naman, tuluyan niyang naiarko nang husto ang buong likod. Natanggal tuloy ang pagkakatakip sa bibig niya. Because of this, she was able to place her knees firmly on the ground. Then she quickly grabbed the assailant's right arm na nakatukod sa bandang ulunan niya, saka todong hinatak iyon palapit sa kanyang katawan. While doing it, she put her full weight on her right side upang matumba pakanan ang nasa likuran niya. At nang sumubsob nga ang kanang balikat at tagiliran nito, she quickly rolled over (still holding its right arm) hanggang sa siya na ngayon ang nasa itaas. Though facing upward, she used her left elbow and started hitting the assailant's masked face.

Kampilan: Lihim at MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon