13: Ang Pagtatagpo

689 28 25
                                    

CHAPTER 13 - Ang Pagtatagpo




Arabella's instinct kicked in! Naging alerto at listo ang utak niya kung paano makatatakas.

Mabilis siyang hinatak ng nakahuli sa kanya palayo sa butas at bumulong sa tenga niya. "'Wag kang gumawa ng anumang ingay."

Tumayo ang mga balahibo ni Arabella sa batok dahil sa hininga ng sinuman sa likod niya. Ramdam niya ang matigas nitong dibdib kaya alam niyang hindi siya basta-basta makaaalpas dito. Pero—hindi rin siya basta-bastang sumusuko!

Using her free right hand, hinawakan niya ang palad na nakatakip sa kanyang bibig at ubod-lakas na hinatak iyon pababa. Natanggal ang pagkakatakip sa bibig niya at medyo na-distract ang may-hawak sa kanya. Iniangat niya ang kanang paa at malakas iyong itinapak paatras sa paa ng kalaban. Subalit sahig ang nilapagan noon. Maliksing naiiwas ng kalaban ang sariling paa. Sumunod ay umangat ang kanan at libre niyang braso para sikuhin ang mukha ng nasa likod. Pero sinalo lamang iyon ng libreng kanang palad ng kalaban at inipit sa likod niya.

"Tigil," bulong muli ng nasa likuran. "Maaaring kaya mo ngang makipaglaban, pero gusto mo bang gumawa ng ingay at madiskubre tayo ng mga gang? O, sumama ka nang mahinahon sa 'kin."

Instinct na napahinto si Arabella. She was trying not to entertain a cautious voice inside her head. A warning that her anxiety might arise because a somebody was at her back. And very, very near!

Nagpatangay siya sa kung saan man siya dalhin. Maraming mga katanungang nagsisisulputan sa utak niya kung bakit ganoon ang sinabi at naging kilos ng may-hawak sa kanya. Pero isa ang tiyak niya. Hindi ito kasamahan ng mga goon sa ibaba. At maaaring hindi rin kalaban.

Ilang madidilim na silid at hallways ang dinaanan nila upang makalayo. Naging mahigpit pa ang pagkakaipit nito sa dalawa niyang braso sa likod upang hindi siya makapalag. Kaya niyang lusutan iyon, ngunit delikado. Baka marinig sila ng goons.

"Sino ka?" lakas-loob niyang bulong habang hinihila siya.

Naobserbahan niyang sandaling natigilan ang may-hawak sa kanya. Subalit muli siyang ikinabig at nagpatuloy sila sa paglayo.

Na-surprise yata sa boses ko... Inakala ba n'yang lalaki ako? komento ng isipan ni Arabella.

"Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang pinasok mo," malayong sagot maya-maya ng may-hawak sa kanya.

"Alam ko. At obvious na kaya nilang pumatay."

"Mali ka ng akala. Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng mga 'yon sa 'yo."

Sasagot pa sana siya ngunit binitiwan na siya nito at inutusang umupo sa damuhan. Nasa labas na pala sila ng gusali. Nasa masukal na lugar. Nang luminga siya, mas lalong kumabog ang dibdib niya nang mamalayang may apat pang kasamahan ito na nakatago rin ang mukha sa hoodie at panyo—at may hawak na espada!

Mga vigilante?! hiyaw ng kanyang utak. Kampilan? Papa'nong nandito rin sila?!

Ibinaba ng kaninang may-hawak sa kanya ang suot niyang motorcycle mask at hindi nakatakas sa paningin niya ang pagkasorpresa ng mga nakapaligid sa kanya.

"Ikaw?" sambit pa ng isa na may kulay lilang kinang ang espada.

Kilala ako?

"Ikaw nga," sabad ng may dilaw na kinang ang espada, "'yong bumalik malapit sa funeral home. Kumuha ka pa ro'n ng ilang litrato."

Nanlaki ang mga mata ni Arabella. Naalala niya ang insidente sa funeral home. Bumalik siya roon nang makaalis si Jiao. Alam niyang naroon din ang mga vigilante, ngunit hindi niya akalaing minatyagan din pala siya noon?!

Kampilan: Lihim at MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon