18: Ang Puting Mata

254 22 16
                                    

CHAPTER 18 - Ang Puting Mata



Hindi naman malamig sa kinaroroonan ni Arabella, subalit nararamdaman niyang tumataas ang mga balahibo niya sa batok. The sensation slowly crept up from the back of her neck to her skull, parang insektong gumagapang sa balat hanggang sa anit niya. Something was wrong. Her instinct was telling her that something was lurking somewhere near her. Hindi espirito o multo. She had this same feeling before noong mga gabing nagkakomprontahan sila ng mga Kampilan.

Nasa madilim na eskinita siya malapit sa isang budget accommodation. Isa sa mga maliliit na kuwarto roon ay kay Elmer Dumaran. Ang nasabing tirahan ay kamakailan lang nadiskubre ni Jiao—kung tirahan nga ba talaga iyon dahil madalas sa ibang lugar tumutungo at naglalagi si Elmer. Wala nang nangyayaring aktibidades sa bakanteng lote kaya roon niya hihintayin ito. Wala rin kasi siyang mapapala kung si Cassandra ang mamatyagan niya. Four nights ago na nang huling nasubaybayan niya ito, iyong time na magkasama ito at si Romano. Pero ngayon, tahimik ito. Ganoon din si Eleanor.

Napapikit si Arabella. Naisip niyang baka umaaligid ang mga Kampilan. Their warning to her to stop spying on Elmer echoed through her head. Nag-flash din sa isipan niya ang nakai-intimidate na espada ng mga ito.

Nailing siya. Sabay natawa nang pasarkastiko. "Sino'ng tinatakot ng mga vigilante na 'yon?" bulong niya.

"Eherm."

Holy crap! Napatayo si Arabella!

Mabilis niyang hinarap ang tumikhim sa likod niya. Ang mga kamao ay nakaamba agad at handang makipaglaban.

Sinuman ay tataas ang mga balahibo sa braso sa itsura ng nilalang sa harapan ni Arabella. Kasindilim ng gabi. Pakiramdam niya ay tutok na tutok ang mga mata nito sa kanya kahit hindi niya maaninag ang kabuuan nito. Nakamaskara pa rin kasi.

Subalit nakilala niya ito.

"Ikaw na naman?!" pabulong ngunit marahas at matigas niyang sabi, almost like a hiss.

Naging alanganin ang postura ng maitim na bulto. Nagtaka yata sa sinabi niya. Pero hindi ito lumapit o umatras.

"Hanggang dito ba naman, ginugulo n'yo pa rin ako?" dagdag ni Arabella.

Hindi pa rin umimik ang kaharap.

"Ikaw 'yong Kampilan na dumaklot sa 'kin nang dalawang beses do'n sa bakanteng lote."

Gumalaw na ang bulto sa dilim. "Impressive. Nakilala mo ako."

"Ina-underestimate n'yo ako? Alam ko ring nilagyan n'yo ng tracking device ang motor ko after that interrogation. At alam kong lalaki ka."

Humakbang ang mga paa ng Kampilan. "Tanong lang..." wika nito habang papalapit. "Pa'no ka nakasisiguro na ako nga 'yong Kampilan na 'yon? Lahat kami, nakatago ang mga mukha at pareho ng mga boses."

Alanganing ibinaba na ni Arabella ang nakataas niyang mga kamao. Matagal na niyang alam na hindi siya sasaktan nito. Napatunayan na niya iyon noong dalawang beses silang nagtagpo. Gayunpaman, umaatras at dumidistansiya siya tuwing humahakbang papalapit ang Kampilan. She couldn't let her guard down yet. She still needed to be careful and be ready if ever she had to deal with her anxiety that might come out whenever other people were nearby.

Aniya, "Dahil d'yan sa mga mata ng espada mo." Sabay turo sa sandata na nakasukbit sa likod ng Kampilan. Nakapaloob iyon sa kaluban na yari sa kahoy.

Kampilan: Lihim at MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon