CHAPTER 20 - Give and Take
"Drew... Lee..." lutang na bulong ni Arabella, recalling the incident earlier.
"Sila ba 'yong dalawang ipinakilala sa 'yo no'ng mestiso kanina?"
Nagulat si Arabella, pero tamaan na ng kidlat ang aamin. Mataman niyang nilingon ang Kampilang may puting mata sa sandata, saka mariing bumulong ng "Stop doing that."
"Ang alin?"
"Ang bigla ka na lang susulpot sa likuran ko o kung sa'n man parte." Gusto rin niyang idagdag na hindi siya kampante dahil hanggang ngayon hindi epektibo rito ang matalas niyang pakiramdam na kapaki-pakinabang naman kapag kina Cassandra. Minsan hindi niya ito maramdaman—tulad ngayon. Mukhang dumaan ito sa matinding combat training dahil halos hindi niya maramdaman ang paglapit nito sa kanya. Mala-pusa kung kumilos. Daig pa si Jiao sa PI at surveillance skills nito. O ang mga Scout Ranger, isa sa mga the best na special force ng Pilipinas na expert sa ganoong tactics at maneuvers.
"Good," sabi ng Kampilan.
"Good?" ulit niya.
Tumango ito. "Ibig sabihin effective ang trailing at shadowing ability ko." Agad itong umupo sa tabi niya. Pareho na silang natatabingan ngayon ng matataas na damo.
Agad ding tumaas ang naka-motorcycle glove na mga palad ni Arabella. "'W-wag ka masyadong lumapit—o basta-bastang tatabi sa 'kin o hawakan ako tulad no'ng nangyari last time."
Sandaling hindi kumibo ang Kampilan. He seemed to be mulling over what she said to him. Muli itong tumango-tango. "Naobserbahan ko nga... Mukhang may issue ka 'pag napapaligiran ng ibang tao." Pagkatapos ay bahagyang umurong palayo habang paupo pa rin ang posisyon.
"Naobserbahan..?" Arabella gave him a speculative look. "'Wag mong sabihin do'n sa Monte Carlo? Nando'n ka na naman ulit?"
Umiwas ng tingin ang Kampilan. Kunwari nagmasid sa harap.
She rolled her eyes while saying, "Which explains kung bakit alam mo ang tungkol kina Drew at Lee kanina..." Pakiramdam niya ay pasekreto itong nangingiti sa kanya. Pinakiramdaman din niya ang sarili, kung feeling ba niya ay sasambulat ang anxiety niya dahil sa presensiya ng katabi ngayon, pero mukhang kalmado ito. Mukhang hindi na niya kailangang makinig ng music.
The Kampilan glanced back at her. "Gumagala ba ang memorya mo ngayon kung nasa'n ako sa umpok ng mga tao kanina?"
Arabella stared at him, giving him a hard look. Gusto niyang mainis dahil kahit ano'ng ingat pala niya sa eskuwelahan, nasusundan pa rin siya nito. Daig pa ang stalker.
"Umpok?" kunot-noong ulit niya habang nakatingin sa katabi. May na-realize siya sa sinabi nito. "Umpok. You mean, nando'n ka sa isa sa mga umpok ng mga estudyante sa plasa kaninang umaga, or, sa umpok ng mga estudyante kaninang hapon sa hallway... Sa hallway na 'yon ipinakilala sa 'kin sina Drew at Lee, e. Nagpapanggap kang estudyante ro'n. Aha!"
The Kampilan didn't respond. Nag-iwas ito ng mukha ulit patungo sa sirang gusali. Ang gusaling ilang beses nang pinamumugaran ni Dumaran.
Sa napagtanto, sumilay tuloy ang ngiti ni Arabella. Kaya niyang masukol ang katabi base lang sa pinagsasabi nito. Kumawala pa sa kanya ang mahinang pagtawa. "Malamang nakadekwat ka ng ID ng estudyante kaya ka nakakapasok do'n, 'no?"
A robotic chuckle escaped the Kampilan's covered mouth. He turned to her saying, "Dekwat?.. Malay mo, visitor's ID... o baka empleyado ako ro'n... o teacher..."
"No." Arabella shook her head. "I'm sure na may ID ka ng isang estudyante. That way, you can blend in effortlessly. You can come in anytime and leave the campus immediately without trouble, especially if you were tailing me dahil irregular ang classes ko. I rarely stay inside the campus."
BINABASA MO ANG
Kampilan: Lihim at Misteryo
Fantasy| Fantasy | Mystery | Romance | Action | Copyright © Jay-c de Lente Transferee si Arabella sa kilalang unibersidad na kanyang pinapasukan sa Manila. Ngunit hindi lamang ang pagpapatuloy ng kanyang kurso ang ka...