5: Seize

772 30 19
                                    

CHAPTER 5 - Seize



"Ahhh! Mga walang k'wenta!"

She was fuming mad. Her eyes threw flashing knives of frustration and anger. Muling nakadampot ng dekorasyong vase ang Sanderiana at gigil na ibinato iyon sa ilang mga tauhan sa harapan. Dahil sa taglay na kakaiba at 'di pangkaraniwang bilis, pasimpleng nagsiiwas ang nasabing mga tauhan kaya tumama ang vase sa likurang pader. Sa sahig, nagkalat ang ibang mga basag nang porcelain.

"Arghh! Ang mga antigo at mamahalin kong china!" gigil na sigaw muli ng Sanderiana nang ma-realize ang ginawa. Dadampot pa sana ito ng isa pang vase subalit nagpigil na ito ng inis. Kung hindi, isa pa nitong antigong koleksiyon ang magkapira-piraso.

"Huminahon kayo, Sanderiana," sambit ng isang babaeng tauhan na nagngangalang Kaliwa.

"Huminahon? How could I?! E, meron pa palang pangalawang CCTV footage na nasa news na kaninang hapon!"

Ang kumakalat na pangalawang footage ay galing sa CCTV camera ng dance club. Naka-install iyon sa labas sa may entrance door. Isa iyong camera na may 360-degree field of view, kung kaya kita ang mga nangyayari hindi lamang sa entrance, kundi pati na rin sa lansangan.

"Kung hindi pa kumalat sa TV at Internet 'yan, hindi pa natin malalaman na may nakuhang ganyang footage ang mga pulis. I thought pulido kayong magtrabaho? Bakit hindi n'yo nadiskubre ang footage na 'yan?!" Kasabay noon ay ang marahas na pagturo ng Sanderiana sa katabing flat screen.

Naroong paulit-ulit na ipinalalabas sa TV ang mga Kampilan. Na pasimple ang mga kilos papuntang Mond Jewelry Shop. Makikita na ang naunang tatlo ay nanggaling sa dulo at kahilerang café. Makalipas ang ilang sandali, sumunod ang huling dalawa na nanggaling ng dance club. Medyo pixelated ang bidyo dahil bukod sa maulan at gabi, nai-zoom in na iyon ng video expert ng pulisya upang mai-emphasize ang suot ng mga ito at tiyempo ng oras ng pagpasok sa jewelry shop. Tugma ang mga detalyeng 'yon sa nauna nang footage na kuha sa loob ng nabanggit na shop.

Tumikhim ang isang lalaki na may matipunong pangangatawan. "Mahirap nang makuha ang footage na 'yan lalo pa't nasa poder na ng mga imbestigador. Panigurado rin ay wala nang ganyang kopya ang club." Sa itsura at tikas pa lamang nito, masasabing ito ang leader sa mga tauhan. Ang pangalan nito ay Dumaran. Sa mundo ng mga tao, ito si Elmer Dumaran.

"At papaano kung may naitagong ibang kopya?" One of her eyebrows rose while maintaining her low, menacing voice. Ang mga tingin ay nanunusok pa rin sa mga tauhang nakayuko. "Wala na nga kayong alam tungkol sa existence ng footage, hanggang ngayon ay wala pa rin kayong alam kung ano na ang nangyari sa kasamahan ninyong nasukol sa jewelry shop." Sandaling hinilot nito ang tuktok ng ilong sa pagitan ng mga mata. "Naturingang magaling na mandirigmang aswang pero nagapi lang ng pipityuging vigilantes! Pagkatapos ngayon ay hindi natin alam kung nasaan na ito—kung bangkay na ba!"

"Sanderiana, kagaya ng nauna nating ispekulasyon, malakas ang posibilidad na binihag ng vigilantes ang kasamahan natin upang makahingi ng ransom," komento ng nagngangalang Lumagbas.

"Ransom?" naiinis na tugon ng Sanderiana. "Ilang linggo na ang lumipas pero walang humihingi n'yan! Saka sabihin n'yo nga sa akin, na kung papa'nong basta na lang natalo 'yong kasamahan n'yo sa mga ordinaryong tao?! Ha?!"

Sumabad muli ang leader. "May mga umuugong na haka-haka sa komunidad ng mga lamanlupa at ibang elemental beings dito sa mundo ng mga tao na posibleng mga mandirigmang 'Kampilan' nga ang mga vigilante na 'yon."

"At nagpapaniwala kayo sa mga tsismis?" Sarkastiko ang tono ng Sanderiana. "We all know that they were extinct. Almost two hundred years na! Kung meron man, e, 'di sana matagal na silang na-sense ng mga espiritu at ng iba pang elemental beings. Pero wala! Ni hindi nga ninyo alam na baka binili lang nila ang mga tabak nila sa eBay!"

Kampilan: Lihim at MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon