CHAPTER 16 - Stalker
Mahigit isang oras na ang nakalilipas ay hindi pa nakikita ni Arabella na lumabas ng hotel sina Romano at Cassandra. Using her camera, she scanned the area to her left where the woman's bodyguards were. The men were much more lax than earlier.
Sinilip niya rin ang restaurant. Naroroong nagse-celebrate pa rin sina Bernadine. Alam niyang kaarawan nito dahil nadaanan ng mga mata niya kanina sa loob ang nakaukit nitong pangalan sa matangkad na birthday cake.
Nilipat niya ang pokus ng kamera sa mga bisitang babae. Halata ang makahulugang tingin na ipinupukol ng mga ito sa dalawang lalaking mga bisita roon: sina Alexis at Seff. Si Bernadine naman ay hanggang tenga ang mga ngiti.
Siguradong dahil kay Alexis, pasarkastikong wika niya sa isipan.
Akala ba niya ay wala na ang mga ito?
Not your business, saway niya sa sarili.
Napakapa siya sa bulsa ng jacket nang nag-vibrate ang kanyang cell phone. Naka-silent iyon. Hindi rin niya muna tiningnan agad para hindi makita ang liwanag ng screen. Sa gano'n, hindi mapapansin ng mga bodyguard na may nagtatago sa dilim.
Alam niyang si Jiao iyon dahil gamit niya ang sikretong numero na sila lang ang nakaaalam. Patago at maliksi siyang lumayo sa pinagkukublihan hanggang makatagpo ng isang sulok sa hotel na hindi madilim at hindi paghihinalaan.
'Email sent to u,' ani Jiao sa text message.
"I hope this is what I think it is," bulong niya sa sarili habang binubuksan ang e-mail. Hindi na kasi siya nakatiis kanina na ungkatin ang background nina Alexis at Seff. Katwiran pa rin niya na mas mabuti na ang kilala niya ang mga nakasasalamuha niya. In fact, dapat nga ay noong una pa niya iyon ginawa. Or 'yon nga ba talaga ang rason? balik-tanong niya sa sarili. Dahil hindi naman niya iyon gagawin kung hindi siya naging curious at concern sa nakita niyang tagpo sa birthday celebration.
She entered some codes to open the attached files. Hindi iyon basta-bastang nabi-view o nada-download dahil passworded.
Laman noon ay brief information tungkol sa kompanyang Premiere Group. Isang group of companies kung saan ang mga negosyo ay construction, engineering, trading, contracting, at real estate.
Pinasadahan niya nang mabilisan at palaktaw-laktaw na basa ang ilang stockholders nito:
Alexis Auguste Derosier, age 24, fashion model, Engineering graduate at Monte Carlo University, currently third year BA Business and Finance at the same university. French father, Filipino/French mother. Board member/stockholder;
Seff Aiden Rennard... 24, Engineering graduate and third year BA Business and Finance at Monte Carlo. Filipino/American/French father, Filipino mother. Board member/stockholder...
"What's up with the same courses and school?" bulong niya muli sa sarili. Daig pa ng mga ito ang kambal. Parehong edad, parehong natapos na kurso at kinukuhang bagong kurso sa iisang unibersidad.
She looked once more and mused on their names. "Ang sosyal ng mga pangalan."
She continued reading on. Mayroon pang dalawang shareholders na nag-aaral din sa Monte Carlo University. Business Administration ang kinukuhang kurso.
Mark Lee Henderson, age 24, American father, Filipino mother; Andrew Contreras, age 25, Filipino father, Filipino mother, basa niya sa isipan. Both were Engineering graduates, too.
BINABASA MO ANG
Kampilan: Lihim at Misteryo
Fantasy| Fantasy | Mystery | Romance | Action | Copyright © Jay-c de Lente Transferee si Arabella sa kilalang unibersidad na kanyang pinapasukan sa Manila. Ngunit hindi lamang ang pagpapatuloy ng kanyang kurso ang ka...