6: Monte Carlo

1.4K 126 132
                                    

CHAPTER 6 - Monte Carlo




"Ang lawak nga...." mahinang sambit ni Arabella.

Nakahimpil siya sa parking area ng College of Business Administration. Walking distance lamang ang kolehiyo mula sa magara, malaki, at antigong main entrance gate ng unibersidad. Kaya kahapon, madali niyang narating ang una niyang klase. Iyon lang nga, late siya. Nakaukit sa pa-arkong hugis ng nasabing gate ang pangalang Monte Carlo University.

She sat back on her bike and exhaled deeply. She wanted to linger there a little more. Sari-saring alalahanin kasi ang naglalaro sa utak niya dahil marami nang mga behikulong nakaparke roon kahit mag-aalas-sais pa lang ng umaga.

"Kung gusto mong masanay na makisalamuha, ngayon na ang pagkakataon," malakas na saway niya agad sa sarili. "Beynte anyos ka na pero hindi ka pa rin marunong makipag-socialize."

It was her second day there. Malaki ang gagawin niyang pag-a-adjust dahil bukod sa pangalawang semestre na, may pagkakaiba ang sistema ng edukasyon doon pati na rin ng istruktura ng buong campus. Although nalalakad ang distansiya ng mga gusali ng iba't ibang kolehiyo at departamento, may mga coaster na umiikot pa rin sa buong campus. Convenient iyon lalong-lalo na sa mga nakatira sa residential halls na medyo may kalayuan.

Arabella took out the class shedule from her backpack and shook her head afterward. "No choice kundi gumamit ulit ng GPS," yamot niyang sambit sa sarili nang makita na mukhang maze ang mapa at tinamad magbasa.

She didn't take the time to note or memorize the building names on the map. Kamakailan naman nang inasikaso niya ang kanyang enrollment doon, hindi niya rin nagawang malibot ang buong campus. Mabilisan ang ginawa niyang pag-e-enroll dahil marami pa siyang kinailangang ayusin sa Zamboanga City bago tuluyang lumipat ng Manila. Kahapon naman, hindi rin niya na-appreciate ang kagandahan ng mga antigong istruktura sa campus dahil sa unexpected things na nangyari.

'Di nagtagal, isang motorsiklo ang nag-park sa tabi niya. Ngumiti sa kanya ang dalawang babaeng sakay.

"Morning," masiglang bati ng nagmamaneho. Raina ang pangalan nito at isang freshman. Mas bata ito nang ilang taon sa angkas nitong si Shernahar, na nasa ikatlong taon.

"H-hello," nakangiti ngunit tipid na sagot ni Arabella. Kaagad siyang nagsuot ng earpiece at nagpatugtog ng mga music ni Mozart.

Kaklase niya sa History si Raina. Nang kinailangan niyang makakalap ng impormasyon kahapon tungkol kay Bernadine, sa kanila siya naglakas-loob na lumapit. Kung bakit? Hindi niya sigurado. Marahil ay dahil sa suot ng mga ito na parang bandanang nakapalibot sa ulo at mukha lang ang hindi natatabingan. Naalala niyang 'hijab' ang tawag doon. Noon kasi, may mga naging malapit na kakilalang Muslim ang mga magulang niya. Siguro dahil sa alaalang iyon kaya magaan ang loob niya sa magpinsan.

"Ilang taon mo nang gamit?" tanong ni Raina dahil napansin nito na magkatulad sila ng kulay at modelo ng motorsiklo. Mas masalitain ito kesa sa ate.

"Two years..." tipid pa ring tugon ni Arabella.

Sumilip ang mga dimple ni Raina. "Pareho kayo ni Ate Shern. Matagal na rin n'yang nabili 'to... Ako naman, kakukuha ko lang ng lisensiyang magmaneho. Pero kailangan na may kasama akong may pro license, kaya..." Sabay turo sa ate na madalas na nakaangkas.

Nangiti si Arabella. Naalala niya tuloy noong disiotso siya, dalawang taon na ang nakararaan. Noong bagong kuha niya ng lisensiya. Madalas siyang napapadpad mag-isa sa iba't ibang lugar lalo sa mga karatig-probinsiya. She couldn't recall anymore kung ilang beses siyang napagagalitan ni Mang Chito noon dahil kailangang may kasama siyang may professional license. But those were the days when her life was in turmoil and disarray. The times when she was seeking for answers. Answers that would make sense and would explain all the pain and uncertainties that she went through. At ang paglalakbay nang mag-isa ay isa sa mga gamot na natuklasan niya para makapag-isip. Kaya minsan, nawawala siya nang ilang araw. Pasalamat siyang hindi siya natitiyempuhan ng mga pulis at LTO.

Kampilan: Lihim at MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon