2: Basang Umaga

2K 135 152
                                    

CHAPTER 2 - Basang Umaga



"Arabella..."

Hindi umimik ang tinawag. She's already dressed but still lying in bed with eyes shut. May nakasaksak na earphone ng cell phone ang magkabilaan niyang tenga at dinig ang malakas na volume ng pinakikinggang awitin.

"Arabella," muling tawag ni Lani. Kasunod noon ay tinanggal nito ang earphone sa tenga ng dalaga. "Tara, nandito na si Pay Chito at may dalang pan de sal. Pinapatawag ka na rin ni May Pilar."

Inot-inot na bumangon si Arabella. Tinatamad siya sa umagang iyon lalo pa't malamig ang panahon at makulimlim ang kalangitan. Masarap sanang matulog muli at magkubli sa kumot, o kung hindi naman ay pumuwesto sa tabi ng bintana habang nakabalot ng kumot. Samahan pa iyon ng mainit at malaking mug ng kape habang pinagmamasdan ang basang kapaligiran sa labas.

Pero kailangan niyang pilitin ang katawan kahit pa kulang siya sa tulog at medyo naliliyo epekto ng mahabang biyahe kaninang madaling-araw. She needed to come to Manila. Unang araw ng pasok kasi ngayon sa unibersidad na nilipatan niya.

Nang makapasok ng kitchen, nakamata siya sa natitirang tinapay sa mesa. "Ojala tiene pa ya queda para comigo," aniya: Sana ay may natira pa para sa 'kin.

Mula sa microwave oven, inilabas ng may-edad nang babae ang isang plato na may pan de sal at nakangiti ngunit nakapamewang na iniabot iyon sa kanya. "Este," wika rin nito sa Chavacano. "Ultimora llora pa tu no hay na hora." Heto. Baka maiyak ka pa nang wala sa oras.

"Gracias, May," nakabungisngis niyang pasasalamat, sabay simsim ng tinimplang kape.

"Bilisan mo. Nagpalit lang sandali ng uniform si Pay mo dahil nabasa ng ulan." Sabay silip ng may-edad sa labas mula sa bintana. Despite her age and slender figure, she's still energetic and her eyes spoke of kindness and gentleness. Unconsciously, she wiped her hands on her apron and headed toward the sink.

"Sabi ko naman sa inyo, May, magdyi-jeep o magta-taxi na lang ako. Aabalahin n'yo pa si Pay."

Namewang muli ang may-edad at dinilatan siya. "Unang araw ng pasok mo rito sa Manila, hahayaan kitang mag-jeep kahit umuulan?"

Kumawala ang malalim na hininga ni Arabella.

"Taqui tu ahora na mi poder..." dagdag ng may-edad na may malamlam na ngiti. "Por eso, si cosa 'yo habla, necesita sigue." Nandito ka ngayon sa poder ko... Kaya, kung ano ang sinabi ko, dapat sundin.

May kasama ring ngiti ang pagtango ni Arabella. "Si, si."

Ayaw kasi siyang payagan na magmotor kahit pa naka-raincoat. Even to commute. Yet, she was thankful for the concern and sympathy May Pilar was giving her.

"Si Faramir?" pag-iiba niya sa usapan.

Nang marinig ang pangalang 'Faramir,' isang aso ang kaswal na pumasok ng kitchen, kampanteng dinaanan ang ibang mga tao roon, at humilig sa kanya. Pilit nitong isinasandal ang buong katawan, tila gustong magpakandong. Ngunit naupo na lang ito sa sahig sa tabi niya. Inamoy-amoy nito ang ere sa paligid, saglit na sinilip ang tinapay sa lamesa, at muling itinuon ang pansin sa kanya.

Wala sa loob na hinaplos-haplos niya ito. Tiyak niyang naglaro na naman ito sa labas habang umuulan dahil basa ang maigsi nitong balahibo. And when she glanced at the doorway, there were large paw prints on the floor made of mud. Yes, his paw were incredibly large for he was a Great Dane. A four-year old, humongous lap dog.

Namewang muli si Pilar. Mas lalong pinalaki ang mga mata.

Arabella grinned. "Hala ka, Faramir," pabirong sabi niya, sabay bigay rito ng isang tinapay dahil alam niyang gusto nito iyon (at kanina pa tinitingnan) kahit katatapos lamang nitong kumain. Kung nakita iyon ni Cesar Millan, napagalitan na siya nito, dahil ibig sabihin noon ay binibigyan niya ng reward ang aso sa ipinasok na dumi. Pero kumuha siya agad ng lampaso at nilinis ang mga putik.

Kampilan: Lihim at MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon