CHAPTER 17 - Midday Episode
Gaya ng dati, naupo si Arabella sa tabi ng salaming dingding ng Paseo Diner. Doon pa rin siya napapadpad para mananghalian o kapag mahaba ang bakante ng klase sa unibersidad. Since it's past midday, the place was almost empty. Arabella left her backpack on one of the booth couches and walked up to the counter. Nginitian siya ng matandang babae na Marcela ang pangalan.
"Dating order po," mahinang sabi niya. Naupo siya sa isa sa mga stool at ibinigay ang bayad. Aantayin niya roon ang pagkain para hindi na maabala ang crew na dalhin iyon sa mesa niya.
"Kumusta na ang pag-aaral?" maya-maya ay tanong ng matanda nang ibinigay sa kanya ang sukli. Maaliwalas ang mga mata nito at makikita ang sinseridad sa tanong.
"Nakakaraos naman po," mabilis at kampanteng sagot ni Arabella. Walang pagkabahala. Magaan ang loob niya kasi sa matanda, pareho ng nararamdaman niya kina Pay Chito at May Pilar. Hindi ito katulad ng iba na maraming tinatanong kahit hindi pa masyadong magkakilala. Arabella guessed that the old lady might have noticed her aloofness. Palabiro at palakuwento kasi ito sa ibang kustomer. Isa iyon sa mga dahilan kaya naging regular siya roon. Katunayan, nakapagkuwento na siya rito nang kaunti kagaya ng eskuwelahang pinapasukan at kung tagasaan siya. Bilang tugon, nalaman niyang ito rin pala ang may-ari ng diner kasama ng apo nitong babae na minsan ay tumutulong din doon.
Sandaling tumungo muna ang matanda sa likod upang kunin ang order niya. While waiting, Arabella was making a great effort not to be distracted and not to glance sideways. May duwende kasing nakaupo sa itaas mismo ng mesa ng counter sa may dulo. Nakalawit ang maliliit nitong paa at umuugoy-ugoy pa. Ang mukha ay seryoso. Mga tatlo hanggang apat na piye ang tangkad. Kung ano ang nakikitang suot ng mga duwende sa libro at telebisyon, ganoon din ang suot nito: pinaghalong kulay ng presko at tuyong dahon ng halaman. Mataman lang na nakamasid sa paligid.
Una niyang nakita ang duwende noong first time niyang mapadpad ng Paseo Diner. Tahimik lamang ito at hindi naman nangingialam ng mga kustomer. Naisip na niyang marahil ito ang may kagagawan ng weird niyang karanasan sa pintuan noong unang pasok doon. Marahil ay binabantayan nito ang diner at kinikilatis ang sinumang pumapasok.
Mas'werte ang diner na 'to, sambit niya sa isipan. May mga kuwento kasi na kapag may nilalang na nagbabantay sa isang lugar o bagay, minsan ay may kaakibat daw iyong suwerte. Ang tanong ay kung bakit mukhang siya lang ang nakaranas na makoryente noon at halos tumambling sa may pintuan?
She went back to the booth couch by the glass wall. Dala niya ang in-order na pagkain. Minutes later, Jiao stepped inside. May usapan sila na magkikita roon. First time nitong makapasok ng Paseo Diner at na-impress ito sa simpleng disenyo ng looban.
"Jiao... last night..." Iniharap ni Arabella sa lalaki ang kanina pang nakabukas niyang laptop para ipakita ang mga litratong nakunan niya sa restaurant ng Trademark Hotel.
Mariin ang titig ni Jiao sa mga litrato. Hindi makapaniwala na sina Romano at Cassandra ay mukhang nasa isang dinner date.
"I don't think they were discussing businesses, Jiao."
Tango lamang ang isinagot ng lalaki. Dahil maging ito man ay ganoon din ang impresyon sa mga litrato.
"Which house is this?" ani Jiao maya-maya. Napuna nito ang litrato kung saan hinatid ni Romano si Cassandra pauwi, ngunit hindi nakunan ang harap ng bahay.
"Number one," Arabella replied.
Alam nila pareho na may dalawang bahay na inuuwian si Cassandra. Madalas, sa bahay na nai-tag nilang 'number 1' dinadala ng babae ang mga kasosyo sa negosyo, mga bisita, at mga taong tulad ni Romano. Misteryoso ang 'number 2.' Hanggang ngayon ay walang makalap na impormasyon si Arabella—maging ni Jiao—kung ano ang ginagawa ng babae roon. Wala silang makita o nalalamang aktibidades na nangyayari sa nasabing bahay.
Jiao closed Cassandra's encrypted file at ibinalik ang laptop kay Arabella. "I'm so sorry, Pet," wika nito pagkaraka.
Tumango si Arabella sa simpatya ng kaharap.
Hindi halata, pero alam ni Jiao na nasasaktan ang kanyang alaga.
"I think matagal nang nagkikita ang dalawa," ani Arabella. "Hindi lang sinasabi sa 'tin ni Romano."
"Gusto mo bang kausapin ko si Romano?"
Umiling siya. "Useless lang."
Jiao glanced sideways at the glass wall, through the main street outside, and heavily sighed. Despite his muscular built, he somehow looked spent when he slumped back down on the couch, like the weight of the world was on his broad shoulders. He was obviously affected, too.
"Wala rin akong idea sa mga ginagawa ni Romano ngayon bukod sa mga negosyo n'ya," Jiao said when he leaned forward. "You know that ever since that day at Zambo when he warned us to stop doing surveillance on Cassandra, hininto ko na rin ang pagde-deploy sa PI ko para manmanan o bantayan s'ya. Thinking that he doesn't have anything to do with that woman. Na dapat ay kay Cassandra tayo nagko-concentrate ng surveillance."
May iniabot si Arabella kay Jiao. Isang miniSD card. Alam niyang hihingi ito ng kopya ng mga litrato upang patuloy na mapag-aralan. "Same old encryption code," aniya. "I'll carry on and continue watching that woman, Jiao, no matter what Romano says."
Tumango si Jiao at ibinulsa iyon sa jacket. "I'll always be your backup, Pet."
Magkasabay silang tumayo at naglakad palabas ng Paseo Diner.
"Talking about backup, kailangan mo ba ng kasamang PI sa panggabing surveillance mo kay Dumaran at Eleanor?"
"No. No PI."
"You know that my private investigation agency is always ready to go. Just say the word."
"I know. But I can still handle it. And it's better this way na hindi involved ang agency mo."
Nag-vibrate ang cell phone niya at saglit na roon muna natutok ang kanyang atensiyon. Isang e-mail ang natanggap niya.
"What is it?" ani Jiao.
"Summary report ng pina-analyze kong likido," sagot niya. "Remember 'yong nakuha ko sa eksibit ni Cassandra?"
"So?"
"Second result na ito—sa ibang laboratory."
"And?"
"Same result. There is presence of organic substances... Like ugat ng mga halaman—mostly herbs na kilala natin. And then some oil extracts na galing sa ilang hayop. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ginamit iyon nina Cassandra sa mga item sa eksibit."
"Maybe as fragrance?" suhestiyon ni Jiao. "Alam mo na... mas maeengganyo ang mga guest kapag may halimuyak?"
"Seriously? Animal oil extracts?.. Besides, walang amoy 'yong likido."
Binasa ni Jiao ang report na nasa cell phone ni Arabella. "I say, it's getting weirder," komento nito. "Para kasing ingredients na gamit ng albularyo, e." Sinabayan iyon ng bahagyang tawa habang nakakunot ang noo. "On the other hand... kahit pa kahina-hinala ang pinag-usapan ng mga babaeng 'yon sa toilet, Pet, hindi pa rin proof ang likidong 'yon sa anumang balak ni Cassandra."
Arabella gave him a hard look.
"Fine, fine... Let's say tama ang kutob mo," patuloy ni Jiao. "The thing is, walang anumang lumabas na report na may nasaktan o nagkasakit na dumalong guest matapos ang exhibit. Wala ring nawala o nasirang antigong alahas."
"That's because, for some reason, hindi sila nagtagumpay noong gabing 'yon," katwiran ni Arabella. "Kaya nagtalo sila sa toilet. And I have this feeling na uulitin nila 'yon."
Sandaling may kung anong ginawa si Jiao sa cell phone. "There," anito nang ibinalik iyon kay Arabella. "Na-forward ko na sa e-mail ko ang lab report na 'yan." Iniba na nito ang usapan at nagtanong ng sitwasyon ng alaga sa Monte Carlo.
Kumibit ng balikat si Arabella. "Since last night at the restaurant? Bali-balitang may mga 'sugar daddy' nga talaga ako."
Nailing si Jiao. "That is not good."
She rolled her eyes and said, "Talking about keeping a low profile."
BINABASA MO ANG
Kampilan: Lihim at Misteryo
Fantasy| Fantasy | Mystery | Romance | Action | Copyright © Jay-c de Lente Transferee si Arabella sa kilalang unibersidad na kanyang pinapasukan sa Manila. Ngunit hindi lamang ang pagpapatuloy ng kanyang kurso ang ka...