4: Secretly Dining with Enemies

1.4K 127 97
                                    

CHAPTER 4 - Secretly Dining with Enemies



Kinagabihan, nakamatyag si Arabella sa isang gusali. Natatabingan siya ng dilim at matataas na halaman.

Napaka-busy ng pook na iyon. Naglipana ang mga behikulo, establisimyento, at mga taong paroo't parito. But she was certain and sure that nobody noticed her.

Ibinaba niya ang dalang DSLR camera. Inilapit ang nanlalamig na mga palad sa bibig upang maihipan ng mainit niyang hininga.

"Kung bakit kasi nakalimutan kong mag-gloves," pabulong niyang sisi sa sarili.

Mas malamig ang kapaligiran dahil bukod sa mag-aalas-siyete na ng gabi, umaambon at palaging umiihip ang hanging Amihan. Nakalapit na kasi ang panibagong low pressure area ayon sa panghapong news sa TV kanina. Kung kaya makapal ang jacket niya na tinernuhan ng kulay abong beanie. Halos itim ang lahat ng kanyang suot.

Kulang na lang tawagin akong ninja o akyat-bahay.

Bahagyang napangiti si Arabella roon. For there's actually truth in it. Kanina, pasikreto siyang lumabas ng bahay nina Mang Chito papunta sa motorsiklo niyang nakagarahe. Mabilis at tahimik niyang iginiya iyon palayo. Saka na lang niya iyon pinaandar nang nakasigurong malayo na siya at walang tao sa paligid.

Itim din ang naturang motor. Isang underbone type. Iyon ang halos lagi niyang kasama nang mga panahong kinailangan pa rin niyang dumistansiya at hanapin ang sarili. Mga dalawang taon na iyon.

Maraming lugar na rin ang ibinaybay ko kasama nito. At nahaplos niya tuloy ang gilid ng kaha ng motor. 'Sniper' ang nakaukit doon.

Nang medyo nainitan ang mga palad, marahan naman niyang minasahe ang kanang braso. Medyo namamanhid iyon—lalo na sa may sugat—dahil sa aksidente kaninang umaga. Malinis at maayos na iyong nakabenda. Salamat sa nurse na gumamot at sa dalawang kaklase niyang lalaki na nanggiit kanina.

Maya-maya, itinaas ni Arabella nang husto ang ISO setting ng camera upang mas maliwanag ang kuhang picture lalo na sa ganoong kapaligiran na maraming madidilim na sulok. Isang advantage ng latest DSLR camera ay hindi grainy ang picture kahit sobrang taas pa ng ISO noon.

Muli siyang sumipat dito. Marahan niyang in-adjust ang mahabang lente (na nakabalot ng protective gear laban sa moist) at ipinokus sa bandang kaliwa ng gusali. May nakaparadang kotse roon at tatlong mga kalalakihang naninigarilyo. Pawang pangkaraniwang bystanders lamang. No one would suspect that it was a pretense as their disguise was effective. That underneath their nonchalant appearance, they were actually personal bodyguards.

Pero matagal nang napag-aralan, nakalkula, at nakabisado ni Arabella ang lakad ng mga ito.

Hindi pa rin sila nagpapalit ng routine.

Ilang saglit pa, nagsihandaan na ang mga ito at sumakay ng kotse. Senyales na papalabas na ng gusali ang kanilang binabantayan.

Isang matangkad at tsinitang babae ang iniluwa ng sliding door ng building. Sa postura, pananamit, at bitbit na mamahaling bag, she looked sophisticated and an important person.

As usual, alas-siyete na naman ang labas. Umangat ang sulok ng bibig ni Arabella.

May kasunod itong matangkad ding babae. Mas bata ang itsura sa estilo ng pananamit. Umandar ang kuryosidad ni Arabella lalo pa't saglit na nagpalitan ng salita ang dalawa.

Muli niyang pinihit ang lente upang malapitang makita ang pangalawang babae. Hihintayin niyang humarap ito sa direksiyon niya saka pi-picture-an.

"What the—" mahinang bulalas niya. "Bernadine Sandoval?.."

Kampilan: Lihim at MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon