CHAPTER 19 - Kagrupo
Nakatitig lang ang mga mata ni Arabella sa screen ng nakabukas niyang laptop. Lumalangoy ang isipan niya sa kung saan. Hanggang sa unti-unting bumaba ang tingin niya sa orasan at petsa sa may lower right side ng screen. November 24 at 10:30 a.m. ang nababasa niya. Pang-19 days pa lang pala niya roon sa Monte Carlo University ngunit marami nang nangyari sa buhay niya.
Muling lumangoy ang isipan niya, this time, sa alaala ng nangyari sa kanya kagabi kasama ang Kampilang may puting mata sa espada: kung gaano ito kalapit sa kanya, ang espada nito, ang vibration, at ang weird na kaba niya kay Dumaran.
"Crap! I can't concentrate," mahina ngunit inis niyang sambit sa sarili. Napu-frustrate siyang itiniklop ang laptop at bumuntonghininga.
To clear her mind, she tried to focus on her surrounding. It was sunny with slight chill in the air; and she could hear a faint Christmas song—kahit 3rd week pa lang ng November—broadcasting from the campus radio station, a student-run FM station. And since nasa open field siya na may garden at ilang kiosks (malayo sa isa pang garden na iniiwasan niya dahil sa kababalaghan), marami ring mga estudyante roon sa paligid. Kanya-kanya ng puwesto sa damuhan at lilim ng puno. Malamang, isa sa mga iyon ang Kampilan kagabi. Nakikisalamuha at nagbe-blend in. Sinusubaybayan siya. Siya naman, as usual, nakapuwesto sa pinakamalayo at pinakasulok.
"Crap, it's no use," aniya. Naiisip pa rin niya na baka nasa tabi-tabi lang ang Kampilan. Na malamang ay kinakabitan na naman ng wireless bug ang motor niya. Mabuti na lang at meron siyang pang-counter surveillance na bug detector na itsura at kasinliit ng ballpen. Kaya nitong maka-detect ng radio frequency, GPS, GSM, at wireless audio devices.
Inangat niya ang screen ng laptop at minasdan ulit ang notes niya—na pang-anim na beses na niyang binabasa simula pa kanina—para sa History subject. Isa iyong term paper na kayang-kaya niyang tapusin agad. Ang problema, group activity iyon. At wala siyang grupo.
Kasama sa historya ng Pilipinas ang iba't ibang paniniwala at kultura ng mga sinaunang Pilipino, kaya pati paniniwala noon tungkol sa paranormal ay naisipan ng kanilang propesor na italakay. Gusto nitong isama nila sa term paper ang epekto noon sa mga Pilipino ng makaluma at makabagong panahon. Para maiba naman daw sa normal na tinatalakay nila.
Mahalaga para kay Arabella na i-maintain ang mataas niyang grado sa academics. Ang kailangan lang niyang gawin ay lapitan at kausapin ang mga kaklase. Subalit lumamang na naman ang pagiging uneasy niya at si Raina lang ang nakausap niya. Na sa malas ay may kumpleto nang grupo.
Napabuga siya ng hininga tuloy. Nalalapit na ang deadline ng pagsusumite ng term paper.
"Pagkakaalam ko, 'di pa kumpleto ang group nila," sabi sa kanya kaninang umaga ni Raina.
Isa na lang ang tsansa ko. Sina Alexis at Seff, kumbinsi niya sa sarili.
At iyon ang gagawin niya. Magbabakasakali siyang kausapin ang dalawa—roon sa field.
Natatanaw niya ang mga ito mula sa puwesto niya. Nasa isang kiosk, nakikipagtawanan sa ilang mga estudyanteng mukhang mayayaman din.
Tumayo siya at humigpit ang hawak sa strap ng kanyang backpack. She thought that if she will freak out and have a meltdown or die there because of what she was about to do, then so be it. There's no other way for her to come out of her shell and break the protective covering she had created. She had to try now. Kaya niyang labanan ang anxiety niya everytime na nakakasalpukan niya ang grupo ni Bernadine o kapag minamanmanan si Cassandra. So, she knew she could do this with Alexis and Seff.
Nagsimula sa maliliit na hakbang hanggang sa dinere-deretso na ni Arabella ang kulupon ng mga estudyanteng kinaroroonan ng dalawa. Ilang metro bago siya makalapit, huminto ang kanyang mga paa at pinakiramdaman ang sarili. Though she felt slightly unnerved, alam niyang kaya niya.
BINABASA MO ANG
Kampilan: Lihim at Misteryo
Fantasy| Fantasy | Mystery | Romance | Action | Copyright © Jay-c de Lente Transferee si Arabella sa kilalang unibersidad na kanyang pinapasukan sa Manila. Ngunit hindi lamang ang pagpapatuloy ng kanyang kurso ang ka...