CHAPTER 11 - Exhibit
"Can I get you something to drink, miss?"
"Just water, please," mahinang sagot ni Arabella sa hotel staff na naka-duty sa lobby ng Trademark Hotel.
Nasa pinakasulok siya, malayo sa ibang naroroon. Malamlam ang ilaw mula sa kisame at may artificial waterfall sa kanyang likuran. Pinapanood niya ang nangyayari sa katabing gusali na parte pa rin ng hotel habang naka-play sa cell phone ang pinakikinggan niyang mga piyesa ni Chopin.
Ngayong gabi magaganap ang pinag-uusapang exhibit. Bali-balita pa na ang ilan sa mga antigong alahas ay unang pagkakataong ipakikita sa publiko.
Naglipana ang media sa magarang red carpet walkway. Hindi magkamayaw ang mga ito sa pag-cover sa mga kilalang personalidad na bumabagtas doon. Makukulay at glamorosong evening dresses at tuxedos ang matutunghayan.
Mula walkway, dederetso ang mga guest sa magara at guwardiyadong Trademark Hall na kayang mag-accommodate ng hanggang isang libong katao.
Lumakad ang tingin ni Arabella sa mga nakabantay na pulis at ambulansiya sa palibot ng hotel. Mahigpit ang seguridad. Sinumang papasok ng gusaling iyon ay hinihingan ng pass. Balita ring kumontrata ang Top Event—isa sa mga kompanya ni Cassandra Yangco—ng isang security agency para sa karagdagang seguridad. Maliban pa sa CCTV ng mismong hotel, may mga espesyal pang camera at alarm system na idinagdag sa bawat istante ng alahas.
Muling bumaling si Arabella sa red carpet. Hindi niya inaasahang makikita roon si Alexis na kahapon pa niya iniiwasan matapos ang insidente sa overpass. Bagay na bagay rito ang suot na tuxedo at makikita ang confidence sa pagdadala ng damit at sarili.
Sabagay, kilalang modelo, aniya sa isipan.
Mas lalong nagkumpulan ang mga midya rito nang nag-pose ito at ipinakita ang nakakamagnetong ngiti. Sa kaliwang braso nito, nakaangkla ang isang babae na mukha ring modelo. At batay sa maluwang na ngiti ng babae, ito ang latest na ka-date ni Alexis.
Just like the rumors say, ladies' man and rake.
Alam din niyang imposibleng hindi kasama si Seff, pero nasorpresa pa rin siya nang makita ito na naka-tuxedo. Mapagkakamalang modelo rin sa mga hindi nakakikilala. Ni hindi big deal dito na humarap sa mga ilaw ng mga kamera. Game rin itong ngumingiti paminsan-minsan kahit pa tipid lang. At siyempre pa, may kasama rin itong magandang babae.
Hindi tuloy maiwasang maalala ni Arabella ang huling pag-uusap nilang tatlo kahapon pagkatapos ng insidente sa overpass...
"I see. So... what is it, then?" ani Alexis. Marahan at kaswal ang pagkakasabi noon pero tsina-challenge siyang mag-explain.
"I-I don't mean to pry..." naaalangang umpisa niya, "but do you two have a history together or something?" Alam niyang alam nito kung sino ang tinutukoy niya.
She heard Seff's quiet chuckle. Si Alexis naman, napahawak sa batok. Sandaling nag-isip ng isasagot.
"They dated a couple of months ago," supply ni Seff nang matagal sumagot ang kaibigan.
"Briefly dated," paglilinaw ni Alexis.
Nagpigil si Seff na hindi mapangiti. "Alright, briefly dated," makahulugang ulit nito.
Malinaw na may masalimuot pang istorya sa likod noon, sa isip-isip ni Arabella. "Now I see why..."
"See what?" litong tanong ni Alexis.
BINABASA MO ANG
Kampilan: Lihim at Misteryo
Fantasy| Fantasy | Mystery | Romance | Action | Copyright © Jay-c de Lente Transferee si Arabella sa kilalang unibersidad na kanyang pinapasukan sa Manila. Ngunit hindi lamang ang pagpapatuloy ng kanyang kurso ang ka...