"Mayap a gatpanapun!"
"Ano?" kumunot ang noo ni Ligaya Asuncion nang marinig ang bati ng co-teacher niya. Napalingon siya rito.
"Ang sabi ko, good afternoon," paliwanag ni Maam Nimfa Martinez. Bitbit niya ang lesson plan sa braso at masayang lumapit sa kaibigan. Siya ang matalik na kaibigan at katrabaho ni Ligaya rito sa Agsikapin Elementary School.
"Alam mo naman na hindi ako marunong magkapampangan eh," nakangiting sabi niya na lalong nagpaganda sa mukha niya. Dalawampu't walong taon na si Ligaya ngunit hindi halata ang kaniyang edad dala ng pagiging palangiti. Makikita sa kutis niya ang pagka-mestiza. Matangos ang kaniyang ilong, mahaba ang tuwid at itim na buhok. Maayos din kaniyang tindig o postura ng katawan. Kaya niyang magdala ng sarili.
"Huwag kang mag-alala kapag nagtagal ka rito eh matututo ka rin ng wika nila," paliwanag ng kaibigan niya. "Sino pala ang hinihintay mo riyan?"
Kanina pa nakatayo si Ligaya sa hallway at may tinatanaw sa loob ng kindergarten room. Hawak niya sa kanang kamay ang isang libro at manila paper. Tinignan ni Nimfa ang tinitignan niya.
"Syempre ang aking bituin," nakangiting baling niya sa co-teacher at muling lumingon sa loob ng silid-aralan.
Natanaw naman ni Nimfa si Maningning na sumasayaw-sayaw at sumusunod sa galaw ng pre-school teacher nila. "Six years old na pala iyang anak mo, ano?" tanong nito.
"Oo, pero matalas na siyang magsalita. Mas marunong pang mag-English kaysa mag-Tagalog."
"Mukhang matalino ang anak mo," pansin nito na nakatingin din sa bata.
"Ganoon ba 'yon?"
"Oo," tango lang ni Nimfa.
Narinig nila na tumunog na ang bell ng school. Ibig sabihin, lunch break na ng mga estudyante at tapos na ang klase ng kinder. Masaya at maingay na nagsilabasan ang mga bata sa kindergarden room. Nakita ni Ligaya si Maningning na tumatakbo palapit sa kaniya.
"Mama!" sigaw ng batang babae na malambing na yumakap sa ina.
"Kamusta naman ang klase ng bituin ko?" salubong ni Ligaya at niyapos din ang anak.
"Kamusta Maningning?" singit naman ni Nimfa na yumuko at itinapat ang mukha sa bata. Nahihiya lang na ngumiti ang paslit at itinago ang mukha sa damit ng ina. "Mahiyain talaga 'yang anak mo."
"Pagpasensyahan mo na," tawa lang niya habang hinahaplos ang buhok ng bata.
"O sige, mauna na ako ha? May klase pa kasi ako mamaya sa Grade 4. Ikaw ba, Ligaya?" paalam ni Nimfa sa kaibigan habang inaayos ang bitbit sa braso.
"May klase rin ako sa Grade 3 mamaya," sagot niya.
"Ewan ko ba kung bakit may pasok pa mga bata ngayon," reklamo nito na napatingin sa mga batang naglalaro sa hallway.
"Bakit?" kunot-noo at nagtatakang tanong niya.
"Hindi ba kasi may nangyari nga riyan sa tapat ng abandonadong bahay. Iyong nadadaanan natin," paliwanag lang ng babae.
Natandaan ni Ligaya ang sinasabi nito dahil malapit lang sa dorm nila ang binabanggit ni Nimfa na bahay. "Ah kaya pala may barricade tapes doon at may mga tao."
"Oo, nag-iimbestiga pa rin sila hanggang ngayon," sagot ng guro na akma nang tatalikod. "O sige mauna na ako, bye!" Kumaway pa siya bago tuluyang umalis.
"Tara na Maningning," yaya ni Ligaya sa anak at hinawakan ang kamay nito.
"We'll go to Tom's class?" may kasabikan sa tinig na tanong naman ni Maningning. Matalik na kaibigan ng bata si Tom na estudyante naman ni Ligaya sa Grade 3.
BINABASA MO ANG
𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟
Random"Walang mukha ang kasamaan." Bagong dayo sina Ligaya at Maninging sa San Fernando Pampangga nang mangyari ang kahindik-hindik na krimen sa tapat ng abandonadong bahay. Ang bahay na iyon ay katabi lamang ng Agsikapin Elementary School kung saan nagtr...