KABANATA 10: FINGERPRINTS

206 49 133
                                    

Kasalukuyang nakakulong si Dominic sa presinto. Nasa detention ang lalaki habang nag-iimbestiga pa ang kapulisan.

Ayon sa report ng mga pulis, isang employee ng perya ang namatay sa insidente. Sinaksak ng ilang beses sa ulo at mukha ang biktima. Sinusuri pa ang mga fingerprints na nakuha sa kutsilyong ginamit. Dahil sa nangyaring krimen pati ang buong perya ay napatigil. Maraming trabaho na ang naapektuhan dahil sa mga kaguluhan na ito.

Sina Ligaya at Tom naman ay inanyayahan sa headquarters. Kailangan nilang mag-report kina Ramil at Danilo.

"Anong ibig mong sabihin na kailangan pa ng mas matibay na ebidensya?!" naiinis na dabog ni Ligaya sa mesa.

Kampate lamang si Ramil. Hindi siya natatakot sa galit ng babae.

Si Danilo ay nagrerecord lamang at nagta-type sa desk computer. Nagtatake-notes siya sa mga salaysay ng dalaga. Minsan ay napapalingon siya kina Ramil at Ligaya. Kung mag-away ang dalawa, parang mag-asawa.

"Hindi pa ba sapat lahat ng nakita ko?! Sasaksakin niya si Tom!" dugtong pa ng babae na inakbayan pa ang batang katabi niya.

"Tama po iyon sir Ramil. Kung natatandaan niyo po dati, siya rin ang sumaksak kay Adrian Nestor," sang-ayon naman ng bata. "Siya rin ang humabol sa amin ni James Rommel at siya rin ang pumatay kay Maria Dianne."

Napatingin si Ramil sa bata, "Sigurado ka ba riyan Tom?"

"Opo! Nakita ko!"

Napaisip siya at natahimik. Nakahawak nanaman siya sa baba habang tinitigan lamang si Tom.

"Ano at parang hindi ka pa naniniwala? Bata na ang nagsasabi," pansin sa kaniya ni Ligaya.

"Matagal ko nang nahawakan ang kaso ni Dominic. Three years ago na. Natatandaan ko rin na si Tom ang witness noon. Nahirapan akong masolve ang kaso ni Adrian Nestor dahil hindi tumutugma ang lahat ng evidence kay Dominic. Sa gitna ng imbestigasyon ay tumakas si Dominic at bigla na lang nawala. Iyon ang dahilan kaya tuluyan nang naging HIATUS ang kaso," paliwanag niya sa dalawa.

"Parang sinasabi mong incompetent ka,"  tugon naman ng babae.

"Maaari," kibit - balikat lang ni Ramil.

"Bakit kulang pa sayo lahat? Ako na ang nakakita. Ito na ang ebidensya. Palalagpasin mo pa ba ito Ramil? Ituloy na natin sa korte ito! Kumpirmado na ang lahat. Siya ang serial killer!"

"Hindi mo naiintindihan Ligaya, kailangan nating maghintay sa laboratory results bago umusad ang kaso. Kahit pa may witness, kailangan pa rin ng katibayan," paliwanag niya rito. "Alam mong dumadaan sa proseso ang lahat. Nakausap niyo na ba si Atty.Joaquin?"

Si Atty. Joaquin ang nirecommend na abogado ni Ramil para sa kaso.

Umiling si Ligaya, "Hindi pa. Alam mo naman na abala ako sa bahay. Inaasikaso ko pa ang anak ko."

Nakaramdam si Ramil ng awa nang makitang lumungkot ang mukha ng babae.

Nakakaawa talaga si Maningning nang makita nila. Isinugod agad sa hospital ang bata sakay ng Emergency Ambulance. Nagkaroon siya ng mild head injury at salamat sa Diyos, hindi naman ganoon kalala ang kalagayan ng bata.

Nakalabas din agad sa hospital si Maningning. Iyon nga lamang, may trauma ang paslit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasalita at madalas nakatulala at natatakot. Hindi tuloy matanong ng mga pulis ang bata. Hindi rin siya matanong ng ina.

Sa ngayon, nasa bahay si Maningning kasama sila Nimfa.

"Wala tayong magagawa kundi maghintay," wika na lamang ni Ramil sa kanila.

𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon