KABANATA 13: MGA LARUAN

155 42 106
                                    

Pagkatapos magbihis, lumabas si Ligaya sa loob ng kwarto. Kumunot ang noo niya nang maabutan na walang tao sa labas. Nasa sahig ang pagkain ni Maningning at ang dala ni Tom na echobag. Si Grace ay natutulog pa rin sa sofa at nakayakap sa unan.

Lumabas na rin si Nimfa galing sa banyo.

"Oh, nasaan na sina Maningning at Tom?" pansin ni Nimfa na tumingin sa paligid.

"Hindi ko alam," namomoblema nanaman ang mukha ni Ligaya, "Kanina lang nandito iyong dalawa diba?"

"Grace! Grace! Gumising ka nga!" nilapitan ni Nimfa ang kapatid at ginising.

"Hmmm... Ano ba ate! Sarap ng tulog ko eh," reklamo nito na dinilat ang mata pero hindi bumangon.

"Nasaan na sina Maningning at Tom?!"

"Ha? Anong sinasabi mo? Nandito ba sila? Kitang natutulog ako eh!" nairitang sabi niya at bumalik sa pagtulog.

Naiinis na lang na napakamot sa ulo si Nimfa, "Walang silbi talaga itong kapatid ko kahit na kailan."

"Mabuti pa hanapin ko sa labas. Madilim na," desisyon ni Ligaya na agad na lumabas sa unit nila.

"Mag-ingat ka Ligaya!" pahabol na bilin ni Nimfa. "Hay nako, bakit naman kaya lumabas ang dalawang batang iyon!" buntong-hininga niya.

Naglalakad si Ligaya sa hallway ng dormitory nang tumunog ang phone niya sa bulsa.

"Hello?"

"Ligaya! Si Ramil ito," sabi ng tumawag.

"Bakit napatawag ka? May nakalimutan ka bang sabihin kanina?"

"Hindi ka maniniwala pero pakiusap makinig ka! Ilayo mo si Maningning kay Tom!"

"Anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni Ligaya na huminto sa paglalakad.

"Ligaya, nakuha nanamin lahat ng result ng laboratory. Tumugma kay Tom lahat ng fingerprints!"

Pagkatapos makipag-usap sa interrogation room, dumiretso si Ramil sa investigation room. Kasama niya ngayon sina Jovan, Jejomar, Edcel at Isagani. May hawak siyang papel na patunay na nagmatch nga sa fingerprints ni Tom ang lahat ng fingerprints sa weapon.

"A-Ano...." tila nabingi siya.

"Ligaya, si Tom ang pumapatay! Hindi si Dominic."

"Anong sinasabi mo Ramil? Nababaliw ka na ba? Pinagbibintangan mo ang bata?"

"Maniwala ka Ligaya!" tumaas ang boses ng lalaki. "Si Tom ang tinuturo ng lahat ng evidence. Wala si Dominic sa Pampangga nang mangyari ang krimen. Hindi si Dominic ang pumatay kina James Rommel at Maria Dianne. Si Tom ang huling nakasama ng mga biktima bago sila namatay. Si Tom ang pumatay sa kanilang lahat!"

Natulala si Ligaya at napaisip siya nang malalim. Naalala niya lahat ng mga araw na kasama niya si Tom.

Nagsalita ulit si Ramil nang hindi umimik ang babae, "Nasaan na si Maningning ngayon?"

Saka lang niya naalala ang anak. "K-Kasama niya si Tom...." naibulong niya at tinakasan ng kulay ang mukha. Kinabahan siya ng todo at nag-alala nang sobra para sa anak.

"Ano kamo?!" napasigaw si Ramil at agad na kinabahan.

"KASAMA NIYA SI TOM!" sigaw rin ni Ligaya. Pinatay niya ang phone at mabilis na tumakbo sa pasilyo. Kailangan niyang mahanap si Maningning. Kailangan niyang makita na okay lang si Maningning. Kung tama lahat ng sinasabi ni Ramil, nasa panganib ang anak niya!

"Ligaya? Ligaya?!" tawag ni Ramil pero pinatay na ni Ligaya ang linya. Nag-aalala siya at mukhang kailangan niyang puntahan si Ligaya sa lalong madaling panahon. Lalo pa at sinabi nitong kasama pa rin ni Maningning si Tom.

Walang pasabi na dumiretso siya sa pinto at lumabas.

"Ramil, saan ka pupunta?" tanong ni Jovan pero hindi na siya sinagot ng lalaki.

***

Naisip ni Ligaya na nagpunta ang dalawang bata sa abandonadong bahay kaya dumiretso siya roon. Hinihingal sa pagtakbo na tumigil siya sa tapat ng pinto. Katulad ng dati, madilim at mukhang haunted ang bahay.

Akma niyang bubuksan ang pinto nang---

"Hi ma'am, anong ginagawa mo rito?"

Shit. Ang boses na iyon.

Nanlaki ang mata ni Ligaya. Nanigas ang buong katawan niya dahil sa takot. Hindi niya nabuksan ang pinto at unti-unti siyang lumingon sa batang nasa likuran.

Si Tom ay nakangiti lang. Ang dalawang kamay nito ay nasa likod at tila may tinatago.

"T-Tom," tawag niya na napalunok. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay nakakatakot ang ngiti ng batang ito.

"......."

"Tom, n-nasaan si Maningning?"

"Naglalaro po kami ng taguan," ngiti lang nito.

"T-Talaga? Pero gabi na, kailangan niyo nang matulog na dalawa," naisip ni Ligaya na sabihin.

"Pero mas masarap maglaro ng taguan kapag gabi ma'am."

"D-delikado na kapag gabi lalo na kung dito sa loob. Umuwi na tayo Tom."

"Hmmmm. Ayoko," ngiti lamang ni Tom. "Maglalaro pa kami ni Maningning."

"........"

"......."

"A-Ano iyang tinatago mo sa likod?" tanong niya.

"May nakita lang po ako na laruan dito. Hiniram ko lang."

"Pwede ko bang makita?" sabi ni Ligaya na inilahad ang kamay.

"Oo naman ma'am. Pwedeng-pwede....."

".........."

"Ito po oh!"

"Argh!" napasigaw siya sa sakit nang biglang sumugod sa kanya si Tom. Sinaksak siya nito sa tiyan gamit ang isang punyal.

"AHHHHHHH!" bumagsak si Ligaya sa pinto ng cabin. Nabuksan tuloy ang pinto at lumagapak siya sa sahig. Napaungol siya na humawak sa tiyan na may sugat. Tumingin siya kay Tom.

Nakangisi lang ang bata, sa likod niya ang ilaw ng buwan. Mukhang galing sa impyerno ang batang ito at umapak lamang sa lupa.

Nahintakutan na napaurong si Ligaya. Nakaupo pa rin siya sa sahig at nakahawak sa natamong pinsala.

"T-Tom, anong ginagawa mo?!"

"HHHMMMMP!" nakarinig si Ligaya ng impit na sigaw at napalingon sa kaliwa. Nakita niya si Maningning na nakatali sa tumba-tumba. Nakapiring ang mga mata nito at may busal pa sa bibig.

"Maningning?!" sigaw niya na akmang tatayo ngunit bigla siyang nakaramdam ng hapdi sa mga hita niya. Tumingin siya roon at nakita ang dalawang sumpit na sumaksak sa kanya.

Nagulat na muli siyang tumingin kay Tom. May hawak na sumpit ang batang lalaki at hawak din nito ang punyal. "Sabi mo kasi maam gusto mong makita ang mga laruan ko eh," ngiti lamang ng bata.

"Bakit mo ito ginagawa?! Bakit Tom?! Bakit?" sobrang sama ng kanyang loob. Itinuring niyang anak ang batang ito ngunit ito ang napala niya. Hindi niya maintindihan pero sigurado na siya na tama si Ramil. Si Tom nga ang tunay na kriminal at hindi si Dominic.

"Hmmmm....Wala lang. nag-eenjoy lang ako. Para lang akong nakikipaglaro sa inyong lahat," walang pakeelam na sagot nito at nagkibit ng balikat.

Napanganga si Ligaya. Who is this kid?

"WALANG HIYA KA TOM! WALANG HIYA KA!" nagkaroon siya ng lakas na tumayo. Galit na galit na akma niyang susugurin si Tom ngunit umikot ang kanyang paningin. Nahilo siya. Napagtanto niya na may halong pampatulog ang sumpit na tinira sa kanya. Nanghihina na bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay.

***

𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon