Kinabahan si Ligaya at pinagpawisan ng butil-butil. Nakita niya na wala na sina Maningning at Tom sa gate kung saan naglalaro ang dalawa kanina. Naglakad siya nang kaunti at napansin na nakabukas ang pinto ng lumang tahanan. Napalingon siya sa Grade 6 na abala pa rin sa paglalaro ng volleyball, pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa abandonadong bahay.
Hindi siya komportable na pumasok doon pero kailangan niyang makita kung nasaan na ang dalawang paslit. Napagdesisyunan niya na iwan muna ang Grade 6 at hanapin ang dalawa.
"Maningning! Tom! Nasaan na kayo?!" tawag niya habang naglalakad at tumatawid sa kabilang kalye para makapunta sa bahay. Ilang saglit pa at nasa tapat na siya n'yon.
"Maningning? Tom?" tawag niya muli na dumungaw sa loob ng abandonadong tahanan. Inilibot niya ang paningin. Bukas ang pinto at bintana kaya may pumapasok na liwanag ng araw sa loob.
"Ah!" napasigaw si Ligaya sa gulat nang biglang bumulaga si Maningning sa harap niya. Nagtawanan naman ang mga bata.
"Ikaw talagang bata ka!" inis na sabi niya. Nasa loob nga ng old cabin ang dalawang bata. "Ano bang ginagawa n'yo riyan? Lumabas na nga kayong dalawa!" mariin niyang utos.
"Mama, tignan mo rito! Come inside!" balewalang sabi ni Maningning na hinila ang ina papasok sa bahay.
Wala nang nagawa si Ligaya kundi iapak ang mga paa sa loob. Pagka-apak niya ay narinig niya na tumunog ang kahoy na sahig. Lumang-luma na nga ang bahay na ito pero hindi niya inasahan na may mga gamit pa pala sa loob.
May mga antigong gamit doon tulad ng palayok, rocking chair, pitsel, upuan, lamesa at lumang cabinet. Nakita niya na may isa pang pinto sa dulo. Ang cabin ay may entrance door sa harap at exit door sa likod.
Napakunot ang noo ni Ligaya. Ngayon lang siya nakapasok sa ganitong klaseng bahay. May mga agiw ng gagamba sa kisame pero wala namang butas ang bubong. Kahit maalikabok na ang mga gamit ay maayos pa rin. Hinawakan niya ang isang lumang vase at sinuri iyon. Sa tingin niya ay malaking presyo ang halaga ng mga antigong gamit na ito kung ibebenta.
Inilapag niya sa mesa ang hawak at dumako ang mga mata niya sa mga painting na nakasabit sa dingding. Na-curious siya at lumapit doon. Lumang-luma na ang frame at maalikabok ngunit maganda ang pagkakapinta.
Sa painting ay may isang prayle na nakadamit ng cassock. Sa panahon pa ng mga kastila ang ganoong klaseng damit ng mga pari. May kasama itong mga batang Pilipino sa larawan. Kinutuban na si Ligaya. Naalala niya ang mga ibinahagi ni Nadine sa kaniya.
"Iyong bahay po na iyan ay ang unang eskwelahan na itinayo rito sa bayan. Sinugod po ng mga kastila ang bahay, pinatay nila ang mga bata at ang pari. May sumpa po ang bahay, sinuman po ang pumasok diyan ay magiging bahagi ng sumpa. Hindi iyan nagigiba o nasusunog."
Bumilis ang tibok ng puso niya. Namutla at kinilabutan siya mula ulo hanggang paa. "Labas na!" bigla niyang sigaw sa dalawang bata na naglalaro sa tumba-tumba. Napatingin sa kaniya ang mga ito na nagtataka ang mga mata.
"Why Mama?" tanong ni Maningning.
"Basta lumabas na sabi eh!" nagpapanic na sigaw ulit niya ngunit hindi pa rin kumilos ang mga ito, kaya hinila niya ang braso nina Tom at Maningning at kinaladkad sila palabas.
"Maam? Bakit?" ---- si Tom.
Hindi niya sinagot ang mga tanong ng mga bata. Nasa labas na silang tatlo nang biglang sumigaw si Tom.
"Aray ma'am, masakit!" aniya na hinila ang braso.
Natigilan si Ligaya at lumingon sa batang lalaki. Nakahawak si Tom sa kanang braso. Nagtaka siya dahil hindi naman mahigpit ang hawak niya. Lumapit siya kay Tom at napansin na may malaking pasa pala ito roon. "Sorry Tom, hindi ko alam na may pasa ka pala riyan. Saan mo nakuha iyan?" nag-alalang tanong niya.
BINABASA MO ANG
𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟
Ngẫu nhiên"Walang mukha ang kasamaan." Bagong dayo sina Ligaya at Maninging sa San Fernando Pampangga nang mangyari ang kahindik-hindik na krimen sa tapat ng abandonadong bahay. Ang bahay na iyon ay katabi lamang ng Agsikapin Elementary School kung saan nagtr...