KABANATA 7: SI DOMINIC DELA FUENTE

211 56 136
                                    

Matapos ang pangyayaring iyon, dalawang araw nang hindi nakakatulog nang mahimbing si Ligaya. Nagpatuloy sa pag-iimbestiga sina Ramil at Danilo pati na rin ang buong miyembro ng SOCO team. Gayunman, walang pag-usad ang kaso. Hindi pa rin nakikita ang lalaking humabol kay Ligaya.

Sabi ni Ramil sa kaniya, kahawig ng composite sketch si Dominic Dela Fuente ngunit hindi dapat mag-assume. Sinabi rin ni Ramil na hahanapin niya ang mga dating files tungkol kay Dominic at pag-aaralan niya muli ang kaso ni Dominic.

Kung may mangyari man na kahina-hinala, tawagan daw niya ang binata.

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Dating Principal ng School ang suspek?!" sambit ni Nimfa.

Kasalukuyang naglalakad sila sa hallway ng paaralan. Bitbit nila ang mga libro at teaching kits. Walang katao-tao sa school at wala ring mga estudyante. Nakasuot din sila ng civilian.

Lunes pa lang ay suspended na ang lahat ng klase.

Pagkatapos mamatay na naman ng isang estudyante, pina-shut down na ang school para sa investigation. Katulad nanaman ng dati, may barricade tapes at mga pulis nanaman sa cabin.

Nandito sila ngayon ni Nimfa para kunin ang mga libro at gamit nila sa faculty. Habang isang linggo na walang pasok, gagawa sila ng lesson plan sa bahay.

"Sabi ni Ramil may possibility daw pero huwag mag-assume pero gusto kong malaman ang totoo," sa gitna ng katahimikan ay nasabi ni Ligaya.

Natigilan silang maglakad nang makita nila si Ma'am Rizalina na nasa labas ng principal's office. Kinakandado ng ginang ang opisina.

"Principal, Mayap a abak," bati ni Nimfa na ang ibig sabihin ay 'good morning'.

"Nu ka rin ka munta?" tanong ni Rizalina sa kanila.

"Ano sabi?" bulong ni Ligaya kay Nimfa.

"Tinanong ni Maam kung saan daw tayo pupunta," sagot nito at bumaling ulit siya kay Rizalina. "Maam, uuwi na kami. Kinuha lang namin mga gamit dito."

"Ah...." tango lamang ng principal. "Okay be careful lalo ka na Ligaya. Kamusta ka naman?"

"Okay na po ako maam," simpleng sagot lang niya.

"Mag-iingat ka lagi."

"Opo."

"Sige, mauna na ako," paalam ni Rizalina na tumalikod na.

May naalala si Ligaya kaya pinigilan niya ang babae, "Ah Maam, pwede bang makausap kayo nang saglit? May itatanong lang po ako."

Napahinto si Rizalina at lumingon sa kaniya. "Sige, sa cafeteria tayo."

***

"Dominic Dela Fuente? Kilala ko siya," simula ni Principal Rizalina habang kumakain sila sa Cafeteria ng paaralan.

Ang Cafeteria ay nasa ground floor ng Dormitoryo. Bukas pa rin ito dahil dito kumakain ang mga nakatira sa dorm.

"Noong mga panahon na iyon, ordinaryong teacher pa lamang ako. Ang pangalan pa ng school ay 'Ginintuan Elementary'. Si Dominic ang head teacher. Si Dominic ay maayos naman na punong-guro. Sa totoo nga ay malapit siya sa mga bata," paliwanag nito habang kumakain, "Pero isang araw, nagbago ang lahat."

"Ano pong nangyari sa kanya, Ma'am?" usisa ni Ligaya.

"Nag-umpisa iyan sa kumalat na chismis," kwento nito.

"Anong chismis?"

"Isa sa mga estudyante sa Grade 1 ang nagsasabi na nakakita raw siya ng demonyo sa loob ng abandonadong bahay. Alam niyo naman ang kwento sa lumang bahay na iyan. May sumpa raw diyan. Marami raw kababalaghan diyan," naiiling na salaysay ni Rizalina habang tinutuhog ng tinidor ang pagkain.

𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon