KABANATA 11: SA INTERROGATION ROOM

179 48 130
                                    

"And people who do hideous things do not look like people who do hideous things. There is no face of evil."-- Martha Stout.

***

Gabi na. Hindi pa rin nakakauwi si Ligaya. Panay ang pagtingin ni Nimfa sa wallclock. Simula nang maospital si Maningning dumoble na ang pag-aalala ni Nimfa para sa kaibigan. Nilagyan niya ng sabaw ng sinigang ang kanin. Umuusok pa iyon sa init. Sinigang-- alam niyang paborito ito ni Maningning. Iniisip niyang baka makatulong ito para mapabuti ang kondisyon ng bata. Alam niyang matatagalan pa itong maka-recover sa trauma pero gusto niyang tumulong sa simpleng paraan.

Lumapit siya kay Maningning. Nakaupo sa sahig ang bata at nakatutok ang mga mata sa tv. May pasa pa rin ang bata sa ulo pero naghihilom na iyon. Ang kapatid naman niyang si Grace, natutulog sa sofa.

"Ningning, kain na habang mainit pa," sabi niya na pilit pinapasubo ang kutsarang may kanin.

Pero hindi siya pinansin ng bata. Nakatutok pa rin ang mga mata nito sa tv.

Nakadama ng kalungkutan si Nimfa. Laging matamlay ang paslit at hindi makausap. Tumingin siya sa tv.

"Nahuli na ang suspek sa pagpatay sa mga estudyante ng Agsikapin Elementary School, dito sa Baranggay Isigan. Hawak pa rin ng PNP ang suspek at nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon. Ayon sa mga witness-----"

Nairita si Nimfa. Ito pala kasi ang pinapanood ni Maningning eh. News Flash Commercial tungkol sa kaso! Inabot niya ang remote sa gilid at walang pagbabantang pinatay iyon.

Nang mamatay ang tv, napalingon si Maningning kay Nimfa.

"Kain ka muna ningning," ngiti niya na sinubuan ang bata. Sa wakas, kumain na rin ito. Pilit siyang ngumuya ng kanin. Napangiti si Nimfa na hinimas ang ulo ni Maningning.

Bumukas ang pinto. Nakauwi na rin si Ligaya.

"Oh ginabi ka na ah," pansin niya.

"Namili pa kasi ako eh," sabi ni Ligaya na tinanggal ang sapatos sa pinto. Lumapit siya kay Maningning at hinalikan sa ulo ang bata. "Kamusta na ang anak ko?"

"Kumakain na siya Ligaya," bulong ni Nimfa sa kaibigan.

Napangiti naman si Ligaya. Noong mga nakaraang araw kasi ay hindi makakain ang bata. Pero ngayon ay kumakain na kaya ibig sabihin bumubuti na ang kalagayan nito.

"Kamusta ang lakad?" -- si Nimfa.

"Maghintay raw sa laboratory result. Ewan ko ba kay Ramil. Gwapo nga, ang bagal naman kumilos! Siya ba talaga ang best investigator dito?! Kawawa naman ang Pampangga!"

Natatawa na lamang si Nimfa sa mga rant ni Ligaya tungkol kay Ramil. Hindi napapansin nito na bukambibig niya ang lalaki.

"Sige, magbibihis lang ako. Ay oo nga pala, Tom pasok ka!"

Nabigla sina Nimfa at Maningning nang tawagin ni Ligaya si Tom. Lalo na si Maningning na namilog ang mga mata.

Sa pinto, naroon nga si Tom. Nakatayo at may bitbit na echo bag.

"Pagkagaling sa presinto, namili kami ni Tom diyan sa store. Sabi ni Tom, gusto raw niyang mag-overnight dito. Syempre pinayagan ko na. Alam mo naman, iyong tito niya ay isa pa sa problema," paliwanag niya habang naglalakad patungo sa pinto ng silid. Pumasok siya roon para makapagbihis.

𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon