"Mama, look what he's doing!" turo ni Maningning sa likod ng paaralan. Hinihila niya ang ina papunta sa likuran.
"Bakit? What's happening?" sumunod siya sa anak. Katatapos pa lamang ng klase niya.
Sa likod naabutan niya si Tom, pinaglalaruan ang mga kawawang street kittens. Panay ang pag-iyak ng mga kuting at dumudugo ang mga natamo nilang sugat na gawa ni Tom.
"Tom! Anong ginagawa mo?" nagalit siya sa naabutan. Kahit wala siyang pet sa bahay, may malasakit naman siya sa mga hayop. Hinila niya si Tom, dinala sa room at sinermunan.
*****************
"Bakit hindi ko naisip?" natanong ni Ligaya ang sarili. Nabuksan na rin ang kanyang diwa at iyon ang una niyang naalala. Psychopath si Tom, noon pa man.
Nanghihina man ay nagawa niyang imulat ang mga mata. Kadiliman ang bumungad sa kanya pero may gasera sa harapan niya. Yumuko siya at nakita ang mga paa na nakatali.
Nakadama siya ng pagpapanic. Nagpumiglas siya pero nakatali rin ang mga kamay niya sa likod. Nakatali rin siya sa upuan. Paano nagawa ito ni Tom na nag-iisa? Nabuhat siya at naigapos dito ng isang sampung taong gulang na paslit?
Umikot ang paningin ni Ligaya at nakita si Maningning na nasa likod niya. Nakatali sa tumba-tumba ang batang babae. Nakapiring ito at may busal sa bibig saka wala ring malay.
"Maningning! Maningning!" tawag niya sa anak.
"Nagising ka na pala maam," nagsalita na rin sa wakas si Tom. Nakatayo siya sa harap at nakatingin lamang kay Ligaya.
"Ha!" namilog ang mata ni Ligaya at napalingon kay Tom. "Anong ginawa mo kay Maningning?"
"Pinatulog ko lang. Ang ingay eh."
"Pakawalan mo siya Tom! Ako na lang! Ako na lang!" pagsusumamo niya.
"Hmmm... hindi pwede maam eh. Dapat kayong mamatay na dalawa."
"Pero bakit? Bakit mo ito ginagawa? Sino ka ba talaga Tom? Sino ka?!" nalilitong tanong niya.
Nakangiti lamang ang batang lalaki na para bang naaaliw siya sa mukha ng kausap. Hindi niya sinagot ang tanong ni Ligaya. Sa halip, naglakad at lumapit siya sa lumang picture na nakasabit sa dingding ng bahay. Tumingin siya sa painting ng pari at ng mga batang Pilipino.
"Hindi ko rin alam pero pakiramdam ko ay isa ako sa kanila," malademonyong ngiti na lumingon ito sa babae.
Nahintakutan si Ligaya sa narinig. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. What the fuck this kid was talking about? Isa saan? Isa sa mga batang namatay noong panahon ng kastila? Anong sinasabi nito?
"Alam mo ma'am dito ako pinanganak sa loob ng lumang bahay. Dito rin namatay ang pobre kong nanay. Hindi ko alam kung sino ang tatay ko," paliwanag nito na nakatingin pa rin sa dingding. "Sa totoo lang wala naman akong pakialam. Hindi ko kailangan alamin kung sino ako. Ang alam ko lang masaya ako kapag pumapatay."
BINABASA MO ANG
𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟
Rastgele"Walang mukha ang kasamaan." Bagong dayo sina Ligaya at Maninging sa San Fernando Pampangga nang mangyari ang kahindik-hindik na krimen sa tapat ng abandonadong bahay. Ang bahay na iyon ay katabi lamang ng Agsikapin Elementary School kung saan nagtr...