Pinaupo siya ng artist sa harap ng table at agad naman siyang sumunod. Si Danilo naman ay nagpaiwan na lamang sa labas.
"Ma'am Ligaya Asuncion am I right?" tanong ni Mr. Rufford Stewart. Halata sa mukha nito na may dugong banyaga. Maputi, mapula ang pisngi at matangos ang kanyang ilong. Isang taon pa lamang ito sa serbisyo bilang criminal sketch artist dito sa Pilipinas. Nag-asawa siya ng Pilipina kaya nakatira siya ngayon sa bansa.
"Just call me Ligaya," tugon lamang niya. Napansin niya sa desk nito ang mga papel, sketch pad at mga graphite/charcoal pencil.
"Im Rufford Stewart," pakikipagkamay nito na tinanggap ni Ligaya, "Danilo said you can't speak Kapampangan?"
"Yes."
"Pardon, 'cause I can only speak a little bit of Kapampangan and Tagalog."
"That's fine."
"I heard you've been chased by a lunatic a while ago..."
Napatango lamang si Ligaya at hindi siya makatingin nang diretso sa kausap. May trauma talaga siya sa nangyari at kung maari lang gusto na niyang makalimot.
"So I'm gonna ask you to describe that man's face in your words. What this person would look like?"
"He's a tall man, slim-body, black eyes, and long hair with pony tail. He's wearing black coat. He's on 30's I guess?" napapaisip na sagot niya na nire-recall sa utak ang mga nakita. Napansin niya na sinusulat ng artist ang mga sinasabi niya sa Form.
"Look at these pictures Ligaya. When you see something that stands out as similar to that person, just let me know and well take note of it okay?" bilin ni Rufford at nag-abot ng album kay Ligaya.
Tinignan niya iyon at nakitang punong-puno ng mukha ng ibat-ibang tao ang album. Hinanap niya roon kung sino ang kamukha ng lalaking humabol sa kanya kanina.
"The man who chased me -- have almond-shaped black eyes. It looks like this," paliwang niya na may tinurong picture.
"B6-8," bulong ni Rufford. Code iyon ng larawan.
"And also here! I see similarities of the lips and nose," turo niya muli sa isa pang larawan.
Tumango lamang si Rufford.
"This looks like the shape of his face," turo ni Ligaya sa H7-6 picture.
"This one?" turo rin ng artist sa picture, "You want me to use this as the starting point of his sketch?"
"Yes," tango niya.
"Okay," pagpayag ni Rufford na hinanda na ang papel at lapis, "I want you to stay here while I draw. Is that okay? I want the witness to look at my drawing at all stages of its progress. You stay here with me until I'm satisfied that my drawing is the best possible representation."
Tumango si Ligaya pero hindi niya inaasahan na magtatagal pa pala siya rito. Pero ayos lamang dahil ginagawa niya ito para mahuli na ang kriminal. Inilagay na lang niya sa isip na makikinabang naman ang lahat sa ginagawa niya. Kaunting sakripisyo lang ang kailangan niyang gawin.
Habang nagdradrawing si Rufford ay nagtatanong ito sa kanya kung ano ang dapat baguhin sa sketch. Tinanong din nito kung may kamukha bang artista o sikat na tao ang lalaking iyon. Sinagot niya ng, "wala akong maisip".
Ilang oras pa at sa wakas, nabuo na rin ang sketch.
"Perception can alter the face of the person, so expect it to be not 100% accurate. This is what we have so far," sabi ni Rufford at pinakita ang buong sketch sa babae.
Napatulala si Ligaya dahil kamukha ng sketch ang lalaking nakita niya sa cabin. "He does look like him!" gulat niyang baling kay Rufford.
Sakto naman na pumasok na muli si Danilo sa loob ng opisina. May bitbit siyang dalawang tasa ng kape.
"Mr. Rupord en Ma'am Ligaya, hir sam kopi por yu," filipinong accent na English ni Danilo. Binabalanse pa ng pulis ang dalawang tasa ng kape at inilapag niya iyon sa table.
"Mr. Danilo, be careful while holding that coffee," paalala ni Rufford dahil natatakot siya na matapunan ng kape ang album at composite sketch niya.
Napansin ni Danilo ang sketch at kumunot ang noo niya. "Dis is it?" kinuha niya ang sketch at tinignan nang mabuti. "Dis is da paynal mister Rupord?"
"Well, Ligaya said so--- he looks like him," kibit-balikat ni Mr. Rufford at uminom ng kape.
"Bakit po sir Danilo?" nagtaka agad si Ligaya dahil kunot -noo na titig na titig si Danilo sa sketch.
"May kamukha siya ma'am Ligaya," tugon nito na napatingin sa babae.
"Ano?" nagtaka si Ligaya. Kung ganoon ay kilala ni Danilo ang nasa sketch?
"Halika, puntahan natin si Sir Ramil at ipakita ito!" suhestyon ng pulis. "Mr. Rupord, wi wil gow naw, tenk yu por koopereysun," paalam pa nito kay Mr. Rufford. Tumango lamang ang artist.
Hinila na ni Danilo si Ligaya palabas sa opisina. Dala-dala niya ang composite sketch na nagawa.
Nagtataka man pero sumunod si Ligaya kay Danilo. Hila-hila siya ng lalaki sa hallway ng headquarters patungo sa investigation room. Siguradong naroon si Ramil at marahil kausap ang SOCO team.
"Sir Ramil!" kumatok sa pinto si Danilo habang hinihingal sa pagtakbo.
Bumukas ang pinto at bumungad ang nagtatakang mukha ni Jovan.
"Dr. Jovan, ikaw pala. Nariyan ba si sir Ramil?" tanong nito sa doktor.
"Yes, bakit?" napatingin si Jovan sa babaeng kasama ni Danilo bago niya pinapasok sa loob ang mga ito.
Natigilan sina Ramil, Isagani, Edcel, at Jejomar sa pag-uusap. Lahat ng lalaki ay napatitig kina Danilo at Ligaya. Nailang naman si Ligaya dahil siya lang ang babae sa loob. Kasama niya ang mga lalaki na tanyag sa kaniya-kaniyang propesyon.
"Ano ba iyon Danilo?" medyo iritadong baling ni Ramil sa kaibigang pulis.
"Sir! Tignan mo! Tignan niyong lahat!" inabot ni Danilo ang composite sketch at kinuha naman iyon ng lalaki. Kumunot ang noo ni Ramil sa nakita.
Nagtataka naman ang mukha ni Ligaya. Batay sa reaksyon ng mga ito, kilala nila ang pumapatay?
Ipinasa ni Ramil ang sketch kay Jovan. Lumapit naman sina Isagani, Edcel at Jejomar kay Jovan para silipin ang sketch.
"Hindi ako makapaniwala!" sambit ni Jovan dahil kilala niya iyon.
"Bakit? Sino ba iyan?" tanong ni Edcel. Nagkibit-balikat sina Jejomar at Isagani. Hindi kasi tagarito ang tatlong lalaki at galing sila sa ibang syudad kaya hindi sila pamilyar sa mukha ng nasa composite sketch.
Samantalang sina Danilo,Ramil at Jovan ay pinanganak at lumaki sa San Fernando Pampangga kaya pamilyar sila sa mukha ng nasa sketch.
Nanatiling tahimik lamang si Ramil at nag-iisip. "Sir, buhay siya kung ganoon," tawag ni Danilo sa kanya pero wala siyang tugon dito.
Naiirita na si Ligaya dahil wala siyang naiintindihan. Naglakas-loob siyang magtanong sa grupo.
"Sir Ramil," tawag ni Ligaya at agad namang lumingon ang binata. "Kilala niyo iyong lalaki na humabol sa akin? Kilala niyo ang killer? Ang pumatay kay Ismael?"Saglit na tumingin lang siya sa babae bago sumagot, "Hindi pa kami sigurado Ligaya pero kamukha niya ang kilala namin."
"Sinong kilala niyo na kahawig niyan?" turo ni Ligaya sa sketch.
"Siya ang dating principal ng Agsikapin Elementary School --- si Sir Dominic De la Fuente."
Pagkarinig niyon, si Ligaya naman ang nagulat sa natuklasan.
BINABASA MO ANG
𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟
Random"Walang mukha ang kasamaan." Bagong dayo sina Ligaya at Maninging sa San Fernando Pampangga nang mangyari ang kahindik-hindik na krimen sa tapat ng abandonadong bahay. Ang bahay na iyon ay katabi lamang ng Agsikapin Elementary School kung saan nagtr...