Nagkukumpulan ang mga tao para makita ang kaganapan. Kahit na mataas ang sikat ng araw at mainit, wala silang pakeelam basta makakuha lang ng tsismis. Ang ilan sa kanila ay may hawak pang mga cellphone para makapag-post sa social media.
Sunog na ang buong bahay pero hindi ito ang pinunta nila rito. Nandito sila para manood sa excavation ng skeletal remains. Hinuhukay ng mga excavator ang lupa na nasa likod ng bahay. May hinahanap sila roon na bangkay ng isang bata.
Naroon din sina Jovan, Edcel, Jejomar at Isagani. Naghihintay sila sa mga escavators at kasama nila ang isang forensic anthropologist na professional sa paghuhukay ng mga bangkay. Umaasa sila na may makikita nga sila rito na kalansay. Ilang araw na rin silang pabalik-balik sa lumang bahay dahil sa paghahanap doon.
Ilang minuto pa at sa wakas, nakita na nila ang hinahanap. Na-pull out na rin sa wakas ang buto ng isang batang babae. Nakita na ang labi ni Lucia.
"We found it! Atlast!" napabuntong-hininga si Edcel na mukhang mas pagod pa kaysa sa mga naghukay.
"Whooo! We came this far! The last piece of evidence," pagsasaya naman ni Jovan.
"Kung ganoon tama ang sinabi ni Ligaya. Kung ganoon tama tayo!" natutuwang sabi ni Jejomar.
"Congrats mga pare, nasolve natin ang kaso na ito," natawang wika ni Isagani.
Nag-apir at nakipagkamay sila sa isat-isa. Ang kaso na ito ang pinakamahirap na nahawakan nila at pinakakakaiba rin.
***
Samantala, kausap naman ni Ramil si Dominic sa visiting room. Binisita niya ito sa penitentiary. May bandage pa siya sa braso at band-aid sa ulo. Hindi pa naghihilom ang mga sugat niya pero maayos naman siya.
"Huwag kang mag-alala Dominic dahil pwede ka pang makapagpiyansa. Isa pa, magiging witness mo sa korte sina Ligaya at Maningning. Pumayag sila na ipagtanggol ka. May pag-asa ka na malinis ang pangalan mo," masayang balita niya sa lalaki.
"Wow," nasabi na lamang nito na mukhang hindi naman excited.
Napatingin silang dalawa sa lalaking lumapit sa kanila.
"Saka si Atty. Joaquin nga pala. Siya ang kinuha kong abogado mo," pakilala ni Ramil sa bagong dating na tumayo at lumapit dito. Tumayo rin si Dominic at nakipagkamay kay Atty. Joaquin.
"Paano? Maiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo," paalam niya sa dalawa.
"Maraming salamat Ramil," pasasalamat ni Dominic bago lumabas ang lalaki sa pinto. Ngumiti lamang si Ramil at hindi nagsalita. Ngiti na nagsasabi na wala itong dapat ipag-alala dahil hindi siya mang-iiwan sa ere.
Lumabas ang binatilyo sa loob ng penitentiary at sinalubong siya ng mainit na sikat ng araw. Maginhawa ang pakiramdam niya, pakiramdam niya, nabigyan siya ng second chance sa buhay.
"Kalalabas pa lang ni Ligaya sa ospital kahapon. Okay na kaya siya? Kamusta na kaya siya?" nasa isip ni Ramil. Nasasabik siyang makita muli ang babae.
****
Nasaan si Ligaya ngayon?
Nasa sementeryo ang dalaga. Naglalakad siya roon at hinahanap si Mang Tonyo. Hindi pa rin magaling ang mga sugat niya at dapat ay magpahinga pa siya sa bahay pero gusto niyang kausapin si Mang Tonyo. Marami siyang tanong sa isip kailangan niya ng kasagutan. Sinabi ni Nimfa na matapos ng mga pangyayari madalas daw si Mang Tonyo sa sementeryo at laging nagdadalamhati ang manong.
BINABASA MO ANG
𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟
De Todo"Walang mukha ang kasamaan." Bagong dayo sina Ligaya at Maninging sa San Fernando Pampangga nang mangyari ang kahindik-hindik na krimen sa tapat ng abandonadong bahay. Ang bahay na iyon ay katabi lamang ng Agsikapin Elementary School kung saan nagtr...