"Naniniwala ka ba sa mga demonyo?"
Sa una ay natahimik si Ramil tapos bigla siyang natawa. Naalala niya ang mga dating chismis. Seryoso lamang si Dominic na nakatingin sa kanya.
"Demonyo? Tingin mo naniniwala ako sa mga ganyang klaseng kwento?" natatawa pa ring baling niya rito.
"Ganyan din ang reaksyon ko nang unang sabihin iyan sa akin ni Adrian Nestor," ngunit seryoso lang ang mukha ng lalaki.
Hindi nakapagsalita si Ramil at nawala ang ngiti sa mukha niya. Napagtanto niya na hindi ito ang oras para tumawa.
"Sabi ni Adrian sa akin, nakakita siya ng demonyo sa loob ng lumang bahay. Ako ang unang sinabihan niya Ramil."
"............"
"Ayon kay Adrian, pinatay ng demonyo ang isang aso, dalawang pusa at isang kalapati. HOBBY ng demonyo ang pumatay kaya ito pumapatay ng mga hayop. Sa loob ng lumang bahay ito pumapatay dahil wala raw nagpupunta roon," kwento nito habang nakatingin ng diretso sa kausap. "Iyon ang natatandaan kong mga kwento ni Adrian."
"Totoong demonyo? Naniniwala ka ba sa---" kumunot ang noo niya.
"Sino ba ang maniniwala sa ganoong kwento ng bata?" putol ni Dominic sa sasabihin niya. "Noong una pinalagpas ko lang. Naisip ko na malawak talaga ang imahinasyon ni Adrian. Hindi ko pinaniwalaan si Adrian pero patuloy siya sa pagkwekwento ng ganoon.
May demonyo sa abandonadong bahay na nasa anyong tao pero hindi raw niya kilala kung sino iyon. Naniwala ang mga kaklase ni Adrian sa Grade 1- Indigo. Natakot na ang mga batang pumunta roon.""Alam ko na iyan Dominic, nagpasalin-salin ang kwento. At ang kwento ay nagbago hanggang umabot sa magulang. Iba pa ang pagkakaintindi ng mga parents," naalala ni Ramil dahil ikinuwento sa kanya iyon ni Ligaya. "Pero anong kinalaman niyon?"
"Nasira ang reputation ng school dahil sa ganoong kwento. Bilang Principal, responsibilidad ko ang lahat. Ginawa ko ang gusto nila. Nag-imbestiga ako sa cabin wala akong natagpuan. Naisip ko na dakilang sinungaling si Adrian. Hanggang isang-araw, nakilala ko ang demonyong sinasabi ni Adrian....."
Naalala ni Dominic ang nakaraan.....
Bumaba siya sa hagdan. Galing siya sa opisina ng School Director. Kahit ilang beses pa siyang nagpaliwanag sa School Director, hindi siya nito pinanigan. Mas pinapanigan nito ang mga magulang kasi nga sa magulang sila kumukuha ng pera.
Napabuntong-hininga si Dominic. Nakapagdesisyon na siya. Nag-resign na siya sa school na ito! Bulok ang sistema sa Ginintuan Elementary School.
Nakababa na siya sa ground floor nang mapansin niya ang dalawang teacher na nag-uusap. Naglalakad ang mga ito at nakatalikod sa kanya. Hindi siya napapansin ng dalawa.
"Siguro pinatawag si Sir Dominic sa opisina at pinatalsik na siya ng School Director," chismis ng teacher 1.
BINABASA MO ANG
𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟
Random"Walang mukha ang kasamaan." Bagong dayo sina Ligaya at Maninging sa San Fernando Pampangga nang mangyari ang kahindik-hindik na krimen sa tapat ng abandonadong bahay. Ang bahay na iyon ay katabi lamang ng Agsikapin Elementary School kung saan nagtr...