Kinabukasan ay nagtungo si Ligaya sa opisina ng punong-guro. Nakaupo siya sa sofa at hinihintay ang sagot ni Ph. D. Rizalina Mateo sa kanyang tanong. Nakatingin lamang si Ma'am Rizalina sa bintana. Nakatayo roon at nanonood ng mga batang naglalaro sa school ground. Ang ginang ay nasa 50 yrs old na pero napakalakas pa. Matalas din ang isip at memorya dala ng pagiging matagal sa propesyon.
"Nag-aalala ka sa isang bata, ako nag-aalala sa lahat," makahulugang sabi ng ginang at lumingon kay Ligaya.
"Pasensya na po kayo ma'am. Alam ko naman na marami kayong iniisip ngayon pero naaawa lang kasi ako kay Tom," paliwanag niya sa babae.
"Naiintindihan naman kita Ligaya. Kaya lamang ay magulo rin ang isip ko ngayon. Sunod-sunod ang pagkamatay ng mga estudyante sa paaralan at nanghihinala na ang mga tao. Natatakot lang din ako sa maaaring kalabasan ng lahat," buntong-hininga ni Rizalina.
Hindi nagsalita si Ligaya. Hinayaan niyang magbahagi ng damdamin ang punong-guro. Isa pa, malaki ang utang na loob niya sa ginang. Si Rizalina ang tumulong sa kanya sa oras ng kagipitan.
Pagkuwa'y umupo ang principal sa kanyang office chair, tinungkod ang dalawang siko sa mesa, inilagay ang mga kamay sa ilalim ng baba at tumingin nang diretso kay Ligaya."Ulila na si Thomas Castaneda. Ang tanging guardian niya ay ang kanyang tiyuhin," simula nito.
Nakadama ng awa si Ligaya dahil sa narinig. Kawawa naman pala si Tom. Wala na nga ang mga magulang nito, nabubully pa siya sa paaralan.
"Kung gusto mong mag-home visit kay Tom, walang problema sa akin. Ngunit mag-iingat ka sana sa bawat lakad mo. Ayaw ko na magkaroon nanaman tayo ng panibagong problema dahil dito," paalala ni Rizalina.
"Makakaasa kayo maam na hindi iyon mangyayari. Trabaho ko rin ito bilang guro. Gusto ko lang mapabuti ang kalagayan ng bata," determinadong sagot niya.
"Kung ganoon ay pinapayagan kita sa gusto mong gawin," sabi na lamang ni Rizalina. May tiwala naman siya sa guro.
Napangiti nang malaki si Ligaya. Masaya siyang pinayagan siya ni Rizalina sa kanyang balak. Nawala ang ngiti niya nang may naalala siyang isang bagay.
"Ah Principal may tatanong pala ako."
"Ano iyon?"
"Tungkol po sa..." gusto niyang sabihin ang tungkol sa old cabin pero nagdalawang isip siya. "Baka naman maisip ng Principal na weirdo ako. Huwag ko na nga lang tanungin."
"Wala po ma'am. Hindi bale na lang," bawi ni Ligaya.
"Sigurado ka? Baka mahalaga iyan?"
"Hindi po maam. Hindi naman po," iling niya.
"Okay. Basta mag-iingat ka na lang sa lakad mo Ligaya."
"Opo. Maraming salamat po, Principal!" pasasalamat niya at nakipagkamay sa ginang.
Tumayo na si Ligaya, muling nagpasalamat sa punong-guro bago tuluyang lumabas sa pinto. Paglabas niya ay hindi niya inaasahan na mabubunggo niya ang isang lalaki. Hindi naman niya alam na naroon ito sa pinto.
Natigilan din si Ramil sa pagkatok sana sa Principal's Office nang makabangga niya ang isang babae.
Nagkatinginan silang dalawa.
"Sorry," sabay nilang sabi.
Nahulaan ni Ligaya na alagad ng batas ang lalaki dahil sa logo nito sa uniform. Umiwas siya ng tingin at naglakad na paalis. "Marahil nandito ang mga pulis para mag-imbestiga," aniya sa isip.
BINABASA MO ANG
𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟
Random"Walang mukha ang kasamaan." Bagong dayo sina Ligaya at Maninging sa San Fernando Pampangga nang mangyari ang kahindik-hindik na krimen sa tapat ng abandonadong bahay. Ang bahay na iyon ay katabi lamang ng Agsikapin Elementary School kung saan nagtr...