Inabot na ng hapon sina Ligaya at Nimfa nang makarating sa Sport's Complex. Maraming bata roon at sumasakay sa mga rides. Ang mga matatanda naman ay nandoon lang para magsugal. Kinabahan si Ligaya. Ang daming tao! Mahahanap pa kaya nila sina Maningning at Tom dito?
"Ligaya, maghiwalay tayo. Maghahanap ako roon, ikaw naman sa kabila," suggestion ni Nimfa. "Magkita na lang tayo sa tapat ng Ferris Wheel mamayang 6pm."
"Sige," pagpayag niya.
Pumunta si Nimfa sa kaliwa, siya naman ay sa kanan.
Naglakad siya hanggang makarating siya sa pinakadulo at nakita niya roon ang horror house. Ang horror house ang pinakahuling station ng perya. Sa unang tingin, mukhang kamukha ng old cabin ang istasyon. Mas maliit nga lang iyon. Kaunti lamang ang mga bata at puro teenagers pa nga ang pumapasok.
Lumapit siya sa operator ng horror house. "Sir may napansin ba kayong bata na kamukha nito?" tanong niya na pinakita ang picture ni Maningning sa phone.
Tinignan iyon ng operator, "Hmmmm.. pamilyar.... Ah oo!" nagpatango-tango ang lalaki.
Nakakita siya ng pag-asa.
"Nasita ko pa nga iyon dahil bata pa, baka magkatrauma. May kasama naman siyang batang lalaki eh kaya pinayagan ko nang pumasok. Kapapasok pa lang nila ngayon."
"Oo! Sila nga! Kasama niya si Tom," sabik na sabi ni Ligaya.
"Nandyan pa sila sa loob," turo ng operator sa horror house.
"Pwede bang pumasok?"
"May fee po. 30 pesos."
Nagbayad na lang siya ng 30 pesos para makapasok siya sa loob ng horror house. Nagpasalamat siya sa operator at sa Diyos dahil sa wakas makikita na rin niya sina Maningning at Tom.
"Siguradong mapipingot ko si Maningning dahil umaalis na walang paalam!" kausap niya sa sarili. "Sa ganito ba namang panahon eh, pinag-aalala ako!"
***
Pagpasok niya sa loob, wala siyang makita. Madilim sa loob ng Horror House. Kailangan pa ng flashlight para makita ang daan. Binuksan niya ang flashlight niya sa phone. Inilawan niya ang paligid hanggang matamaan ng ilaw ang isang mukha.
"Boooo!" panggugulat nito.
"Ah buysit!" nagulat si Ligaya na napalayo.
Nakasuot ng barong ang lalaki, may kunwaring dugo sa mukha at damit. Napangiti lang ang lalaki at pumwesto ulit sa tabi ng pinto. Natatawa na napailing si Ligaya. Ano ba itong pinuntahan niya?
"Ah! " nakarinig siya ng tili ng mga teenagers. Nagtatakbuhan ito sa loob habang hinahabol ng kunwaring white lady.
Hindi naman natatakot si Ligaya sa mga ganito. Alam niya kasing 'actors' lamang sila.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi na lang niya pinansin ang mga props at kunwaring multo sa paligid. Nakarating siya sa gitnang bahagi.
"Maningning? Tom? Nasaan na kayo? Nandito ba kayo?" tawag niya habang iniilawan ng phone ang paligid.
Mga tilian ng mga babae ang sumagot sa kaniya. Tinatakot sila ng mga 'actors'.
Pero may narinig siyang kakaiba---sigaw ng isang tinig na pamilyar sa kanya. Naririnig niya iyon sa pinakadulong bahagi ng horror house.
"Sino iyan?"
Muntik nang madapa si Ligaya. May natisod siya sa sahig. Ano iyon? Inilawan niya iyon at nakitang may nakahigang tao sa lapag. Nakadapa siya sa malamig na semento.
BINABASA MO ANG
𝕋𝕙𝕖𝕣𝕖'𝕤 𝕒 𝕄𝕒𝕟 𝕚𝕟 𝕥𝕙𝕖 ℂ𝕒𝕓𝕚𝕟
Random"Walang mukha ang kasamaan." Bagong dayo sina Ligaya at Maninging sa San Fernando Pampangga nang mangyari ang kahindik-hindik na krimen sa tapat ng abandonadong bahay. Ang bahay na iyon ay katabi lamang ng Agsikapin Elementary School kung saan nagtr...