Prologue
"Hey, Yrex! Pansin ko hindi ka na sumasama sa mga hangouts natin."
Hindi niya pinansin ang kaibigan niya at patuloy pa din sa paghahanap ng mga damit, bags at sapatos na pangbabae.
"What do you want, Trey? Umalis ka na sa opisina ko kung manggugulo ka lang. I'm busy."
Hindi niya tinapunan ng pansin ang lalaki. He's busy scrolling and buying things para sa ini-sponsor niyang estudyante. Naramdaman niyang nasa likod si Trey at nakikiusyoso sa ginagawa niya.
"Wow! Namimili ka ng mga gamit para sa babae, who's the lucky girl?"
"None. Para sa scholar ko ito."
"Oh! Na-kwento mo na nga sa akin iyan. Siya ba iyong namatayan ng mga magulang tapos wala ng mga kamag-anak na kilala at napunta sa orphanage ninyo temporarily then you decided to personally sponsor her education, right?"
"Yes."
"Alam mo, I'm doubting your kindness. Oo, tumutulong ka naman pero sarili mo talagang pera ang ginagastos mo para sa kanya meron namang budget ang ampunan niyo para sa pag-aaral ng mga bata na hindi na-aampon diba? At ikaw mismo ang namimili ng mga kailangan niya na pwede mo na nga lang i-utos sa iba! "
"So? What's wrong with that? Umalis na rin siya ng ampunan."
"I'm not saying it's wrong but you're a CEO of the second largest company in Asia. And you're actually giving time to a girl, this is new!"
"Don't make this a big deal, Trey."
"I'm not. So, what's the catch? Sigurado akong may motibo ka kung bakit mo 'to ginagawa."
"She's 17 years old now."
"Ano naman? Tinatanong ko ba ang edad niya? At ang bata pa niya, mas matanda ka ng labin-dalawang taon. Sugar daddy ka ba niya?"
"What?! No! I'm her daddy long legs. Sinusuportahan ko ang mga kailangan niya pero hindi ako nagpapakilala kaya 'daddy long legs' is the right term to address me."
"Whatever you say, bakit mo nga pala binanggit kung ilang taon na siya."
"Kailangan ko na lang mag-antay ng ilang buwan bago siya tumuntong sa legal na edad."
"What the! D-Don't tell me--Are you serious?!"
"Of course. I'll wait for her to reach 18 years of age then after that... I'll make her my wife."
_END_

BINABASA MO ANG
Her Sugar Daddy
RomantiekYrex Sarmiento Volkov loves a girl who's 12 years younger than him. Wala siyang pakialam kung husgahan siya ng ibang tao, mas pagtutuonan niya ng pansin kung paano niya maihaharap sa altar ng simbahan ang babaeng mahal niya.