Chapter 13

1.6K 33 2
                                    

Chapter 13

Pagkalipas ng ilang minuto na paghilata sa kama ay napagdesisyonan na nilang bumangon at maligo.

Mas nauna siyang bumaba at nagpalit lang siya ng pink na pajama dahil nandito lang naman siya ngayong araw. Napagkasunduan nila ng kanyang moy mozh na mag mo-movie date na lang sila dito sa kanilang bahay.

Habang nag-hahanda siya ng popcorn at orange juice sa kusina ay nakita niyang papunta sa kanya ang asawa na nakasuot lang ng itim na pajama at agad na yumakap sa kanya.

"Let me help you with that, moya zhena."

Tinanguan lang niya ito at medyo nagulat nang hinalikan siya nito ng mabilis sa pisngi bago dalhin ang isang pitsel ng orange juice at dalawang baso sa kanilang theatre room. Sumunod na din siyang umakyat sa second floor bitbit ang isang bowl ng popcorn.

Nang makita siya nitong papalapit ay agad itong ngumiti sa kanya at kinuha ang dala niya.

Simula ng kaninang umaga ay mas naging extra sweet ito sa kanya.

Mukhang tototohanin nito ang sinabing hindi na ito magpipigil ng nararamdaman para sa kanya 'di tulad ng dati na natatakot itong ipakita ang totoong damdamin nito sa kanya dahil baka mapansin niya ang palihim na pagtingin nito.

Nang mapansin ng kanyang moy mozh na nakamasid lang siya ay agad naman siyang lumapit at umupo sa tabi nito.

"Is there something wrong, malishka?"

"Wala naman. Hindi lang kasi ako sanay ."

Nakita niya ang pagkalito sa gwapo nitong mukha na kinangiti niya lang.

"Sanay saan?"

"Sa iyo at sa pagiging extra sweet mo. Baka kasi hindi kayanin ng puso ko at bumigay na sa iyo."

She saw him smirked and wink at her.

"Iyon nga ang hinihintay ko. Dahil sa oras na bumigay ang puso mo sa akin ay hindi na kita bibigyan ng pagkakataon na makabangon dahil lulunurin kita ng pagmamahal ko. Please let yourself fall for me, and don't be afraid because I'll always be there to catch you."

She's speechless and she can feel her heart beats rapidly, lalo na't parang nilulunod siya ng mga asul nitong mga mata.

Before she can speak, her moy mozh leaned closer and claimed her lips.

"Your lips  are so addicting malishka. I just can't get enough."

Namula siya sa sinabi nito at napaiwas ng tingin. Nahihiya siya!

"ya lyublyu tyebya, moya zhena.(I love you, my wife.)"

Iyan naman ang mga salitang palagi nitong sinasabi sa kanya pero hindi niya alam ang ibig-sabihin.

"Hindi ko maintindihan ang sinabi mo?"

He just smiled mysteriously, ganyan ang laging ginagawa nito pag tatanungin niya kung ano ang kahulugan ng mga salitang iyon.

"Nothing. What movie do you want to watch?"

"Hmm, I want to watch the 'boss baby 2'. Is it okay? Pwede naman tayong pumili ng iba kung hindi mo gusto. I'd like to re-watch 'The ring' iyong american version kung ayaw mong panoorin iyong nauna. Anong gusto mo iyong animated o horror?"

NAMUTLA siya sa narinig. Mahina ang puso niya sa mga nakakatakot na palabas pero ayaw niyang malaman ito ng asawa baka ma-turn off ito sa kanya pag nalamang hindi niya gusto ang mga nakakatakot na palabas mukhang paborito pa naman ito ng kanyang malishka.

"O-Okay. Let's watch 'The Ring'. "

"Really?! "

Nakita niyang nagniningning ang mga mata nito sa saya. Gusto niyang palaging nakikitang masaya ang babaeng mahal niya kaya wala na talagang atrasan 'to.

Her Sugar Daddy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon