Nakaupo si Amia sa isang bench ng park na nasa tapat ng grocery store. Hinihintay niya lang si Yrex na bumibili ng dessert nila which is chocolate ice-cream. Foodtrip talaga ang kanilang ginawa sa loob ng isang oras, mula sa five star restaurants hanggang sa mga streetfoods ay hindi nila pinalampas.
Ngunit hindi talaga niya makakalimutan kung papaano siya pinagtanggol ng lalaki, nanliliit na ang tingin niya sa sarili dahil sa mga panghuhusga na natanggap mula sa mag-ama kanina pero dumating ang kanyang Kuya Yrex para ipagtanggol siya. Masaya siya na nakilala niya ito. Because he's like a brother she never had.
Napangiti siya ng makitang palabas na ito mula sa grocery store na may hawak na dalawang ice-cream sa cone pero may babaeng humarang at sa tingin niya ay nagpapakilala rito. Dire-diretso lang ang lakad nito papunta sa kanya at hindi man lang tinapunan ng tingin kahit isa ang babae.
"Malishka, here's your ice-cream. Sorry for waiting."
"Salamat, Kuya."
Umupo ito sa tabi niya at nagsimula na nilang kainin ang kanilang ice-cream. Nakita niya ang babae kanina na humarang kay Yrex na umirap sa kanya at naglakad na paalis.
"Kuya, hindi mo ba gusto iyong babaeng nagpakilala sa iyo?"
"Who?"
"Iyong humarang sa iyo palabas, maganda po siya."
"I didn't notice and I don't care, I have my favorite person now."
"Kung hindi niyo po mamasamain, ano pong pangalan niya?"
Tiningnan siya ng lalaki at may kung anong emosyon siyang nakita sa mga mata nito pero agad ding nawala.
"A.I.F, is her name."
"A.I.F? Siya din po ba ang na-ikwento niyong ka-birthday ko?"
"Yes."
"Gusto niyo po ba siya?"
"Oo. I really like her a lot."
"Then bakit hindi niyo po ligawan?"
Nginitian siya nito at ginulo ang kanyang buhok.
"Gusto ko sana kaso ayaw kong mabigla siya. Dadahan-dahanin ko lang hanggang maramdaman niya na gusto ko siya."
"Paano kung maunahan kayo?"
"That won't happen. I'll make sure na sa akin pa rin ang bagsak niya. Ikaw? Do you think she'll like me?"
"Bakit naman po hindi. Ang bait niyo po sa akin at masaya kayong kasama. Alam kung magugustuhan ka niya basta't ipakita mo lang po na sincere at totoo kayo sa nararamdaman niyo para sa kanya. You're like the Kuya I never had kaya kung kailangan niyo po ng tulong andito lang po ako."
"The kuya you never had? Mne bol'no, malishka (I'm hurt, baby). But I appreciate what you said. Gagawin ko kung ano ang sinabi mo para mapansin din niya ako."
"Kaya mo iyan, kuya. Magiging kayo din."
Yrex pinched her cheeks.
"I know, malishka. By hook or by crook, magiging kami din. Just wait, ipapakilala din kita sa kanya."
"Okay po. Kuya, nag-text na si Femi sa akin. Hinahanap na niya ako, sinabi kong kasama pa kita."
"Yeah, I know. Tumatawag na siya sa akin, let me answer her call first."
"Sige po."
Tumayo at lumayo ng kaunti si Yrex kay Amia bago sinagot ang tawag ng pinsan.
BINABASA MO ANG
Her Sugar Daddy
RomansYrex Sarmiento Volkov loves a girl who's 12 years younger than him. Wala siyang pakialam kung husgahan siya ng ibang tao, mas pagtutuonan niya ng pansin kung paano niya maihaharap sa altar ng simbahan ang babaeng mahal niya.