[1 week after]
Nasa isang branch ng Sarmiento hotel si Amia na medyo malapit sa simbahan kung saan siya ikakasal. Kasama niya rin si Femi na tapos nang ayosan at nakasuot na ng pink dress, lahat kasi ng imbitado ay dapat pink ang color ng damit. Siya naman ay nakasuot ng puting robe at nakaupo paharap sa isang salamin habang hinihintay na matapos ang paglalagay ng make-up sa kanya.
"Babe, nakita mo na ba ang wedding gown mo?"
Hindi muna siya sumagot sa kaibigan at nang nakita na tapos na ang pagmamake-up sa kanya ay ngumiti siya at nag- pasalamat sa babaeng nag-ayos sa kanya bago ito umalis at binalingan naman niya si Femi.
"Hindi pa, babe. Ikaw, nakita mo na ba?"
"Oo. At alam kong magugustuhan mo!"
"Talaga? Anong itsura?"
"Wait, BOYS! GET IT INSIDE!"
Nagulat siya ng biglang sumigaw si Femi ay kasabay na bumukas ang pinto ng V.I.P room kung saan sila kasalukuyang naghahanda. May dalawang lalaking pumasok na may tulak-tulak na mannequin at nang makita niya ang kabuoan kung ano iyon ay nag-uumapaw ang tuwa at pagkamangha niya sa kanyang wedding gown.
The color is pink and she was more amazed with the design, a cherry blossom flower is embroidered on the lower part of the gown and the veil is also long as the gown, it's lower part is also embroidered with cherry blossom.
"So? Did you like it?"
Napatango na lang siya dahil hindi pa rin siya makapagsalita sa mangha. Ilang minuto din niyang pinagmasdan ang damit at may hula na din siya kung ano ang tema ng kanilang kasal.
"It's breathtakingly beautiful, babe."
"I know, at hindi niya lang ito binili. My cousin hired a designer to make that gown in 1 week."
"R-Really? Ang l-laki siguro ng ginastos ni kuya Yrex, babe. Pwede namang simpleng kasalan lang naman ang mangyari."
"Nako! Huwag mong isipin ang gastos. Kuya won't let you settle with only good, he always wants the best when it comes to you. Dapat lang talaga! Mabuti nga at napapayag ka niya kung hindi ay baka nakamasid pa rin siya sa iyo sa malayo at forever na siya sa kuyazoned. "
"A-Anong sinabi mo?"
Nag-aalangang nginitian siya ni Femi. Sa tingin niya ay nagulat din ito sa mga binitawan nitong salita.
"H-ha? Wala, hahaha. H-Huwag mo kasing isipin ang gastos dahil mayaman naman ang pinsan ko at dapat lang na bongga ang kasal niyo, ang swerte nga niya dahil pumayag kang magpakasal sa kanya. You deserve the best of the best."
"Aww, Thank you. Pasensya na, hindi ko kasi narinig ang huli mong sinabi kanina."
"Don't worry! Okay lang iyon. Manganganib ang buhay ko kung sakaling narinig mo iyon, h-haha."
Sabay silang napatingin ulit sa pinto ng may kumatok at sumilip ang kanyang tita Esther, nakasuot din ito ng pink na dress at hindi din mahahalata na singkuwenta anyos na ito.
"Can I come in?"
"Of course tita!"
Nakangiti itong lumapit sa kanya at niyakap siya pagkatapos ay hinawakan ang dalawa niyang kamay. Nakita niyang may namumuong luha sa mga mata nito habang pinagmamasdan siya.
"You're so beautiful, iha. Just like your mother."
Hindi niya mapigilang maging emosyonal nang mabanggit ang kanyang ina. Naisip niya kung anong magiging reaksyon ng kanyang mga magulang pag nalamang ikakasal na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/273782433-288-k744538.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Sugar Daddy
RomanceYrex Sarmiento Volkov loves a girl who's 12 years younger than him. Wala siyang pakialam kung husgahan siya ng ibang tao, mas pagtutuonan niya ng pansin kung paano niya maihaharap sa altar ng simbahan ang babaeng mahal niya.