Chapter 4
"So, how was your first date?"
"Shut up, Trey. I don't need to tell you."
Pagkahatid niya kay Amia ay dumiretso uli siya ng kompanya. Sarmiento Hotels and restaurants ay ang negosyo ng kanyang ina, at simula ng mamatay ito ay pinasa na sa kanya at siya na ang nag-manage.
"You need to marry her asap, you only have two months before he comes back."
"I know. And I won't let him stop me from marrying Amia."
"Things will be tough when he comes back."
"I don't care, I will protect the woman I love at all cost."
Hinihingal na umupo si Amia, muntik na siyang ma-late sa pagpasok sa eskwelahan. Tinapos niya kasi lahat ng pending assignments at projects niya kahapon at nakalimutang lunes na pala ngayon.
Mabuti na lang talaga at nakaabot siya kung hindi may fine siyang babayaran. Isang pribadong paaralan ang 'Limor High School' at hindi niya kaya ang tuition fee kada buwan kung hindi siya pinapaaral ni mister Aly aka Kuya Yxer.
Nagulat siya ng may biglang humalik sa kanyang pisngi.
"Belated happy birthday, babe."
Nakatulala siya ng makita ang isang babae sa kanyang harapan na naka-itim na dress at heels. Pwede kasing hindi magsuot ng uniform ang mga estudyante kada lunes at biyernes. Kahit nga siya ay nakasuot lang ng plain white t-shirt and black jeans with white shoes. Nakangiti ito habang pinagmamasdan siya.
"Femi! Kailan ka pa bumalik?"
Umupo muna ang dalaga sa tabi niya at may binigay na isang puting paper bag.
"Ano 'to?"
"It's my gift for you, pasensya ka na at hindi kita nabati ng personal. Alam mo namang kailangan kong pumunta ng Paris para sa business namin."
"Okay lang iyon, kailan ka dumating?"
"Last night. Dalawang araw lang akong nawala pero na-miss na kita babe."
"Ako din, sobra. Pero dapat nagpahinga ka muna, alam ko namang nakakapagod pagsabayin ang pag-aaral at pag tra-training mo para sa negosyo niyo. Baka magkasakit ka niyan?"
"Aww, you're so sweet, babe. Don't worry about me, I can manage. Kamusta ka? May nangyari bang kakaiba sa iyo sa mga nagdaang araw? Did someone taint your innocence?"
"Huh?"
"Oh my! You're still the same!"
"Actually babe, may sasabihin ako sa iyo."
"Is that a chika? Go ahead."
"Nagpakilala na sa akin ang benefactor ko sa pag-aaral."
"Really? What's his name?"
Naputol ang sasabihin niya ng makitang pumasok si Mrs. Gonzales, ang english adviser nila. Lahat sila ay tumayo para magbigay galang sa guro.
"GOODMORNING CLASS!"
"GOODMORNING MA'AM!"
"Okay, You may sit down."
Bumulong na lang siya kay Femi na mamaya na lang niya iku-kwento ang lahat sa cafeteria.
"Okay class, before we start our lesson I will ask you a question regarding sa magiging topic natin ngayon. Naniniwala ba kayong may tamang tao o right person na nakalaan para sa atin pagdating sa pag-ibig?"
Maraming sumagot ng oo at may iilang sumagot ng hindi pero siya ay nanatiling tikom ang bibig.
"Miss Fernandes, wala akong narinig na sagot mula sa iyo?"

BINABASA MO ANG
Her Sugar Daddy
RomanceYrex Sarmiento Volkov loves a girl who's 12 years younger than him. Wala siyang pakialam kung husgahan siya ng ibang tao, mas pagtutuonan niya ng pansin kung paano niya maihaharap sa altar ng simbahan ang babaeng mahal niya.