"WHAT?! You're engaged? Suddenly?!"
"Babe, kumalma ka muna--"
"How can I calm down?! You are getting MARRIED, for goodness sake! And my cousin is your GROOM! I am freaking out, I am totally freaking out!"
"Babe, inhale and exhale."
Nakita niyang sinunod ni Femi ang sinabi niya. Nasa kanyang bahay ang dalaga dahil kada sabado ay may sleep-over silang ginagawa. Sa susunod na linggo ay kina Femi naman siya matutulog.
Pagkadating na pagkadating pa lang ng kaibigan ay agad niyang sinabi ang naging pag-uusap nila ni Yrex kaninang umaga. Pinayagan naman kasi siyang sabihin ang totoong dahilan kung bakit siya magpapakasal pero kay Femi lang, sa ibang tao hindi pwede.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?"
Tumabi sa kanya ang dalaga sa pagkakaupo sa kama niya at niyakap siya.
"Oo naman. Hindi naman ako papayag kung napipilitan lang ako."
"I'm just... worried for you. Pag kinasal ka na, you can't do things freely. Kailangan bawat galaw mo at gagawin ay sasabihin mo sa asawa mo. Pag lumapit ka sa ibang lalaki kahit kaibigan mo lang iyon ay pagbibintangan kang nagloloko at malandi pero pag siya ang nakita mong may kasamang ibang babae ay hindi ka pwedeng umangal."
Ramdam niya ang lungkot sa tinig nito, alam niya kasi kung gaano kasakit ang pinagdaanan ng best friend niya nang mapilitan itong magpakasal. Niyakap niya ng mahigpit si Femi para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito.
"Babe, Andito lang ako lagi para sa iyo. If you're too tired about your problems and fighting this world, come to me and I'll fight for you."
Kumalas na ang dalaga sa pagkakayakap sa kanya at nginitian siya.
"I know, babe. Alam ko namang hindi mangyayari sa iyo ang nangyari sa akin. Kahit na magpapakasal ka para matulungan ang pinsan ko ay hindi ka mahihirapan. Kahit palagi kong inaasar si Kuya Yrex ay never pa iyan nagalit sa akin. Nang mga panahong pinipilit ako at ang mga magulang ko ng mga kamag-anak namin na magpakasal sa isang mayamang negosyante para masalba ang kompanya namin ay agad na nagalit si Kuya sa kanila lalo na ng maikasal na ako.
Pagkatapos ng anim na buwan na paghihirap ay nagulat na lang ako isang araw ay pumunta si Kuya sa bahay na tinitirhan naming mag-asawa at binawi ako. Nang mag-file ako ng annulment ay tinulungan niya din akong mapadali lahat ng proseso hanggang sa mawalan ng bisa ang kasal ko. Hindi ko nga lang alam kung papaano niya napapayag na mapapirma ang lalaking pinakasalan ko lalo na't ayaw niya akong pakawalan kahit hindi naman niya ako mahal. Nalaman ko rin mula sa mga magulang ko na isa ako sa rason kung bakit nagsumikap si Kuya na marating kung anong meron ang Sarmiento hotels and restaurants ngayon dahil gusto niya akong bawiin.
Kaya kahit hindi mo siya mahal ay alam kong nasa mabuting kamay ka. Your like a sister to me and Kuya is like my brother, My wish for the both of you is genuine happiness and love. And I'm always here for you too, babe. Please take good care of my Kuya Yrex at pag sinaktan ka niya huwag kang magda - dalawang isip na sabihin sa akin. Milyones na ang ipon ko ngayon, kaya pwede kitang ilayo sa pinsan ko. Okay?"
Umiiyak na siya ngayon habang nakangiti. Kaya mahal na mahal niya si Femi dahil bukod sa kaibigan niya ito ay tinuring na din niya itong kapatid. Palagi itong nasa tabi niya at hindi siya iniwan at ganun din ang ginagawa niya para sa dalaga.
"P-Paambon naman ng sinasabi mong milyones mo, babe."
Pabiro lang ang pagkakasabi niya na sinakyan naman ng kaibigan.
"Sige, anong gusto mo babe. Ililibre kita, basta hindi dapat lalampas sa budget."
"Magkano ba budget mo?"

BINABASA MO ANG
Her Sugar Daddy
Roman d'amourYrex Sarmiento Volkov loves a girl who's 12 years younger than him. Wala siyang pakialam kung husgahan siya ng ibang tao, mas pagtutuonan niya ng pansin kung paano niya maihaharap sa altar ng simbahan ang babaeng mahal niya.